Game 37

301 37 1
                                    

Edited

Marcail's POV

Habang naghihintay kay Xeno sa tagong warehouse dito sa loob ng UGP ay muli kong naalala ang naging resulta ng laban nila Vegeia at Mareen sa ikatlong lebel ng Zanaxamyr.

Kapwa sila nanggaling sa isang lungsod kaya dapat nagtutulungan sila pero nang malaman ko ang ugnayan nila sa isa't isa ay hindi na ako makakaramdam ng awa sa sinapit ni Mareen.

Masasabi ko ding tama ang naging desisyon ni Vegeia, masasabi naming lahat na sumusuporta sa kanya na tama ang ginawa niya. Hindi namin gugustuhin na si Vegeia ang namatay sa laban nila.

Marami pang pagdadaanan si Vegeia, marami pa siyang dapat balikan dito sa labas kaya hindi pa dapat siya mamatay, pero nitong mga nakaraang araw ay kapansi-pansin ang mga nagiging kilos ni Ms. Argery, madalas niya akong ipatawag sa office niya at kung ano-anong pinagtatanong.

Hindi ko naman magawang magtanong dahil wala naman ako sa posisyon para tanungin kung para saan ang ginagawa niya. Iniisip ko na lang na may mahalaga siyang bagay na ginagawa na kailangan ng tulong ko.

Tungkol naman kila Siego at Erenia, hay hahaha, hindi ko na naman maiwasang matawa at maiyak. Bigyan ba naman ako ng invitation card sa kasal nila. Laking asar lang para sa 'kin!

Ilang araw na akong nagpipigil na masabunutan o mapatay si Erenia, hinihiling ko nga tuwing gabi na sana ay atakihin siya sa puso habang natutulog o bangungutin at hindi na magising.

Pero waley, gising na gising pa rin at enjoy na enjoy makipag-beso at yakapan sa akin kapag nakikita ako. Sarap talagang sabunutan!

Nakakapagod na din makipagplastikan sa kanya pero as long as nakakasama at nakakatabi ko si Siego ay okay lang. Ayos na sa akin na nakikita si Siego.

Kung saan siya masaya ay doon na din ako, kahit ilang libong sakit pa 'yung dating sa akin nung kaligayahang natatamo niya ngayon, ganun ko siya kamahal.

Pero napansin ko lang, napapagod na din akong mahalin si Siego, tao lang naman kasi ako kaya natural na maramdaman ko ito. Wala na rin naman na kasing patutunguhan ang pagmamahal kong ito sa kanya kung hindi ko na siya hawak.

Wala nang saysay kung lalaban pa ako kung 'yung taong pinaglalaban ko ay bumitiw na. Kaya ito! Nagsisimula na akong mag move on sa kanya, pero tuloy pa rin ang balak kong hindi dumalo sa kasal nila.

"What's with your face? Cail hahahaha!" napatingin ako kay Xeno na natatawang lumalapit sa akin.

Ang gwapo pa rin niya at malakas ang dating. Kung sana ay natuturuan o napagsasabihan lang ang puso ay sasabihin ko sa puso kong si Xeno na lang ang mahalin ko.

Pero hindi 'yun ganun kadali, hindi natuturuan ang puso na mahalin ang isang tao. Nasa tamang oras at panahon ang lahat, kung kami talaga ang nakatadhana para sa isa't isa ay kami talaga.

Siguro nga hindi talaga si Siego ang lalaking para sa akin, siguro ay nakilala ko lang siya para matutunan kong pahalagahan at mahalin ang sarili ko. Marahil gampanin niya lang ay ituro sa akin ang daan patungo sa tamang landas.

"Huwag mo nang sagutin, alam ko na 'agad hahaha" mahina ko lang siyang hinampas sa balikat at tsaka binati.

"Ano nga pala 'yung sasabihin mo sa akin? At dito pa talaga sa tagong warehouse hahaha" patawa ko ding sabi habang inililibot ang tingin sa tagong warehouse ng UGP.

May mga nakasalansang sako ng bigas, kahoy na galon, baul at mga bakal, semento, plywood at kung ano ano pa. Medyo nakakatakot pero dahil may kasama ako ay kiber lang!

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora