Game 16

385 44 0
                                    

Edited

Ennisa's POV

'Agad kong binigay ang bayad ko sa tindero at ibinigay ang napili kong libro, pagkaraan ay binigay niya sa akin ang libro na nakabalot na sa plastik at hindi na tinanggap ang sukli ko.

Nilapitan ko na si Alejandro na bagot na bagot ng naghihintay sa akin sa tindahan ng mga alahas, "Anong magandang iregalo kay Queenie?" bungad na tanong nito sa akin pagkalapit ko.

Hindi ako sumagot dito at tumigin sa mga lagayan ng kwintas, singsing, hikaw at porselas. Magaganda lahat at kumikinang pero hindi mahilig si ate Queenie sa mga ganito kaya umiling ako dito.

"Hindi mahilig sa mga ganito si ate Queenie, kung bibigyan mo siya ng regalo ay pagkain na lang, mas matutuwa pa 'yun don" napaisip naman ito sa sinabi ko at napangiti.

Napagdesisyunan naming dumaan sa malaking panaderya dito sa bayan at habang namimili si Alejandro ng mga pasalubong kay ate Queenie ay naalala ko ang mga masasayang aalala namin nila Daryo at Vegeia sa panaderyang ito.

Dito kami madalas bumili ng tinapay tuwing hapon, dahil bagong luto at masarap pa. Lagi din naming palihim na pinagtatawanan iyong panaderya nila mang Pitong dahil sa isang tinapay na nabili namin sa kanila na may nakapalamang langaw sa loob haha.

Namimiss ko na sila, nagawa kong magpaalam kay Daryo pero kay Vegeia ay hindi, sana nasa maayos silang kalagayan ngayon. Sana pareho silang manalo at makalabas ng buhay sa Zanaxamyr. Magtulungan lang silang dalawa at magagawa nila 'yun.

"Tara na?" napatingin ako kay Alejandro at tumango.

Habang naglalakad kami palabas ng bayan at pauwi ay natatawa ako sa mga nagiging kwento nito ngunit 'agad akong napatigil sa paglalakad ng bigla na lang sumubsob sa sahig si Alejandro. Napatingin ako sa lalaking nasa likuran niya na siyang sumapak sa kanya!

"A-alberto!?" gulat akong napatingin sa kanya habang siya ay nanlilisik ang mga matang tumingin kay Alejandro na masama na rin ang tingin sa kanya habang nakaupo sa sahig.

Kaagad ko siyang nilapitan at tinulungang makatayo, nang makatayo siya ay tinulungan ko rin siyang pagpagan ang sarili niya ngunit napurnada lang iyon ng higitin ni Alberto ang kamay ko palapit sa kanya.

Ano bang problema ng panget na 'toh!? "B-bitawan mo nga ako! Anong problema mo at bakit bigla -bigla ka na lang nananapak dyan!" inis na tanong ko sa kanya at marahas na tinanggal ang kamay niya sa kamay ko.

"Layuan mo na siya Ennisa, ginag*go ka ng lalaking 'yan!" mas lalo akong nagulat sa mga narinig kong lumabas sa bibig niya.

"H-huh?"

"Nakita ko siya kahapon! May kaakbayan siyang babae sa plaza, ang sweet-sweet nilang dalawa at naghalikan pa sa mismong lugar kung saan maraming nakatingin sa kanila. Niloloko ka lang nitong lalaking 'to!!!" nagtataka akong napatingin kay Alejandro na masamang-masama na talaga ang tingin kay Alberto.

"G*go ka eh noh!" malakas na sigaw ni Alejandro habang nakakuyom ang mga kamao.

"Mas g*go ka! Hindi ka nararapat para kay Ennisa!!"

Sa sobrang inis ni Alberto ay sinugod na niya ng sapak si Alejandro na hindi naman niya inurungan din. Napatingin ako sa paligid namin at labis na ang hiyang nararamdaman ko dahil pinag titinginan na kami ng mga tao sa paligid!!

Pinilit ko silang awatin dalawa sa pamamagitan ng pag sigaw, tili at paghila kay Alejandro mula kay Alberto. Ngunit masyado silang malakas!

"T-tama na..tumigil na kayong dalawa! Al-alberto tama na!! Alejandro!! Ahhhhhh!" inis kong sinabutan ang sarili ko na inayos ko din naman kinaulanan dahil nakakahiya sa mga taong nakakakita sa akin o sa amin ngayon.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now