Game 51

267 33 0
                                    

Unedited

Vegeia's POV

Hindi nga ako nagkamali na iyong lalaking nasa kaliwa ni Dr. Hario ay siyang namuno noon sa pagpasok sa lungsod namin. Tandang-tanda ko pa ang mahabang peklat niya sa gilid ng leeg niya.

Nang madako ang tingin ko kay Dr. Hario ay nginitian ko ito na sinuklian rin niya ng isang matamis na ngiti, medyo may katandaan na siya pero malakas-lakas pa naman daw ayon kina Astreah.

Ito na naman ako, 'yung mga pangyayari na hindi ako makapaniwala, nasa harap ko ang taong gumawa ng Zanaxam---wait! Ngayon lang pumasok sa isip ko na si Dr. Hario ang tinutukoy ni Anaxa na nag-iisang pamilya niya na pinatay matapos maipakilala ang Zanaxamyr.

Hindi ko naiwasang titigan si Dr. Hario, ibig sabihin ay nagkamali si Anaxa ng akala na patay na ang ama-amahan niya, ang gumawa sa kanya.

"May problema ba?" takang tanong nito, umiling dito ngunit nagsalita rin kinalaunan.

"Ikaw ang tinutukoy ni Anaxa noon sa akin na nag-iisang pamilya niya na namatay, kahit hindi niya sinabi sa akin ay ramdam ko na sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala mo" mababakas ang gulat rito na sinamahan ng lungkot, "Nagkita kayo ni Anaxa?" tanong ni Astreah na ikinatango ko.

"Matapos kasi ang nangyaring sakuna sa ikatlong lebel ay naiwan akong buhay sa lugar na iyon at nakilala si Anaxa na kilala ng lahat bilang Virus...nangako ako sa kanya noon na tutulungan ko siyang mabawi ang x-card ng Zanaxamyr upang muli niyang makontrol ang buong system" mahabang salaysay ko.

Naging tikom ang bibig ng lahat ng tao sa paligid namin, walang nagtangkang basagin ang katahimikang iyon hanggang sa pumagitna ang isa pang hindi katandaang lalaki na parehas na may suot na lab gown gaya ni Dr. Hario.

"Hindi nailigtas ang Zanaxamyr ngunit nanatili sa pangangalaga ng gobyerno ng Umacrus si Anaxa" hindi ko naiwasang malungkot sa parehong sinabi niya, ang pinag-aalala ko lang naman ay baka may mga naiwan pang manlalaro sa loob at hindi ligtas na nailabas.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi ngayon na iniwan ko si Anaxa, magagawa ko pa kaya ang pinangako ko sa kanya gayung sira na buong Zanaxamyr, malayo pang mabawi namin si Anaxa.

"Sa ngayon ay dapat na muna nating paghandaan ang gagawing aksyon ng Umacrus sa nangyaring ito, ang mga Meirs lang ang sisisihin nila dahil alam naman nating balakid sa mga pamamalakad at patakaran nila ang mga Meirs" saad ni Dr. Hario, nangangamba ako ngayon sa pwedeng mangyari dahil sa pagkasira ng Zanaxamyr.

Naikwento na ni Titus sa akin ang nangyari, hindi raw sinasadya ng isang Novice na mapasukan ng hindi matukoy na virus ang Zanaxamyr system na nagdulot ng pagkasira doon.

"Tsk! Gagamitin nila ang mga hawak nilang Meir laban sa atin!" sabi ni Callypso, na kani-kanina ko lang nalaman ang pangalan at estado niya, siya ang punong gabay o tagapangasiwa sa mga Meirs at kanang kamay naman nito si Astreah.

"Hindi nila tayo kaya, nandyan si Vegeia at si Abrecan" napatingin ako sa babaeng nagdala sa akin dito kanina dahil sa sinabi niya, 'wag nilang sabihin na dahil isa akong Legendary Meir ay tungkulin ko ng pangalagaan sila.

Hindi ko pa lubos nauunawan ang pagiging Meir, hindi ko pa alam kung anong mga kakayahan ang meron ako na wala sa isang normal na tao, kung anong nakaraan kung paamo nabuo ang mga Meirs.

"Vegeia?" tumingin ako kay Dr. Hario ng tawagin niya ako, "Maaari pa kayong manatili dito, nang sa gayundin din ay makilala mo ang tunay mong sarili" napangiti ako sa sinabi niya kaya walang pag-aalinlangan akong tumango rito.

"Gagawin ko ito hindi dahil mas gusto kong makilala ang sarili ko, gagawin ko ito dahil gusto kong makalaya sa pagkakakulong ang bansang ito" lihim akong nagulat ng magsigawan at magpalakpakan ang mga tao sa paligid namin.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now