Game 47

251 32 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Dahan-dahan akong naglalakad sa madilim na pasilyo na hindi ko alam kung saan papunta. Sa bawat hakbang ko ay lumilingon ako sa paligid at nananalangin na hindi ako mahuli o matyambangan nung Dr. Torture.

Ilang oras na kaming naglalaro, ang ibig sabihin ay ilang oras na niya akong pinaglalaruan, isang beses ko siyang nakita at swerte ko na lang nun na hindi niya ako nakita dahil na rin sa kadiliman ng paligid. May hawak siyang itak na sobrang talas, mas matalas pa sa chakram noon ni Mareen.

Muli na akong nagpatuloy sa paglalakad ngunit 'agad ding napatigil ng may nakita akong malaking pintuan na gawa sa bakal. Dama ko ang kalumaan ng pintuan na iyon, sa loob nun ay may kaunting liwanag na hindi umaabot hanggang dito sa labas.

Akmang lalapit ako rito ng bumukas iyon at lumabas ang tatlong lalaki at sa kamalas-malasan ay nakita ako ng isa! Wala na akong nagawa kundi harapin sila at labanan, maaari kasing iyon pintuan na iyon ang daan palabas sa lugar na ito.

"A trespasser!" medyo may kalakasang sambit ng isang lalaki na ikinaalarma ko, mamaya may makarinig sa kanya at maglabasan ang mga kasamahan niya!!

"No, he's not! I think he's the one who escape from upper dungeon! Get him!" mabilis na tumakbo ang dalawang lalaki sa akin na hindi ko naman inurungan.

Nang limang metro na lang ang layo nila sa akin ay mabilis akong tumakbo at 'agad na umapak sa sementong dingding at mabilis na nilanding ang kamao ko sa isang lalaki. Napahiga ito at ang isang lalaki naman ang pinuntirya ko.

Sinipa ko ito sa mukha na ikinaluhod lang nito, nang lumuhod ang isang lalaki na kaninang sinapak ko ay mabilis akong umapak sa balikat nito at sumunod na umapak sa likod ng isa pang lalaki pagkatapos ay tumalon ako sa lalaking nagsabing kunin daw ako.

Nasalag nito ang kanan kong paa, bago pa niya mahawakan ang paa ko ay inalis ko na ito sa bandang dibdib niya at paikot na tumalon at mabilis na isinipa ang kaliwa ko namang paa na slow motion pang tumama sa kanan niyang pisngi.

Narinig ko ang pag aray nito na ikinakibit balikat ko lang. Muli akong humarap sa dalawang lalaki na nakatayo na, mabilis muli akong lumapit sa kanila at pinaulanan sila ng sapak ngunit lahat ng iyon ay naiiwasan lang nila habang paatras sila.

Baliktad naman ngayon ang nangyayari, ako naman ngayon ang umaastras habang sinasalag at iniiwasan ang bawat sapak nila. Ramdam ko ang panggigil sa kanila at ang malakas na buga ng hininga nila.

Nang mahinto sila ay pinatigas ko ang paa ko at mabilis na yumuko, kaagad kong pinatama sa mga paa nila na parehas nilang ikinatumba sa sementadong pader. Hindi ko alam kung patay na sila o ano pero kasi wala na silang malay.

Nang madako ang tingin ko sa isang lalaki kanina ay wala na rin itong malay at kahit madilim ay kita ko ang mga natanggal nitong ngipin sa sahig. Napatingin ako sa pintuan at nagpasalamat na naiwan nila iyong bukas.

Agaran akong pumasok doon at pumasok muli sa isa pang bakal na pintuan na may kalayuan at doon bumungad sa akin ang hile-hilerang mga selda. Ilan sa mga seldang iyon ay may mga kamay na nakalabas sa bakal na rehas nito. Maaaring ang mga taong nakakulong doon iyon.

Nang magsimula akong maglakad at matapat sa parehas na unang selda ay napatayo ang tig isang tao doon, isang babae at lalaki.

Lalapitan ko sana yun babae ng mapaatras ito at magtago sa madilim na parte ng seldang kinalalagyan niya. Ganun din ang ginawa ng isang lalaki sa kaliwa, maging ng mga taong nadaanan ko pa.

Bakit sila umaatras at nagtatago? Baka akala nila ay kasama ako dun sa mga...wait! Ito na marahil ang lower dungeon. Madilim at halos lahat ng mga tao ay nasa selda, balot ng takot at nagtatago.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now