Game 14

405 45 1
                                    

Edited

Vegeia's POV

Kasalukuyan kaming nasa glass foot bridge nina Marcail at Cazelane na nagdudugtong sa ikawalo at ikasiyam na tore ng Umacrus Government Palace. Pinipilit akong sumama ni Marcail sa tenth tower na pitong beses ko nang tinanggihan matapos magsi-alisan ng ilang myembro ng gobyerno ng Umacrus.

Ayoko kasing sumama at kahit nagdahilan pa akong masama ang pakiramdam ko o inaantok na ako ay masyado pa ding mapilit si Marcail. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong isama, na lubhang ikinataka ko.

Pwede namang sila na lang dalawa ni Cazelane ang pumunta dun, hindi naman nila ikamamatay pag hindi ako sumama! Nakakabanas lang siya!

"Ilang minuto na tayong nandito Vegeia! Tayo na lang ang kulang sa tenth tower!!" inis kong tinignan si Marcail na bakas na ang inis din sa boses at mukha niya.

Nasa tenth tower na din kasi ang ibang head leaders ng ibang lungsod kasama ang mga nasa third sex na mga manlalaro. At kaming Jeneis na nga lang talaga ang wala pa dun.

At iyon ang nakakapagtaka! Bakit puro nasa third sex members lang ang dapat pumunta sa tenth tower? Bakit hindi pwedeng kami na lang lahat na manlalaro?

"Ayoko ngang sumama Marcail! Masama ang pakiramdam ko, is it really hard to understand!? Also you can go without me!" akmang maglalakad na ako patalikod sa kanila ng may magsalita sa likod nila Cazelane.

Napapaenglish ako ng wala sa oras!

"Why are you still here Marcail?" gulat kaming napatingin kay President Arran na nasa likod ngayon nila Marcail.

Ngunit 'agad din na nawala ang gulat ko nang makita ko ang panginginig ng kamay at balikat ni Marcail, kinakabahan siyang humarap kay President Arran na nasa likod nila ni Cazelane na siyang kanina pa walang imik.

"W-we were on our w-way to the tenth to-tower P-president Arran..we j-just had a m-misunderstanding h-here" utal na sambit ni Marcail at inis na tumingin sa akin na hindi ko pinansin.

"Players from Jeneiland?" tumango si Marcail, lihim akong napangiti ng ilagay niya sa likod niya ang dalawang kamay niya na parehong nanginginig pa rin.

"We will start any minute, go to the tenth tower now Marcail!" mababakas ang authority sa sinabi nito na nagpakislot kay Marcail.

"A-ahhh..y-yes President A-arran..Vegeia?" umiling ako kay Marcail at sinenyasan siyang sila na nga lang ang pumunta at magpapahinga na lang ako.

"It seems like someone don't want to go to the tenth tower? Hahaha!" tama ka dyan President! At ako ang 'someone' na 'yun!

Naniwala kasi ako dun sa eksena ng dalawang lalaking nakita ko nung kumirot yung ulo ko. At isa pa, nakakapagtaka talaga na bakit puro nasa third sex lang. Naging laman din iyon ng ilang usap usapan sa loob ng eight tower kanina.

"Go to the tenth tower now Marcail with Mr. Osmond, while Mr. Reatha will come with me" nalilito kong tinignan si President Arran habang si Marcail ay alanging tumango at naglakad papuntang tenth tower.

"Follow me Mr. Reatha!" sabi niya saka naglakad paalis ng glass foot bridge.

Akala ko makakatakas na ako. Peste naman! Kung 'di lang presidente 'tong kasama ko ay tatakasan ko talaga 'to. Gusto ko pa naman nang humiga at matulog, gusto ko ding kumain, hindi kasi ako nakakain ng maayos dahil nakakahiya kumain ng marami sa party kanina.

Mahirap ng maging masama at madumi ang tingin sa akin ng mga tao ngayon, isa ako sa manlalaro ng Zanaxamyr at baka ay iyon pa ang ikatalo ko, pero syempre hindi ko hahayaang mangyari ang bagay na 'yun. Kailangan ko pang balikan sila mama at papa tulad ng pangako ko sa kanila.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon