Game 22

360 38 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Lumipas na ang tatlong oras at wala pa rin si Marcail o kahit si Cazelane, hindi pa sila nakakabalik, gusto ko na kasing makaalis sa matandang lalaking nasa harap ko ngayon. Hindi naman niya ako inalok na bumaba pero parehas sila nang paraan ng pagtingin sa 'kin nung panget na si Galio, parehong nagagandahan at natatakam.

Hindi ko nagawang makinig sa kanya dahil palinga-linga ako sa paligid at nagbabakasaling mahanap sila Marcail pero wala talaga, sa tuwing magtatanong naman ang matanda sa akin ay tumatango lang ako dito o pinapaulit ang naging tanong niya na sinasagot ko naman din.

Hanggang sa mukhang nakaramdam ng pagkainip ang matanda at nagpaalam na kukuha lang ng maiinom, lihim akong napangiti dahil makakaalis na ako sa kanya!

'Agad akong tumayo sa upuan ko at mabilis na lumabas ng tenth tower. Pagkalabas na pagkalabas ko ay 'agad yumakap sa katawan ko ang malamig na simoy ng hangin kaya napahimas pa ako ng paulit-ulit sa magkabilaan kong balikat.

Kung hindi ko mahahanap sila Marcail o Cazelane ay uuwi na lang ako mag-isa, kaya ko naman na at kabisado ko naman ang daan pabalik sa suite.

Tinahak ko na ang kahabaan ng foot bridge papunta sa ika-siyam na tore, doon na lang siguro ako gagamit ng elevator pababa. Sana lang ay walang tao o kaya naman ay sana desente ang ika-siyam na tore. Gusto ko na kasi talagang makalabas sa UGP at makauwi.

Gusto ko nang humiga sa kama ko at magpahinga, pagod na pagod na ako, kailangan ko pang mag-ipon ng lakas dahil mamayang ala syete ng umaga ang simula ng Zanaxamyr.

Nakayuko ako habang naglalakad sa foot bridge ng makaramdam ako ng paglakas ng ihip ng hangin, may kung ano din akong nararamdaman na papalapit sa akin kaya napatingala ako at iginala ang tingin ko sa paligid.

Ba-bakit ganun? Pakiramdam ko ay may matang nagmamatyag sa akin pero wala akong makita, nasa gitna din ako ng bridge at malayo na ako sa tenth tower at gayundin sa nineth tower.

Guni-guni ko lang siguro ito, marahil ay dala ng pagod kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Kailangan ko na talagang magpahinga at ipahinga ang utak ko.

"Ikinagagalak kitang makita muli" gulat akong napataas ng ulo at tumingin sa babaeng limang dipa ang layo sa akin.

Kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang mukha niya dahil sa bilong na bilog na buwan sa kalangitan at hindi ako pwedeng magkamali! Siya iyong Astreah na nakahuli sa akin sa pinagtataguan ko nung sumugod sila sa Jeneiland, isang Meir...na isang kauri ko rin.

"Dito lang pala kita mahahanap, kamusta kana?" nakangiti niyang sagot at naglalakad-lakad pa ng kaunti, "A-anong ginagawa m-mo rito?" taka kong tanong habang dahan-dahang umatras.

"Nandito ako para sayo, tutulungan kitang makaalis sa Zanaxamyr" hindi ko maiwasang mapaisip at magtaka sa sinabi niya.

Nandito siya para tulungan akong makaalis sa laro? Alam na ba niyang isa akong Meir? P-pero malabo, nangako sa akin si Doc Jib na gagawin niyang lihim ang resulta.

Pero maaari din namang nalaman ng babaeng ito nang siya lang. Ano ba talagang klaseng tao siya?

"Kung..." muli akong napatingin dito ng magsalita siya at bahagyang ngumiti bago itinuloy ang sasabihin niya, "Kung sasama ka sa akin ay iaalay mo ang buong katapatan at buhay mo sa pamilya Meir" inaasahan ko nang may kapalit ang pagtulong niya kaya napatawa na lang ako dito.

"Hindi ko kailangang ng tulong ng iba para makaalis sa Zanaxamyr, ipagpapatuloy ko ang laro at manan---" napatigil ako sa pagsasalita ng ilapat niya ang hintuturong daliri niya sa labi niya at umiling.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang