Game 5

568 49 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinanong kay Daryo ito pero gaya ng mga naunang tanong ko ay umiling lang ito at nginitian ako.

Pagkatapos ko kasing kumain at maligo ay muli siyang kumatok sa bahay at inaya ako sa kung saan, parehas sila ng ugali ni Ennisa na kinaiinisan, ayoko kasi 'yung biglaang alis, 'yung parang hindi na nga plinano na aalis kami tapos hindi pa sasabihin kung saan pupunta.

Nakakainis 'yung mga ganun pero may tiwala ako kay Daryo, alam ko namang hindi niya ako ipapahamak, basta siguraduhin niya lang na hindi sa delikadong lugar ako nito dadalhin kundi ay makakaltukan ko talaga 'to!

Gulat akong napatingin kay Daryo ng matanaw ko ang mga kahoy na bakod na hanggang bewang namin, ito ang unang bakod na nakapalibot sa buong Jeneiland. Anong gagawin namin dito?

At kakasabi ko lang kanina na sana hindi sa delikadong lugar ako dadalhin ni Daryo ngunit naging mailap ang kahilingan at kagustuhan ko. Ano kayang pumasok sa isip niya at dinala ako dito.

"'Wag mo akong tignan ng ganyan haha, siya ang may kagustuhan na pumunta tayo dito" napatingin ako sa tinuro niya at doon ko nakita si Ennisa.

Naglakad siya palapit sa akin samantalang si Daryo ay naglakad paatras na ilang metro lang ang layo sa 'kin, "V-vegeia.." ngumiti ako dito ngunit ang ngiting nasa labi niya ay hindi ang madalas na nakikita ko.

"I w-want t-to say s-sorry Veg, s-sorry..I didn't intention to s-slap you last night..I'm sorry" nagsimulang mangilid ang luha niya kaya yinakap ko na siya 'agad.

Ito ang unang beses na nagkatampuhan kami ni Ennisa kaya natutuwa ako na hindi umabot ng ilang araw o ilang linggo 'yung tampuhang namagitan sa amin.

"Okay lang, naiintindihan ko, hindi ko lang talaga maiwasang sabihin 'yun pero totoo lahat ng iyon. Sana natauhan ka na sa lahat ng mga nangyari kagabi. Marami namang lalaki dyan, mas pogi pa kesa kay Alberto haha" natawa kami parehas dahil sa sinabi ko.

Muli ako nitong yinakap ng mahigpit at humingi ulit ng isa pang beses ng tawad. Nang makapagtawaran na kami ay tinanong ko dito 'agad kung anong naging reaksyon ni tita Esani sa nangyari sa kanya kahapon.

Hindi ko naiwasang matawa ng ikwento niya na halos sabunutan siya ni tita dahil sa gulong pinasok niya, susugod pa raw si tita sa bahay nila Mareen pero pinigilan niya ito, mas lalala raw kasi ang gulo at tama naman siya sa bagay na 'yun.

"Yiiee, bati na sila! Hahaha" tinarayan namin ni Ennisa si Daryo ng makalapit siya sa amin na ikinatawa niya lang sa huli.

"Bakit nga pala tayo nandito?" tanong ko nang muli kong makita ang matayog na bakod na gawa sa bato na halos milya-milyang kilometro ang layo sa amin at sa sentro ng Jeneiland kung nasaan ang mga kabahayan.

"Isa kasi sa mga pangarap ko nung bata ako ay mahawakan ang malaking bakod na 'yan, makalapit at damhin kung anong pakiramdam sa malapitan, kaya tara na!" akmang aakyat si Ennisa sa kahoy na bakod sa harap namin ng pigilan ko siya.

Rumehistro sa kanilang dalawa ni Daryo ang pagtataka. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng dalawang 'to at naisip na pumuslit kami at puntahan ang malaki at matayog na bakod na siyang naging palaisipan sa amin simula nung mga bata pa lang kami.

"Alam niyo ba na mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas sa bakod o maski ang lapitan ang matayog na bakod na 'yun? Nahihibang na ba kayong dalawa?" hindi ko naiwasang taasan ang tono ng boses ko dahil hindi ako natutuwa sa ideya ni Ennisa o nila ni Daryo na lumapit sa matayog na bakod.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon