Game 24

382 40 2
                                    

Edited

Vegeia's POV

"The whole Zanaxamyr has a connection to all of us, all your actions or movements will be watched by us and by all people. When twelve hours are over, the surroundings will change and you will disappear to the other side of the new place. You can use weapons, armors or wrestling with your hands and feet to fight and defend yourself from other players" habang nagsasalita siya ay saka kami naghiwa-hiwalay lahat na may tatlong metro ang layo.

May umangat na glass tube mula sa kinatatapakan namin na kinulong kami. Nakakahinga pa man din kami pero mas lumalakas ang kabang nararamdaman ko dahil dito!

"There are seventy bags scattered all over the place, only short range weapons are there and it is up to you to find the right weapon or armors that you can use in the battle. Also there are diamond crystals in different parts of the whole place, that is the only way for you to get to the another level of the game. With each level of the game will decrease the number of diamond crystals, you need to find that thing as soon as possible before you get ahead" muling malamig na sabi nito.

"Also, before the twelve hours over, there will be a catastrophe all over the place. If you want to avoid it, you have to hurry to find the diamond crystal."

"Even if we say the whole place is an illusion, you can still be killed, injured, or hurt. Fighting isn’t the only thing you can kill in the game. You may also die of weakness due to hunger, thirst or fatigue. Or the coming disaster or the wild animals you will encounter while searching for the diamond crystal."

"The Do's, you can do everything you want. No one can dictate or command you and also in this game, you are free to do the things that will hinder you from winning."

"My only advice is to do your best and do all you can to survive and win this battle! Only you can help yourself! Don't trust anyone!" ngumiti muna siya sa amin bago naglaho ang hollogram.

Kasabay din ng paglaho nung hollogram ay ang pag ilaw ng loob ng glass tube kung nasaan kami ngayon. Wala na akong maaninag pang kung ano dahil sa sobrang liwanag na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Nakaramdam ako nang kung anong init at kirot sa katawan ko na sinabayan ng palakpakan at sigawan na dumadagundong sa buong kwarto.

Unti-unti nang nawala ang ingay ng palakpakan at sigawan ng mga tao matapos ang ilang segundo. Nawala na din yung kirot at sakit na nararamdaman ko at tanging pagdampi na lang ng hangin ang tanging naramdaman ko na ikinataka ko.

Nang idilat ko ang mata ko ay bumungad sa akin ang isang malawak na perya. May iba't ibang uri ng mga rides, stalls and stores sa paligid.

Hindi ko maiwasang malula habang nakasulyap sa napakataas na ferris wheel na nasa mismong harapan ko. At nasa likod ko naman ang isang tore na may malaking orasan.

Mga huni ng ibon at pag galaw ng mga bakal na sasakyan ang tanging maririnig sa buong lugar. Sabayan pa ng malakas na tunog ng paggalaw ng kamay ng orasan. Sinubukan kong ilibot ang tingin ko sa buong lugar pero wala akong makitang mga kasamahan ko o kahit ang ibang mga manlalaro.

Pero hindi iyon nakabawas sa pagkamangha ko sa lugar, ngayon lang ako nakakita at nakapunta sa ganitong lugar, isang magandang pasyalan na wala sa lungsod namin.

'Agad din naman akong napatigil at nanlaki ang mata kong napatingin sa poste ng ferris wheel nang may tumamang ceremonial dagger doon. Nawala sa isip kong nasa isang labanan pala ako!

Hindi ko na nilingon kung saan galing o kanino ang ceremonial dagger na 'yun at 'agad na akong tumakbo. Isa sa bagay na dapat hindi ko ginagawa o ginawa! Ang mawala ang konsentrasyon ko!

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now