Game 9

468 48 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Wala sa sarili akong bumalik sa pwesto ko, hindi ko rin nagawang sagutin ang tanong ni papa kanina ng madaanan ko siya sa pila niya dahil sa mga nalaman ko at sa naging resulta.

Punong puno ang utak ko ngayon at maraming tanong na gusto kong masagot at mabigyang linaw! Bakit naging ganun ang resulta ng test sa akin? Bakit ako naging legendary Meir? Bakit ako naging biktima ng SMV!? Puro bakit! Bakit kailangang ako pa!?

Ano ang ibig sabihin ng SMV at paano ako naging biktima nito? Kailangan ko nang masagot ang mga tanong ko kasi kung hindi ay baka masiraan ako ng utak!

Pero ang mas iniisip ko ngayon ay ako lang ba? Ako lang ba ang nag iisang nagkaroon ng ganong resulta ng test, nakakatiyak akong ganun din ang magiging resulta nung anak nung nanay na narinig ko sa likod ng palengke, kung hindi nila tinuloy 'yung plano nila.

"I have now the paper containing the names of the thirteen players of Zanaxamyr" lihim akong napasimangot nang makita ang binabae at nagsalita.

Sinabi nitong lalabas sa interactive whiteboards ang larawan ng labing tatlong manlalaro ng Zanaxamyr na pambato ng aming lungsod. At ilang sandali pa lang ay nagsilabasan na ang mga larawan na ikinaingay ng mga tao.

"Maawa k-kayo! Ma-matanda na ang Tatang Leo ko! M-maawa kayo! P-pakiusap huhuhu"

"Nanay Raleeeei! Nanaaay Raleeei!"

"Bodhi anak...a-anak ko!"

"Galingan mo Melody! May tiwala kami sayo"

"Mamaaa! Si kuya Caze! Huhu"

"Alam kong mananalo ka Mareen! Galingan mo! Ipanalo mo ang labang iyon!"

"Eoron..anak! Matapang ka, alam kong kakayanin mo ito.

"Ang malas naman ni Vegeia hahaha!"

"Trueee! Let's watch the fight of Vegeia and Mareen on game day!"

"Mama Tildaaaa! Mama ko, mama ko 'yun!"

"A-anak..Vegeia"

Samu't saring ingay ang maririnig mula sa harap ng Jeneiland Hall, may mga umiiyak, sumisigaw, nagmamakaawa, may pinagmamalaki ang kanilang anak at meron ding pinapalakas ang loob ng ilang myembro ng pamilya nilang napili.

Nang nag-angat ako ng ulo ay nakita ko mula sa pang labing isa ang larawan at pangalan ko, hindi nakalagay doon ang resulta ng test na ikinahinga ko ng malalim ngunit hindi nawala ang bigat sa dibdib ko.

"Our players of Zanaxamyr! Mareen Salamante, Eoron Phantelle, Jesusa Morten, Matilda Benjamin, Irwin Havelock, Auralei Shoney. Bodhi Miles, Mia Jean Aswero, Daryo Harpsody, Melody Povia. Vegeia Lage Reatha, Leo Florence, Cazelane Osmond, let's give them a warm of applause" pagbanggit ng binabae sa labing tatlong manlalaro ng Zanaxamyr.

Pakla itong tumawa na narinig sa buong kasulukan nang walang pumalakpak gaya ng sabi niya. Sa inis nito ay napababa siya ng entablado ay napahilot sa sintido niya.

Hindi ko na itinuon ang tingin ko dito at nilingon ko na lang si mama na nasa ikaapat na hilera ng mga matatandang kababaihan, malungkot ang mga mukha niya at nangingilid ang luha. Gayundin din ang emosyong nakita ko kay papa ngunit nakapaskil sa labi nito ang pekeng ngiti.

Sana ay panaginip na lang ito, sana binabangungot na lang ako! Ang hirap tanggapin na napabilang ako sa labing tatlong manlalaro ng Zanaxamyr at mas lalong ang hirap tanggapin ng naging resulta ng test kanina.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin