Game 44

261 35 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Matapos ang pakikipagtalo ko sa lalaking taga Arotbil na ngayon ay kasama ko ay sinugod ko na ang mga hugis tatsulok na halimaw sa paligid.

Hindi kasi siya pumayag na lumaban ako dahil kagigising ko lang mula sa pagkakahimatay kanina. Nagtaka pa siya dahil parang dalawang minuto lang ang naging idlip ko na ipinagkibit balikat ko lang.

Bilang pa lang ang mga napapatay ko ng mag ungulan ang mga halimaw sa ere na hugis tatsulok. Doon ko lang napansin na papasikat na pala ang araw at dahil doon ay nanghina sila at unti-unting naging abo.

Nang masikatan ng araw ang malaking barko na kinalulugaran namin ay nawala ang dumi sa paligid kasama ang mga abo at mga walang buhay na katawan ng mga halimaw na naabutan ko ng makarating ako dito.

Ang kaninang kinakalawang at sira-sirang parte ng barko ay napalitan ng maganda at makinis na puting bakal. Nawala na din iyong masangsang na amoy sa paligid.

At ang kanina ring lumang malaking barko ay naging bago. Kadalasan pang ang lungsod lang nang Macritono at Umacrus ang may kakayahang makabili, makagamit at makasakay sa ganitong kalaking barko.

Habang inililibot ko ang tingin ko sa magandang barko ay hindi ko naiwasang marinig ang sinabi ng lalaking katabi ko, nagpasalamat siya na bumalik na daw sa dating ganda at ayos ng cruise ship.

Kaya napaisip ako na nahuli nga talaga ako ng dating sa ikaapat na lebel.

Muli ko nang inilibot ang tingin ko sa paligid at hindi ko masabi kung kami-kami na lang ba ang nabuhay matapos ang mga nangyari kanina.

"Nagagalak akong makita ka sa malapitan Lage!" nawala sa isip ko ang lalaking taga Arotbil!

Mabilis akong humarap sa kanya at hindi ko maiwasang pamulahan ng makita ang mukha niya sa malapitan. Walang takip iyon kaya malaya kong nasilayan ang itsura niya.

Isa lang ang masasabi ko. Gwapo siya. Siguro ay mga nasa edad dalawampung apat o anim ata siya. Bilugan ang mga mata niya na may hindi kahabaang pilikmata. May pagkamoreno na maputi din ang balat niya na bumagay sa kanya, matangos ang ilong niya at kulay abo ang mga mata, manipis na hindi kalakihan ang pink na labi niya.

"Gwapo ka naman pero bakit nahihiya kang ipakita ang mukha mo sa akin sa tuwing magkukrus ang landas natin? Hahaha" natawa din ito sa sinabi ko at sinabayan akong maglakad palapit sa railings ng barko.

Ang ganda ng pagka kulay asul ng karagatan, at kahit na mataas ang pwesto ko ay kita ko pa rin ang mga mangilan-ngilang mga isda na lumalangoy, sobrang linaw din kasi ng tubig kaya kitang kita sila 'agad.

"Hindi ako nahihiya, sadyang ayaw ko lang talagang magpakita hahaha" kaartehan naman ng lalaking ito.

"Ayy nga pala, dahil hindi ko alam ang pangalan mo ay binansagan kitang 'lalaking taga Arotbil'" hindi ko maiwasang mapatawa at mapaisip kung ilang beses ko na nga ba siyang tinatawag sa ngalan na 'yun haha.

"Ako si Titus Sevilaunte" nakangiti ko siyang hinaharap na nagpangiti din sa kanya, ang gwapo niya talaga pero hindi kami talo haha!

I mean, hindi ko siya type, hindi ko nakikita ang sarili kong magiging kami o magkasama kami bilang magka-ibigan.

"Vegeia Lage Reatha, paano mo nga pala nalaman 'yung Lage ko?" taka kong tanong dito at mas lalo naman akong nagtaka ng ngumiti siya at umiling.

"Tsk tsk tsk haha!" naging turan ko na lang at muling itinuon ang atensyon ko sa malawak na karagatan sa harap namin.

Ngunit 'agad ding nawala ang kapayapaan sa sistema ko ng magsigawan ang lahat at isa-isang naglaho na parang bula.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now