Game 54

253 31 0
                                    

Unedited

Vegeia's POV

Marahan kong ginalaw ang ulo ko at dahan-dahang dumilat, una kong nabungaran ang hindi kalakihang lamesa sa gilid ko na may nakapatong na basket ng mga prutas. Hindi ko naiwasang mapapikit ng matama ang tingin ko sa maliwanag na ilaw mula sa kisame.

Kakaiba ang liwanag ng ilaw ngayon sa silid na ito, masyadong malakas at nakakasinag, ipinagkibit balikat ko na lang dahil baka hindi ako nasanay dahil nga kagigising ko lang naman. Sunod akong lumingon sa kaliwa ko at hindi ko inaasahan ang nakikita ko.

Sinubukan kong pumikit at muling dumilat ngunit ganun pa din, i-ibig sabihin ay hindi ako pinaglalaruan ng imahinasyon ko ngayon, nandito nga si mama ngayon! Nakangiti siya habang nakaupo paharap sa akin.

Tatayo na sana ako para yakapin siya ngunit mabilis siyang nakalapit sa akin, "N-namiss kita m-mama..mama ko!" mabilis ko suyang yinakap at hindi pinansin ang pagkabasa ng damit niya dahil sa luha ko.

Sa wakas ay naranasan ko ulit ang yakap ni ma---, "M-ma...buwaarkk..arghhh..mam-ma" napahiwalay ako ng yakap kay mama at napatingin sa dibdib ko na nagdurugo na.

Mula sa likod ko ay nakaramdam ako ng isang bagay na nakatarak doon na tumagos na hanggang sa dibdib ko. B-bakit? Bakit ako nagawang saksakin ni mama?

"Nangako ka sa akin na mananalo ka pero anong nangyari? Napunta sa wala ang lahat ng itinuro namin ng papa mo sayo Vegeia, wala kang kwentang anak!" mabilis akong umiling at naiiyak na nilingon si mama, "H-hindi totoo 'yan.." hindi ko na naituloy pa ang ibang sasabihin ko dahil umubo ako na may kasamang dugo hanggang sa nawal----.

Hingal na hingal akong bumangon mula sa pagkakahiga at hindi makapaniwala sa naging panaginip ko. Sinipat ko ang likuran ko at nakumpirma ngang panaginip lang ang lahat. Wala akong saksak sa likod o kung ano man.

Napahinga ako ng malalim ay muling napahiga, nang bumukas ang pinto ng dahan-dahan ay napatingin ako doon at nagtaka kung bakit nandito si Ms. Argery, "Dapat namatay ka na lang, nagsisisi na ako ngayon na isinakripisyo ko ang buong buhay ko para lang sa mga walang kakwenta-kwentang sinapit mo noon, Vegeia!"  nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, magsasalita pa lang sana ako ng umangat ang kamay nito hawak ang isang baril, nang pumutok iyon ay nandilim ang pani----.

Sapong-sapo ko ang ulo ko habang bumabangon ako sa kama. Nang matanggal ko ang mga nakakabit sa kamay ko ay mabilis akong lumapit sa pinto at nilock iyon.

Kinakabahan ako, anong nangyayari?

Hindi ko naiwasang magulat ng may kumatok sa pinto, wala na sana akong balak buksan iyon ngunit narinig ko na si papa iyon kaya lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Ngunit nagkamali ako, isang malakas na pagtama ng itak ang tumama sa mismong ulo ko, nang tignan ko si papa ay nakangiti lang ito at natatawa pa habang nakatingin sa akin.

Muli akong bumangon sa kama at napili na magtulakbong ng kumot, hindi na ako natutuwa sa mga napapaginipan ko, asan na ba si Titus?

"Hahahaha!" napatanggal ako ng kumot sa mukha ko ng makarinig ako ng tawa at hindi ako pwedeng magkamali kung sino ang nagmamay-ari ng tawang iyon, kay Titus iyon at nanggaling mula sa labas ng pinto ang kung anong ingay at tawa nito na naririnig ko.

Marahan kong binuksan ang pinto at nakita si Titus, Astreah at Callypso na nakasalampak sa sahig, puno sila ng dugo sa katawan at nagtatawanan habang may kinakain, mula sa gitna nila ay may nakita akong paa. Pamilyar iyon at nang lapitan ko iyon ay muntik na akong masuka ng makita ko ang sarili ko na wala nang lamang loob habang dilat na dilat ang mga mata.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now