Game 30

330 38 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Alam kong nagtataka na ngayon sila Chale kung bakit ako nawala sa likod nila, pero kailangan kong gawin iyon dahil sa tatlong dahilan.

Kailangan kong unahin ang sarili ko at hindi ang ibang manlalaro, pangalawa ay huwag magtitiwala ng basta-basta at pang huli ay dahil nakakita ako ng dyamanteng kristal. Kinailangan kong umalis ng walang paalam dahil baka mag-agawan kami sa dyamanteng kristal na nakita ko.

Ito lang ang susi para makaalis sa unang lebel ng laro at makapagpatuloy sa pangalawang lebel, sobrang halaga nito kaya kahit tinulungan nila ako ay baka maaaring pag-agawan namin ito at mauwi sa patayan.

Sobrang ganda ng dyamanteng kristal na ito, kulay asul siya na may nakapalibot na salamin at puting liwanag habang nakalutang sa ere.

Ito ang unang beses kong makakita ng dyamanteng kristal sa dalawampu't dalawang taon ko nang nabubuhay sa Wamikoe. May minahan sa Jeneiland kaya ilang beses na akong nakakita at namangha sa ginto but I've never seen a diamond crystal like this.

Alam kong ilusyon lang ito pero natutuwa pa rin akong makakita. Kaya bago pa may ibang makakita sa dyamanteng kristal na nasa harap ko ay 'agad ko na itong hinawakan.

Hanggang sa nawala iyon sa ere at nakaramdaman ako ng kung anong kuryente sa buong katawan ko. Nang tignan ko ang katawan ko ay nag-g-glitch ito at ang buong kagubatan ay nawala at napalitan ng isang madilim na silid.

Wala akong makitang kahit na ano sa loob ng kwartong kinalalagyan ko, tanging itim lang ang namumutawi sa paligid. May kaunting liwanag pero hindi ko matukoy kung saan nagmumula, hanggang sa may kung anong bumukas sa isang parte ng dingding sa kwartong ito.

It's a timer. May anim na minuto at trenta segundo ito. Sa kada matatapos ang isang minuto ay tumutunog ang timer na nagpapagalaw ng buong silid.

Hanggang sa tuluyang matapos ang oras at nagsimulang magkabitak bitak ang bawat silid ng kwarto at tuluyang masira ang inaapakan ko.

Pag sigaw lamang ang nagawa ko habang pabulusok na bumabagsak ako at sinasalubong ng malamig na hangin.

LEVEL 2 - ABANDONED POREZ UNIVERSITY

'Agad akong umahon sa pagkakabagsak sa mahaba at may kalalimang swimming pool. Habol ang hininga kong napalingon sa paligid.

Ngunit hindi ko na nagawang maigala ang tingin ko dahil naagaw ng atensyon ko ang kulay pulang tubig sa swimming pool. May ilang mga nakalutang na kalahating katawan at iba't ibang parte ng katawan ng tao!

Hindi ko magawang sumigaw o mailabas ang sukang handa na sanang lumabas. Agaran akong lumangoy sa bakal na hagdan at umakyat.

Nang makaalis sa swimming pool ay mabilis na natuyo ang suot kong damit na ikinakibit balikat ko na lang.

Malamang ang mga tagapangasiwa sa Zanaxamyr ang may dahilan ng pagkakatuyo ng damit ko, nang dumako ang tingin ko muli sa tubig ay halos hindi na makita ang ilalim nito dahil sa pula ng tubig at sa mga nakalutang na kalahati ng katawan ng tao, hindi ko masasabing mannequin iyon dahil mukha talaga iyong totoo.

Hindi na ako nagtagal doon dahil bumabaliktad ang sikmura ko sa mga nakalutang na kalahating katawan ng tao! Sa dami-dami ng pwedeng pagbagsakan ay dun talaga sa swimming pool na punong-puno ng mga kalahating parte ng katawan ng tao?!

Habang naglalakad ako palabas ay napahinto ako sa harap ng karatulang nakadikit sa pintuan ng naturang swimming pool, nakasulat ang salitang Porez Swimming Area.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now