Game 3

676 49 2
                                    

Edited

Vegeia's POV

"Akala kasi niya ay papaluin mo siya ng sinturon mong mala dospordos hahahahahaha!" unti unti kong inangat ang ulo ko at nakita ko si papa'ng walang hawak na sinturon.

Inayos ko kaagad ang sarili ko at sinamaan ng tingin si mama, "Hindi mo ba tatanggapin 'nak? Sayang naman ito" nalipat ang tingin ko kay papa at dun ko lang nakita na may hawak itong maliit na box na kulay lila at puting laso sa ibabaw.

'Agad kong kinuha mula kay papa ang maliit na box at tumingin muna sa kanilang dalawa ni mama bago buksan ang box. Bumungad sa akin ang isang locket necklace na silver.

Pagkakuha ko nun ay binuksan ko 'yun at nakita ang picture naming tatlo, maliit pero malinaw at kitang kita ang mukha naming tatlo. Pareho kaming mga nakangiti at naalala ko pa kung kelan ito kinuhanan.

"Para sa akin ito 'pa?" tanong ko dito ng walang tingin tingin sa kanya, "Ibibigay ko ba sayo kung hindi? Biro lang 'nak haha, oo sayo 'yan. Hindi ko na sana ibibigay sayo 'yan ng marinig kong dinala ka sa prisinto kaninang tanghali" nawala ang mga ngiti ko sa labi ko nang tignan ko si papa.

Alam niya, malamang! Si aling Ralei nga ay nalaman si papa pa kaya, siguro nga ay kalat na kalat na sa buong Jeneiland 'yung nangyari.

"Hindi ko gusto 'yung nakikipag away ka pero may tiwala akong hindi ikaw ang nanguna, isa 'yun sa mga paalala ko sayo nung sinasanay kita 'di ba? Na huwag na huwag magpapadala sa bugso ng damdamin, kung sinaktan ka at kailangan mong lumaban o depensahan ang sarili mo ay gawin mo, naalala mo 'yun?" tumango ako kay papa at tumayo, yinakap siya at nagpasalamat.

"Basta huwag na huwag mong kakalimutan kung sino at ano ka, ipaalala mo sa sarili mo parati na hindi ka isinilang sa mundo para tapak-tapakan at maliitin ng kung sino lang" awww, ang sweet ni papa, nakakaiyak sheteeee!

Kumalas na ako dito at bumalik sa upuan ko, isinuot ko naman ang kwintas na bigay niya at pinangakong hindi iyon iwawala at iingatan ko.

"'Yan ka na naman Samuel! Kaya hindi kami close ng anak ko kasi sinasanay mong ikaw parati ang una sa kanya! Kulang na nga ay ikaw ang magluwal sa kanya pshhhhh" lihim akong natawa dahil sa inasta ni mama, parati siyang ganito pero hindi iyon insulto para sa akin o sa amin ni papa.

"Mahal naman, hindi naman sa ganun, ikaw parin ang ina niya, ang asawa ko, gusto mo bang sundan na natin si Vegeia..huh mahal, gusto mo ba?" humagalpak ako sa pagtawa ng makita kong pinamulahan ng mukha si mama at parang naging kiti-kiti sa upuan niya.

"H-huwag mo akong d-daanin sa pa-paganyan-ganyan mo S-samuel! Tatamaan ka sa akin!" ganito pala kiligin si mama, ang cute at ang cute din magpakilig ni papa, nadadala niya si mama haha.

"Sige nga mahal, tamaan mo ako, tamaan mo ang Samuel ng buhay mo, Vega!" nakakainggit, sana lahat!

"Pshhhhh! Makaalis na nga! Busog na ako, ikaw na magligpit Vegeia ng pinagkainan" sumaludo ako dito at tumango pa.

"Sandali lang Vega hintayin mo ako! Ikaw na bahala maglinis 'nak huh, magdidigmaan lang kami ng nanay mo sa loob hahaha!" malakas na tumawa si papa bago siya kumaripas ng takbo papasok sa loob ng kwarto ni mama.

Napailing-iling na lang ako at tinapos na ang pagkain, pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Kakaunti lang ang nabawas sa pagkain nila mama at papa kaya inilagay ko na lang sa ref 'yung ulam para hindi din mapanis at mainit na lang nila mama kung magutom sila mamaya.

Pagkatapos mag hugas ay pumasok na ako sa kwarto ko at natulog. Mahaba haba ang nangyari ngayong araw at mahirap paniwalaan lahat!

- - -

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now