Game 21

346 39 0
                                    

Edited

Marcail's POV

Hindi masusukat ang ngiti at sayang makikita sa mukha ni Erenia, ngunit ganun din ang akin. Hindi masusukat yung sakit at galit na nararamdaman ko para sa sarili ko at kay Erenia!

Sakit dahil bakit hanggang ngayon ay nasa sistema ko pa rin si Siego, ilang taon na ang lumipas pero mahal ko pa rin sya. Galit naman para kay Erenia na nagawa kong pagkatiwalaan ngunit nagawa akong pag taksilan!!

Nangako ka..nangako ka Erenia na tutulungan mo ako! Na tutulungan mo akong maalala ako ni Siego, pero binigo mo ako, nagkamali ako sayo!!

Hindi ka na karapat-dapat na galangin at respetuhin! Sana ikaw na lang 'yung namatay na driver ni Siego nung araw din na maaksidente sila, sana ikaw na lang 'yun Erenia!

Hindi ako mag aalinlangang hilingin na sana ikaw na lang 'yun o kahit sana namatay ka na lang. Sana hindi na lang kita nakilala! Sana hindi na lang kita pinagkatiwalaan!!!

Alam ng diyos Erenia kung 'gano kita nirespeto at ginalang bilang tao, minahal na tinuring ko ng parang kapatid!

May nagawa ba akong kasalanan sayo at kaya mo ako ginaganito!? Ginagantihan mo ba ako Erenia!?

Gusto kitang sumbatan at sampalin ngayon! At sana sa oras na masumbatan at masampal kita ay matauhan ka, na magising ka sa katotohanan.

Hindi ko maiwasang mandiri at patayin ka sa isip ko Erenia! Nagagawa mo pa akong yakapin, makipag beso, makipag kwentuhan, tawanan at ngitian sa 'kin matapos ng lahat ng ginawa mo!

Alam na alam mo kung gaano ko kamahal si Siego, pero kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na titirahin mo ako ng patalikod kahit nung kami pa! Na magagawa mo akong lokohin para lang mapasayo si Siego.

Arrrghhhh! N-nagmamakaawa ako, p-pangako..mawawala lahat ng galit na nararamdaman ko sayo Erenia kung...k-kung ibabalik mo sa 'kin yung taong pinakamamahal ko.

Lord...Lord bakit ganito kasi? Hindi mo nga kinuha sa 'kin si Siego pero nawala naman siya sa 'kin. Dumagdag pa 'yung pang lilinlang sa 'kin ni Erenia!

Ito po ba 'yung kasalanan o parusa ko? Ito na po ba 'yung karma ng nanay ko? Sa akin niyo po ba ibinigay 'yung karma na para sa nanay ko? A-alam ko pong mabigat na kaparusahan sa batas at sa tingin niyo ang ginawa ng nanay ko, ang ginawa niyang pagpatay sa tatay ko na asawa niya at sa kabit nito.

P-p-pero bakit..bakit kailangang ako 'yung magdusa sa mga kasalanang nagawa ng nanay ko?

Si Siego na lang 'yung natitirang taong tumanggap sa akin, 'yung tumanggap sa buong pagkatao ko, 'yung kahit na ganito ako ay hindi ako iniwan at pinabayaan. Siya na lang 'yung natitirang pamilya ko bukod sa dalawang kapatid ko na hindi rin naman ako tanggap.

Siya..siya na lang 'yung naging dahilan kung bakit pa ako humihinga, pero bakit kailangang mangyari ang bagay na 'to!!? Bakit kailangang umabot sa ganito!?

Hindi ba ako naging mabuting anak? Hindi po ba ako naging mabuting tao at kailangan kong mag dusa ng ganito. Masyadong mabigat naman 'yung ganitong parusa Lord. Opo, kaya at kakayanin ko 'yung mabigat na parusa pero 'yung kasama po siya, 'yung kasama yung taong mahal ko na mahal din ako, si Siego..si Siego, Lord.

Masyado kong minahal 'yung tao na tipong binigay ko na lahat lahat, 'yung tipong wala ng natira sa 'kin. Wala na 'kong natitirang pagmamahal sa sarili ko. At alam kong si Siego lang ang makakapunan nun sa puso ko.

Arrrgggghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! Pagod na ako..pagod na pagod na ako!!

P-parang hindi ko na kaya, hindi ko na kayang manahimik na lang sa isang tabi, 'yung pekeng nakangiti sa kanila habang naglalandian sila sa harap ko.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now