Game 45

251 31 1
                                    

Edited

Vegeia's POV

"If you do not want to lose, untrust everyone or everything. Good luck!" huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo sa tulong ni Favroe. Tinanong nito kung maayos ba daw ang pakiramdam ko na ikinatango ko lang.

Nang medyo tuwid na ang pagkakatayo ko at hindi na nakakaramdam ng pananakit ng ulo ay nagsimula na kaming maglakad. Ganitong-ganito din ang nangyari sa akin nung narinig ko ang mga sinabi ni Marcail tungkol doon sa tenth tower.

Ibig bang sabihin nito ay kaya dahil sumakit ang ulo ko at may nadinig na boses ay dahil konektado sa akin ang taong iyon, ang taong pinaalalahan kaming mga huling manlalaro dito sa ikahuling lebel ng Zanaxamyr.

Kung konektado sa akin ang taong iyon, sino siya? At tsaka bakit ganito na lang parati ang nangyayari sa akin!? Bakit parang may mga..may mga pangyayaring bumabalik sa isip ko na hindi ko naman ginawa o naranasan noon. Anong ibig sabihin nito?

"Lageee!" bahagya akong napakislot at mabilis na lumingon kay Favroe na nasa likod ko.

Nawala sa sistema ko na kasama ko pa pala siya, "Bakit?" tanong ko dito at muli ng humarap at nagpatuloy sa paglalakad, sa katunayan niyan ay hindi ko alam kung saan ako o kami pupunta.

"Are you really okay?" tumango ako dito at nginitian siya para ipakitang maayos talaga ako.

"Ano nang gagawin natin? Paano ang sistema sa huling lebel na ito?" wala akong ideya kung anong mangyayari sa amin ngayon dito, hindi rin naman kasi kami inabisuhan sa mga magaganap o kung paano ang sistema ng laro dito.

"I don't have any idea but first, we need to go to Sacryx Centre" hindi ko alam kung anong tinutukoy ni Favroe ngunit may tiwala ako sa kanya, hindi naman niya s-siguro ako ipapahamak diba?

Hindi naman totoo yung nangyaring pagp-patay nila sa akin ni Daryo---si Daryo! Hindi man lang pinagtagpo ang landas naming dalawa sa laban, sana naman ay buhay pa siya, gusto kong makalabas dito sa Zanaxamyr kasama siya. Sana maging sila aling Ralei din at ang iba pa naming kasamahan.

Kamusta na rin kaya si Bodhi at si Cazelane, sana pare-pareho silang nandito ngayon.

"I.D please" napaangat ako ng tingin sa..s-sa malaking lalaki na nasa harap namin ngayon.

Bakit ganyan siya kalaki? Hindi normal ang timbang niya at ang mga nagpuputukang masel niya sa balikat at dibdib. Halos kasing laki din ng uli ko ang mga palad niya.

"We do not have I.D, we are Zanaxamyr pla---."

"Take them and lock them in the dungeon" nalilito naming tinignan ni Favroe ang malaking mama sa harap namin na ngayon ay nakaharap sa apat na guwardiya na nasa likod niya kanina.

Bakit nila kami kukunin at ikukulong sa piitan? Ano 'to!?

"W-wait sir! Why are you imprisoning us? What have we done? S-sir, we are not bad people, we are Zanax---" bakit ba ang hilig niyang pumutol ng mga sasabihin namin!? Kakairita.

"Enough! Guard 43, 44, 49, 50! Take them now!" tatakbo na sana ako papalayo ng biglang madiin na hawakan ng dalawang guwardiya ang magkabilaan kong braso at sapilitan akong pinalakad papasok sa Sacryx Centre.

Dito yung lugar na sinabi ni Favroe na pupuntahan namin, hindi kaya isa itong patibong? Tama ba na pinagkatiwalaan ko si Favroe?

Nang makapasok kami ay imbis na umakyat kami sa malaking hagdan na may pulang karpet ay pumasok kami sa isang itim at kinakalawang na elevator.

"I'm sorry Lage, hindi ko inaasahan na ganito ang bubungad sa atin dito" hindi ako kumibo sa sinabi ni Favroe at nanatili akong nakatingin sa kinakalawang na pintuan ng elevator.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя