Game 6

574 45 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Ang kaninang magulo at maingay na lungsod ay nawala, ni isang tunog ay wala kang maririnig, liban na lang sa mga takong ng sapatos ng mga Meir na naglalakad palapit sa mga nakakataas na tao sa Jeneiland.

Walang makikitang ibang Jeneis sa sentro at hindi rin naman hihilingin ng sino man na manatili sa labas kasama ang mga Meir, ako lamang ang yata ang nag-iisang Jeneis na nagtago ngunit makikinig sa kanilang magiging usapan.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko ang pinaka delikadong bagay na ito pero may nagtutulak talaga sa aking tignan sila at makinig sa usapan nila.

"Ikinagagalak ko kayong makita Governor Elimo and Mayor Marios ng Jeneiland" nakangiting sambit ng lalaki na nanguna sa paglalakad.

Nagpapawis ang noo't batok ko dahil sa kaba, ang lakas ng enerhiya niya na hanggang dito sa pinagtataguan ko ay nararamdaman ko. Hinihiling ko lang na sana ay walang makaalam na nandito ako.

"Anong ipinunta niyo dito Callypso?" tanong ni Mayor Marios sa lalaking bumati sa kanila.

Callypso? Pamilyar ang pangalan niya sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko narinig o nabasa. Mahaba ang buhok ng lalaki na hanggang kili-kili, may pagkamoreno naman ang balat nito, matangkad at malaki ang balikat na iisipin mong suki siya sa pag-eehersisyo.

"Napadaan lang, masyado din kasing tahimik ang lungsod niyo kaya naisipan naming pasukin at magsagawa ng isang piging" anang lalaki na patuloy pa rin sa pag ngiti at gaya ng mga kasamahan niya ay nakangiti rin sila.

Panaka-naka din ang paglibot ng tingin nilang lahat sa paligid na animo'y may hinahanap.

"Wala siya rito Callypso" dumako naman ang tingin ko sa babaeng may puting buhok ngunit maiksi na siyang nagsalita na ikinatingin nung Callypso.

"Sino ba ang hinahanap niyo at baka ay matulungan namin kayo" winika ng ikaanim na konseho ng Jeneiland.

"Kami na ang maghahanap sa kan---" pinutol ni Governor Elimo ang sasabihin ng isang lalaki na nasa kaliwa nung Callypso na nawala na ang mga ngiti sa labi.

"Wala kayong hahanapin at kukunin sa lungsod na kinatatayuan niyo, maaari na kayong umalis ng matiwasay" seryosong sambit ni Governor na seryoso din ang mukhang nakatingin kay Callypso na dahan-dahang naglakad paatras.

Mapapanatag na ang kalooban ko, maging ng mga Jeneis dahil aalis na ang mga Meir. Hindi ko alam kung sino ang hinahanap nila pero nakakasiguro akong kagaya nila. Hindi sila basta-basta tao lang dahil iba ang dalang enerhiya nila sa katawan.

Hindi pangkaraniwang enerhiya ng isang normal na tao. Wala akong ideya kung anong klase silang tao at hindi ko alam na may mga ganitong klase ng tao na namumuhay sa bansa namin.

Akmang patayo na ako ng may humigit sa leeg ko at marahas na hinarap sa kanya. Bumungad sa akin ang mukha ng babaeng nakita ko kanina, iyong may puti at maiksing buhok na nagsabing wala rito ang hinahanap nila nung Callypso.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako na naging kulay lila ang mata niya o hindi, nakakaramdam ako ng takot at kaba pero may isang pakiramdam ako na tumatalo doon.

"Ikinagagalak kitang makilala bata! " hindi ko nagawang makasagot sa babae at ilang segundo pa lang ang lumipas ay nasa harap na nila kaming lahat.

Pa-paano nagawa ng babaeng ito na mailabas ako sa p-pinagtataguan ko at maidala dito ng wala pang ilang se-segundo? Gulat ko siyang tignan na nakangiting nakatingin kay Callypso na natigilan sa pag atras.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now