Game 41

267 30 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

"Hindi ka magsisising sumama sa akin, Vegeia" napailing ako sa naging tugon niya matapos niyang alisin ang dalawang poste sa pagkakadagan sa paahan ko ng walang kahirap-hirap.

Pinili kong tulungan niya ako pero h-hindi ako siguradong sasama ako sa kanya. Hindi ko din kasi alam sa sarili ko kung anong pumasok sa isip ko para hayaan siyang tulungan ako.

"Bakit...Vegeia?" ramdam ko ang pagkalito sa naging tanong niya na hindi ko nagawang sagutin.

Tinignan ko lang siya at muling pumasok sa isip kong tama ang hinala kong babae siya, mahaba ang itim na buhok niya ngunit...wala siyang mata, ilong, bibig at tenga.

Tanging mga nagkalat na berde na numero lang ang nasa mukha niya. May pagka kulay luntian at halong itim ang balat niya. Wala siyang kasuotan kaya litaw na litaw ang mabibilog at umbok nitong dibdib.

Nakakapagtaka din na nagagawa niyang magsalita kahit walang bibig, nakakakita kahit walang mata at nakakarinig kahit walang tenga.

Paminsan-minsan din ang pag-glitch ng buong katawan niya at pag ilaw ng mga berdeng numero sa mukha niya.

Hindi siya nakakatakot pero magtataasan ang mga balahibo mo sa buong katawan kapag nakita mo siya. Marahil siya na nga iyong Virus na narinig ko habang humihingi ako ng tulong doon sa lalaking taga Arotbil.

Isa pa iyon, bigla na lang nawala ang boses niya. Iyon ang nagtulak sa akin para humingi na ng tulong sa babaeng ito.

"Sagutin mo ako Vegeia, anong problema?" muling tanong nito at alam kong mahihirapan lang ako lalo kapag pinatagal ko pa ang agam-agam na ito sa dibdib ko.

"H-hindi ko magagawang sumama sayo" nagtaas ang dalawang balikat nito senyales na nagulat siya, bahagya din siyang tumagilid at yumuko.

Hindi ko na mahanap ang mga susunod na salita ko, 'yung takot na nararamdaman ko sa kanya ay napapalitan ng hiya. Nahihiya ako dahil dito hindi ko magagawang sundin ang kahilingan niyang huwag ko siyang iwan.

"Ma-matapos kitang tulungan..ito ang ig-iganti mo sa akin, bakit? Bakit? Bakit!? Bakit!?? Bakitttt!???" ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo at sintido ko, umatras ako ng kaunti na ikinatingin niya sa akin ngunit nanatiling nakatagilid ang katawan niya.

"A-anong..anong problema? Ba-bak-bakit ayaw..a-ayaw mong sumama sa a-akin..akin"  muli akong napaatras ng magsimulang lumala ang pag glitch ng buong katawan niya, hindi na din maayos ang pananalita niya hindi gaya kanina.

Nawala na ang malamyos at matinis na boses niya, ang kaaya ayang boses niya ay napalitan ng malaking boses na parang katulad nang sa isang lalaki.

Ang katawan nito ay nagkakaroon ng pula at itim na tela na tumatakip sa buong katawan niya, humaba din ang buhok nito hanggang sa sahig at unti unti na rin siyang lumulutang sa ere.

"May pamilya akong naghihintay sa labas..hindi ko sila pwedeng iwan, mahal ko sila at ayokong malayo sa kanila" walang tinging sambit ko dito.

"Pa-pamilya? Mah--maha--mahal?" unti unti akong tumingin dito at tumango.

"Oo, pamilya, sila ang mga taong nagmamahal sa akin, sila ang may gawa sa akin, sila ang nag alaga at nagpalaki sa akin ng tama...naghihintay sila sa akin ngayon at masasabi kong mahal ko rin sila" tulad kanina ay wala pa rin akong makitang emosyon sa kanya, wala akong makaramdaman, parang pinipigilan niya akong makita ang totoong nararamdaman niya ngayon.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now