Game 48

283 33 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Hindi kami makapaniwala nina Aressa at Sincerely na nakalabas kami ng Sacryx Dungeon ng hindi man lang nahuhuli o nakikita ng sinuman, ngayon ay nasa pinalikod kami ng naturang gusali at nag-iisip kung saan kami pupunta ngayon.

Pinag-iisipan na rin namin kung anong klaseng level itong haharapin namin dito. Hanggang sa naalala ko si Favroe, hindi ko maiwasang mag-alala kung nasaan siya at kung anong kinakaharap niya ngayon.

"Lcott!" napatingin ako kay Aressa ng sumigaw siya at itinaas ang kamay habang nakatingin sa kumpulan ng mga tao na may hindi kalayuan sa amin.

Nakilala ko ito ng maglakad na siya palapit sa amin, siya 'yung lalaki na kasa-kasama ni Cazelane. Nasaan na nga pala yun at bakit hindi sila magkasama.

"Aressa! Mabuti naman ay maayos ka--kayo" tumingin ito sa amin ni Sincerelu na tinanguan lang namin, "Ikaw pala si Reatha..Lage" nagtaka ako kung paano nito nalaman ang apelyido at bakit parang may...may emosyon akong hindi maintindihan sa mga mata niya.

"Nalaman ko sa isang scoreboard sa plaza, nandoon ang lahat ng pangalan nating lahat na nandito, 21 tayong lahat na ngayon ay naging 20 na" sambit nito, ngunit nagtataka pa rin ako kung bakit ganun yung reaksyon o emosyon niya ng malamang Reatha ang apelyido ko.

Mukhang napansin naman nito ang pagtataka sa mukha ko kaya walang alinlangan itong nagsalita, "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ninakaw ni Cazelane ang katauhan mo" naguluhan ako sa sinabi ito, papaanong ninakaw ni Cazelane ang katauhan ko, hindi ko siya nagets.

"Sa fourth level, dumating doon ang mga silver knights para ilabas ka sa Zanaxamyr para manatiling buhay, ngunit inangkin ni Cazelane ang pagkakataong iyon na para sayo."

"So sinasabi mong 'yung Cazelane ay nasa labas ngayon at peke ang nandito?" tanong ni Aressa na ikinatango sa huli ni Lcott.

"Narinig ko ang pinag-uusapan nila sa lower deck ng barko, Reatha ang binanggit ng mga silver knights na pangalan na ilalabas nila sa Zanaxamyr, hanggang sa naalala kong Osmond ang apelyido ni Cazelane kaya nagtaka ako kung bakit siya ang kausap nila at bakit pumayag si Cazelane sumama sa kanila palabas ng Zanaxamyr" hindi ko alam ang sasabihin ko, gusto kong magsalita pero hindi ko mahanap ang mga tamang sasabihin ko.

Naguguluhan ako at nagtataka, una bakit ako kailangang ilabas ng silver knights sa Zanaxamyr, pangalawa ay sinp ang nag-utos sa kanila na gawin iyon at pangatlo ay bakit ako niloko ni Cazelane.

"Sino naman ang nag-utos sa silver knights para gawin iyon?" takang tanong ni Sincerely kay Lcott.

"Sina Ms. Argery at President Arran" mas lalo akong nagtaka kung bakit kailangan pa ng gawin iyon nila Ms. Argery at President Arran, bakit nila ako kailangang ilabas sa Zanaxamyr?

"Bakit nila gagawin 'yun at sa akin pa talaga?" nagtataka kong tanong kay Lcott na kibit balikat lang ang nakuha kong sagot.

"Pero ang tanong, anong gagawin mo ngayon sa pekeng Cazelane na nandito?" umiling ako sa tanong ni Aressa, nagulat naman ako ng parehas na napataas ng kilay at napatikhim silang dalawa ni Sincerely.

Mukhang salungat ang sagot ko sa inaasahan nilang sasabihin ko.

"Ninakaw ni Cazelane 'yung pagkakataon mong lumabas sa Zanaxamyr para manatiling buhay, tapos wala kang gagawin?" muli akong umiling, hindi na ako nag react ng tumawa si Lcott dahil sa pagtampal sa sarili nilang noo ni Sincerely at Aressa.

Sa katunayan niyan ay wala akong nararamdamang inis, galit o poot sa ginawa ni Cazelane sa akin. Ayokong mandaya sa labang ito, ayokong lumabas ng Zanaxamyr tapos prenteng manonood sa laban, hindi ko inisip na kailanman na gumamit ng isang tao para mamatay dahil sa akin.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now