Game 35

311 34 1
                                    

Edited

Cazelane's POV

Hindi ko inaasahang na ganito pala kasarap sa pakiramdam ang nasa alapaap, na ang sarap damhin ng sinag ng papasikat na araw at hangin sa himpapawid.

Wala akong katiyakan kung saang papatungo ang parachute na ito. Malabo namang dito sa himpapawid ang third level ng game haha.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbakakasakaling makita si Lcott o kahit si Vegeia pero wala, tanging ako lang ang mag-isa sa himpapawid. Pakiramdam ko tuloy ay solong-solo ko itong kalangitan. Parang mas gusto ko na lang manatili dito. Sa hipapawid huh, hindi sa langit, wag kayong etchosera dyan!

*Thug thug thug thug thug thug*

Gusto ko sa susunod na mararanasan ko ito ay kasama ko si Lcott, 'yung magkahawak kamay kami tapos habang papasikat 'yung araw ay naglalapit ang mukha namin tapos magk-kiss kami!

Ihhhhhh! Kinikilig ako, changena!

Hindi ko makakalimutan kung 'pano niya ako pinasahan sa likod niya nung hinahabol kami nung tatlong chuchu dogs na 'yun.

Ang bango bango niya at hindi ko alam kung ramdam niya ba 'yung mabilis na pagtibok ng pula kong puso sa likod niya. Humiling pa ako nun na sana hindi na matapos ang araw o eksena na 'yun.

Na ganun na lamang kami habang buhay pero kinaulanan ay nawala din 'yung mga mababangis na aso kaya binaba niya na 'ko. Kakaasar lang 'yung mga asong 'yun!

Ang ganda na sana ng pwesto namin, 'yung nakapasan ako sa kanya tapos siya ay nakahawak sa magkabilaan kong paa habang tumatakbo.

'Yung pupunasan ko 'yung pawis niya kaso...umalis 'yung mga changenang aso na 'yun! Sinira 'yung moment namin ni Lcott! Bwesit!!

*Thug thug thug thug thug*

Nagkahiwalay pa kami dahil may humarang na dalawang babae sa amin na taga Potelmak, isa ding mga peste 'yun eh! Kapag talaga nakita ko ang dalawang 'yun ay papatayin ko sila dahil sa paninira ng moment namin ni Lcott.

Magsama sila nung mga chuchu dogs na nanira din ng moment namin! Parang gusto ko tuloy manabunot ng babae at sumakal ng aso dahil sa ginawa nila!

Kamusta na kaya ang bebe Lcott ko, sana nasa maayos na kalagayan siya. Hindi na ako makapaghintay na makita at madama muli ang mainit na yakap niya.

Hindi naman sa feelingera ako huh pero ramdam ko na mahal na din ako ni Lcott kahit kakakita pa lang namin. Feeling ko na-love at first sight din siya sa akin hihi.

*Thug thug thug thug thug thug*

Ano ba ang tunog na 'yun! Sinisira niya ang----no way!!

May isang helicopter na papunta ngayon sa gawi ko! Kahit malayo ay tanaw ko ang mga sakay nito. Apat na lalaki na kapwa may mga dalang baril! Nanlaki ang mata ko na ang isa sa kanila ay tinutok ang baril sa taas.

Hindi ko nagawang kumilos dahil ang bilis ng mga pangyayari! Pinaulanan ng bala ng baril nung gunggong na 'yun ang parachute na naging sanhi nang hindi maayos na paglipad nito sa ere.

Hanggang sa tuluyang nabutas ang parachute kaya wala akong nagawa kundi hubarin ang bag dahil baka sa akin bumagsak iyong parachute at mahirapan akong lumanding sa lupa o baka sumabit ako sa mga kable ng kuryente at mamatay!

Malaman-laman ko lang kung anong pangalan nung lalaking bumaril sa parachute ay mapapatay ko talaga siya!! Puputulin ko muna ang pututoy niya at ipapako ko iyon sa leeg niya para maging kwintas niya! Hayop siya!

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now