Game 10

504 50 4
                                    

Edited

Vegeia's POV

Malalim na ang gabi ng dumating ang sundo naming lahat. Sakay kami ngayon ng isang malaki at mamahaling sasakyan ng Umacrus at tinatahak na namin ngayon ang daan palabas ng Jeneiland.

Hindi ko man lang nagawang magpaalam sa huling beses at mayakap sina mama at papa bago kami umalis. Siguro sa mga oras na ito ay tulog na kami at kakatapos lang ng masayang hapunan namin. Hays.

Bukod sa akin ay si Melody at Irwin na lang ang gising ngayon sa loob ng sinasakyan namin, ang iba ay tulog na habang nakaupo at ang iba ay pinagsisiksik ang sarili sa upuan makahiga lang.

Napatingin ako kay Daryo na nakahiga sa hita ko, mababakas sa mukha nito ang pagod pero kahit ganun ay gwapo pa rin siya. Mula sa hindi kahabaan niyang pilikmata, moreno at makinis niyang mukha, sa hindi kakapalang bigote niya at namumula niyang labi.

Wala pa rin pinagbago ang mukha niya, malinis pa rin siya pagdating sa panlabas na anyo niya. Aaminin ko, may lihim na pagtingin ako sa kaibigan ko, sa nag-iisang lalaking kaibigan ko.

Nagsimula ko siyang hangaan o nagsimula ang lihim na pagtingin na ito ay nung niligtas niya ako kay Mareen nung sinubukan ako nitong itulak sa lawa. At hanggang ngayon ay hindi na nawala ang paghanga na iyon.

Wala akong planong sabihin sa kanya dahil natatakot akong maapektuhan o masira nun ang pagkakaibigan namin na halos anim na taon na. Ayoko'ng mawalan ng isang mabuting kaibigan dahil lang sa pag amin ko ng nararamdaman ko sa kanya.

"Bakit gising ka pa Veg? Hindi ka ba makatulog dahil sa 'kin?" gulat akong napatingin kay Daryo na dilat na ang mga matang nakatingin sa akin

S-sandali...bakit parang double meaning 'yung tanong ni Daryo? Kinakabahan tuloy ako haha.

"A-ahh..hi-hindi, hindi pa kasi ako inaantok" mukhang kumagat naman siya sa palusot ko nang ngumiti siya at umayos ng upo.

"Alam kong iniisip mo ang mga magulang mo, ang naging resulta ng test sayo na hindi mo pa rin matanggap" natahimik ako dahil sa sinabi niya.

Isa din 'yun sa mga iniisip ko, hinihiling ko talaga na isang panaginip lang itong nangyari kahit malabo, malabong malabo. Bakit pa kasi ako? Sana pinakiusapan ko na lang si Doc Jib na ilihim ang resulta at hindi na lang ako isama sa labing tatlong manlalaro, pero alam kong isa ding malabo iyon.

Masyado na ngang mabigat ang ilihim ang resulta, dagdagan pa kaya na hindi ako isali sa Zanaxamyr na nakatadhana naman talaga para sa akin. Hindi naman kasi ako naging masama, kaya bakit kailangang ako pa yung parusahan. Bakit sa ganitong parusa pa? Kung si Mareen okay lang, kasi masama talaga siya! Pero ako?..hindi ako naging masama. Wala akong naging kasalanan.

Except for being a gay, but a gay is not a sin, right?

"Huwag muna isipin ang mga bagay na 'yun, nandito ako Vegeia, poprotektahan kita" tanging maliit na ngiti lang ang naiganti ko sa sinabi niya.

Kahit ano pang sabihin ni Daryo, maiisip at maiisip ko pa rin ang nangyayari ngayon, ang mangyayari sa mga susunod na araw.

Pero siguro nga kailangan ko na lang talagang tanggapin, tulad ng kakasabi ko ay nakatadhana nga ito. Ano ba namang laban ko kay tadhana bukod sa magandang binabae ako? Hehe.

- - -

"Alam kong mahirap sa inyong tanggapin ang nangyari pero wala na tayong magagawa, hindi naman natin masisisi ang naging resulta ng test kasi nasa sa inyo na talaga iyon" sabi ni Marcail.

Nanatili akong nakadungaw sa bintana na bigla na lamang lumitaw kaninang pag gising ko, papaakyat na ang araw sa kalangitan at malapit na rin kaming makarating sa lungsod ng Umacrus, medyo nakakaba pero ayos naman.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now