Game 23

373 37 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Hanggang sa pag gising ko ay laman pa rin ng isip ko ang mga kaganapan kahapon. Natutuwa akong nakauwi ako na walang humawak o gumalaw sa akin. Aaminin ko rin na nakaramdam ako ng saya habang nasa tenth tower ako nung gabing iyon.

Ngunit binabagabag ako ng pinag-usapan namin ni Astreah, hindi pa rin pumapasok sa isip ko na nakipag-usap ako ng normal sa isang Meir, sa isang kagaya ko, at sa mas mababa ang antas sa akin.

Hindi ko nagawang tuparin ang hinabilin sa akin ni Doc Jib na walang Meir ang makakaalam na isa din ako Meir, pero atleast hindi nalaman o naramdaman ni Astreah na isa akong legendary.

Na ang isa gaya kong legendary Meir ay hindi dapat nakikihalubilo sa ibang tao dahil hindi pang karaniwan ang kakayahan o abilidad na meron ako sa katawan o sistema ko. Na hindi dapat ako nakikipag kapwa tao.

Pero bakit ganun, wala akong maramdam na kahit anong kakaiba sa katawan ko, sa kalooban ko, hindi ko tiyak kung totoo ba talaga akong Meir o nagloloko lang 'yung monitor nang i-test ako ni Doc Jib.

Gulong-gulo ang utak ko ngayon, madaming bagay ang tumatakbo at hindi ito makakabuti para sa laban mamaya. Oo, itong araw na ngayon ang Zanaxamyr, nakakakaba na nakakatakot na nakakaiyak.

Kailangan kong i-focus ang lahat ng atensyon ko sa laban at hindi hayaan na madistract ako ng kahit ano o nang kahit na sino. Hindi ko pwedeng gawing biro ang bagay na ito, hindi ko pwedeng kalimutan na hindi basta ordinaryo lang ang larong ito.

At isa lang ang sinisiguro ko sa laban, hindi ako matatalo o mamatay sa loob, nangako kay mama at papa na babalik ako, na muling magkakasama kami sa hapag-kainan, na ipapanalo ko ang labang ito. At hindi ko pwedeng biguin ang pangakong iyon.

"Welcomeeee to our 37th Zanaxamyr Game! I'm happy to see you again here in Darken Hall ha ha ha!" mula sa kinauupuan ko ay rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao sa sinabi ng emcee na 'yun.

Impit akong napasigaw ng tumusok ang karayom sa baril ng babae sa leeg ko. Nilalagyag nila kami ng tracker ngayon para mamonitor kami sa mismong game, at hindi lang basta tracker iyon, dahil may kasama iyong maliit na bomba na sa oras na patayin ng manlalaro ang sarili niya sa laban ay sasabog iyon.

Ang ending ay namatay rin ang manlalaro pero hindi ang sarili niya ang salarin.

"Easy everybody ha ha ha ha!! I know your all excited to watch the game but our players need to introduce themselves to us before the game! So calm down, just listen and watch" rinig pa naming sambit ng lalaking emcee.

Napatingin kami sa mga head leaders namin na kakarating lang at in-assist kami sa assigned place namin habang hindi pa kami natatawag.

"Let's give us a warm welcome to 13 players from...Arotbil!!!" sabay sabay na naglabasan ang labing tatlong manlalaro ng Arotbil at saka umakyat sa stage na kita namin mula sa isang big screen.

Malayo ang pwesto naming lahat dito sa waiting area at may magsigilid na makapal na puting pader na humaharang para hindi kami magkita-kitang mga manlalaro.

Nakatanaw lang ako sa malaking big screen na nasa mismong harap namin habang nakikinig kay Marcail na nagsasalita. Ngunit 'agad ko din namang ibinaling sa kanya ang tingin ko dahil nagiging seryoso ang mukha niya.

"This is it Jeneis! I don't know what to say but I want to warned and say good luck to all of you. This game is not just for fun or ordinary game!" tama siya, hindi ito katuwaan o ordinaryong laro na kapag nakita ka ng ibang manlalaro ay ikaw naman ang taya.

Dahil sa larong ito ay maaaring mamatay ang sino mang manlalaro na makakaharap ng iba pang manlalaro. Sa katanuyan nga ay gusto kong umatras, gusto kong tumakbo at umuwi sa Jeneiland pero natatakot ako, natatakot ako para sa buhay ko at kila mama.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now