Game 20

380 49 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Malamyos na tunog ng piano at violin ang bumungad sa amin nina Cazelane at Marcail ng pumasok kami sa pinakatuktok na palapag ng tenth tower. Iilan-ilan lang ang mga tumingin sa gawi namin na ibinalik din sa mga ginawa ang atensyon.

May ilang mga tao naman ang ngumiti at tinignan kami mula ulo at paa na ipinagkibit balikat ko na lang. Hindi na dapat ako magtaka.

Kapansin-pansin sa loob na bilang lang sa daliri ang mga babaeng makikita at halos hindi mo naman mabilang ang mga binabae'ng nasa entablado na sumasayaw. Ang ilan pa sa kanila ay nakalingkis sa mga may katandaang lalaki na nakangiting nakikipag usap sa mga kaharap nila.

Hanggang ala una kami ng umaga dito kaya halos anim na oras din ang ilalabi ko o namin dito sa tenth tower at sana ay matagalan ko ang pananatili dito, sana hindi ako mailang na makakita ng dalawang lalaking kapwa nagpapalitan ng laway.

"We meet again Marcailllll hahahaha!" napatingin kami sa isang may katangkarang babae na bumeso at yumakap kay Marcail na ginantihan din nung isa.

"She is Erenia Connor, the tenth tower main head, she bought the entire tower for 3.6 trillion. President Arran gave her a permission to turn the tenth tower into a 'freaking bar or hotel'!!" mahinang bulong sa 'kin ni Cazelane na bahagya pang lumapit na lumayo din naman 'agad.

Napapadalas ang pag-eenglish ng lokang 'to kapag nagtatanong o nagtataka ako tungkol sa mga bagay-bagay o tao sa paligid namin. Maka-moment lang? Hahaha!

Tumingin sa gawi namin 'yung Erenia at inaya kami sa isang lamesa na may anim na upuan. Nag-usap sila at walang pakielam sa ibang tao kung napapalakas ang tawa at tili nila.

"Ang ganda niya" wala sa sariling sambit ko habang palihim na tumingin kay Erenia.

"Hoy gaga! 'Wag kang ganyan!!" nagtataka kong tinignan si Cazelane na nasa gilid ko na may hawak na wine glass.

"Anong wag akong ganyan? Pinuri ko na nga 'yung tao eh! Tsk!" asik ko dito at itinuon na ang tingin sa hindi kalayuang lamesa na may mga nakahaing pagkain.

"Hindi deserve ng retokada na purihin ng isang taong may natural na ganda. Oh diba!? hahaha!" nagtataka ko siyang binalingan ng tingin at nagtanong, "Anong ibig mong sabihin?"

"Ang slow mo 'te!" kailangan talagang sabihin 'yun?

"Tch!"

"Eto na eto na! Okay!? Listen very carefully to me my dear Vegeia, si Erenia Connor ay dating si Gatho Sipanao. Yes! Dati siyang may lawit! Walang natural sa kanya, mula ulo hanggang paa, in short retokada! Pati yung naglalakihan niyang dibdib at pwet!"

"And about naman dun sa sinabi ko. Hindi niya deserve na purihin ng isang taong may natural na ganda. Ikaw! Gandang natural mula ulo hanggang paa na wala siya noon hanggang ngayon hahahaha!" parang may bahid pa na inis ang ilang binitawang salita ni Cazelane patungkol kay Erenia na hindi na kalayuan sa amin.

Apat na silang binabaeng nagtatawanan ngayon na halos sumakit ang mata ng sinuman sa makintab na palamuting nasa mga mamahalin at maganda nilang gown.

"Bakit parang ang sama ng timpla mo sa kanya?" tanong ko dito.

Magkasalubong ang kilay niyang tinignan ako at nagsalita, "Dala ko pa lang yung pitchel at powder juice ay masama na talaga, what more pa kaya nung tinimpla ko na!" anong connect?

Tinanong ko siya kung bakit hindi pa rin nawawala ang inis sa mukha at pag pantay ng kilay niya. Mukhang malalim talaga ang inis o pagkadisgusto niya kay Erenia.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now