Game 15

439 47 3
                                    

Edited

Vegeia's POV

Mabilis na lumipas ang araw at oras, ngayon ay tatlong araw na lang ang natitira at sasalang na kaming lahat sa Zanaxamyr. Lahat iyon ay tanggap na ng mga manlalaro, iilan lang ang mga hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap na sasabak sila sa isang madugong laro.

Na kailangang lumaban at pumatay para makalabas, makaligtas at manalo.

Kalat na kalat na rin sa buong Umacrus ang pagkamatay ni Ginang Palia Cestom, ikaapat na manlalaro ng Potelmak at maging ang dalawang manlalaro ng Arotbil na sa pagkakatanda ko ay Kiya at Joseyo ang pangalan.

Namatay sa atake sa puso si Ginang Cestom samantalang tumalon sina Kiya at Joseyo mula sa glass foot bridge na nagdudugtong sa ikalima at ikaanim na tore.

Ngayong araw darating ang mga bagong manlalaro mula sa lungsod ng Potelmak at Arotbil. Kinakailangan kasing pumili ulit dahil hindi daw magiging patas sa lahat kung hindi labing tatlo ang mga manlalaro.

Habang nasa training hall kami ay mararamdaman mo ang bigat na dala ng mga manlalaro ng Potelmak sa biglaang pagkamatay ni Ginang Cestom, samantalang hindi lang mararamdaman kung 'di ay makikita din ang galit ng manlalaro ng Arotbil sa kamamatay lang na dalawang kasamahan nila.

Sinisisi nila ang dalawang nagpakamatay dahil sa desisyon ng kanilang punong gabay na ang pang labing apat at labing lima nasa listahan ang papalit sa posisyon ng mga nagpakamatay.

Kumbaga, hindi naging patas. Sarili lang daw nila ang inisip nila at hindi ang mga taong papalit sa posisyon nila. Mahirap nga naman iyon, 'yung tipong hindi ka nakasali o nakasama sa laban dahil pang labing apat o labing lima ka, 'yung nawala 'yung tinik sa dibdib mo ngunit bumalik din 'agad ng malaman na ikaw ang papalit sa dalawang namatay--nagpakamatay na kapwa taga lungsod mo.

Pero siguro kung pareho lang kami ng itinakbo ng isip nung dalawang nagpakamatay na manlalaro ng Arotbil ay ganun din siguro ang gagawin ko. Mas okay nga namang mamatay mula sa labas, 'yung namatay ka nang hindi ka lumalaban o pumapatay.

Labag man ang kilitin ang sarili mong buhay, pero mas labag yung pumatay ka, hindi lang sa batas, kundi sa diyos. Mas masakit sa dibdib 'yung pumatay ka para mabuhay.

Ang hirap din naman kasi ng bansang ginagalawan namin. Wala kaming kaalam-alam sa lahat ng mga nangyayari at mas lalo na kung bakit kailangang mangyari ang bagay na ito. Bakit kailangang magkaroon ng Zanaxamyr. Bakit kailangang magpatupad ang gobyerno ng isang ganitong klaseng laro?

Hindi ba pwedeng mas pag tuunan na lang nila ng pansin ang edukasyon at kapakanan ng mga nasasakupan o ng mga taong nakatira sa Wamikoe?

Hindi ba pwedeng maging malaya at magkaroon ng kalayaan ang mga tao, hindi kami hayop, hindi kami isang laruan! Pero sa ginagawa nila, sa inaakto nila, sa tingin at pananalita nila. Isa kaming laruan na pwede nilang gamitin at isalang sa isang laro na hindi katiyakan kung sino ang mananalo, matatalo o mamamatay.

Napakakomplikado ng bansang ito, napaka-unfair noh!? Sino ba namang hindi makakatiis sa ganitong pamumuhay!

Napatigil ako sa ginagawa ko nang pumasok si Ms. Argery sa training hall. May nakasunod na tatlong tao sa kanya, isang ginang, isang binata at isang batang babae.

"Good morning! This is Mrs. Jhoras Alty and Reyson Almir from Arotbil, they are the two replacement players. And this little girl beside me is Chitty Fuerto, replacement player from Potelmak" pagpapakilala ni Ms. Argery sa mga kasama niyang walang imik.

Hindi ko binigyang pansin ang dalawang unang binanggit niya dahil mas nakuha ng atensyon ko si Chitty na nasa tabi niya. Sa tingin ko ay mas bata pa siya kay Bodhi at naaawa ako sa sinapit niya.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now