Game 46

251 34 0
                                    

Edited

Sincerely's POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at kasabay nun ang paghawak ko sa ulo ko at naramdaman ang isang malapot na likido. Doon ko naalala kung anong nangyari sa akin, may humampas sa ulo ko at hinila ako sa kung saan.

Hindi ko maiwasang magtanim ng galit kay Taar, traydor siya! Ginamit niya lang ako, napatunayan ko ngayon sa sarili kong wala talaga akong dapat pagkatiwalaan bukod sa sarili ko. Sisiguraduhin kong magbabayad si Taar sa ginawa niya sa akin.

Pagsisisihan niyang ginamit niya lang ako, sisiguraduhin kong bago ako mamatay ay  makita kong malagutan ng hininga si Taar. Gusto kong pagdusahan niya ang ginawa niya sa aking ito!

"Helpppp uss!! Helppp!"

"I don't wanna die, pleaseee let me out of here"

"I will do whatever you want, j-just let me live..pleaseee, I'm begging you"

"Mommy...I'm scared, help meee, mommy!!"

Napatayo ako ng makarinig ako ng sigawan sa labas ng...wait, bakit ako nakakulong? Bakit ako nasa isang selda? Anong nangyari?

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at lumapit sa bakal na rehas ng seldang kinalalagyan ko, madilim ang buong paligid ngunit sapat ang mga ilang sulo na nakalagay sa mga poste sa paligid.

"Sincerely Lirnel, player from Eatha" napatingin ako sa kaharap kong selda ng may nagsalita doon, "Aressa Mara Quay" ang tanging nasambit ko ng makilala ko siya.

Manlalaro din ng Zanaxamyr na nanggaling sa lungsod ng Macritono, "Nasaan tayo? Anong lugar ito?" tanong ko dito at muling nagpalinga-linga sa paligid.

Samu't saring sigawan na naman ang naririnig ko, sigaw ng pagmamakaawa. Halos lahat ay puro ingles ang wika, ganitong klase din ng mga tao ang bumungad sa akin sa dalampasigan na pinaglitawan ko matapos kong maglaho mula sa barko.

"Hindi ko alam..hindi ko alam kung nasaan tayo o kung anong klaseng lugar ito. Paano ka napunta dito?" napaupo ako sa sahig at sumandal sa bakal na pinto.

"Nasa dalampasigan ako nun, nagkagulo ang mga tao ng sumigaw ako..sumigaw ako dahil wala akong kaideya-ideya sa lugar na ito. Hanggang sa may humampas sa ulo ko at nagdilim na ang paningin ko" hindi ko maiwasang magsisi kung bakit narito ako ngayon, kung hindi sana ako sumigaw nun at nag eskandalo siguro ay wala ako rito.

"May pagkakapareha ang nangyari sa akin sayo, may nakabunggo sa aking babae sa terminal ng tren, hindi siya nagsorry kaya nagalit ako at sinigawan siya, hanggang sa may humampas din sa ulo ko na ikinahulog ko sa riles ng tren" napatakla ako dahil sa naging rason ng kanya, pinairal niya ang kamalditahan niya at taas ng pride, "Sa tingin mo, bakit nila tayo dinala dito..anong gagawin nila sa atin?" hindi ko mahanapan ng sagot ang mga tanong na iyon ni Aressa kaya umiling na lang ako dito.

Until may isang bagay na biglang pumasok sa utak ko, "I think, this is the last game.
The last level of Zanaxamyr" pareho kaming nagkatinginan at akmang magsasalita pa ako ng may marinig kaming pagbukas ng isang bakal na pinto.

Kita ang liwanag na nanggaling doon sa nagbukas na pinto sa sahig. Ang kaninang sigawan at pagmamakaawa ng mga taong kasamahan namin dito ay nawala ng parang bula at nakakasiguro ako na dahil iyon sa taong nagbukas ng pinto na ngayon ay naglalakad.

Mabibigat ang mga bawat hakbang nito na ume-echo sa buong kulungan.

"Take her...and her...and him! Take them to the Torture Arena" napaatras ako ng makita kong naglakad palapit sa selda ko ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now