Game 2

823 59 2
                                    

Edited

Vegeia's POV

Alam niyo na ba? Syempre hindi pa kasi hindi ko pa sinasabi pero ito na nga. Malaya na ako! Magagawa ko na ulit ibuka ang dalawang pakpak ko at lumipad ng lumipad sa himpapawid.

Joke lang, sirena ako at hindi ibon. So ayon na nga, malaya na nga ako pero nandito pa rin ako sa presinto para pakinggan ang naging panig ni Mareen sa nangyari sa kanya.

"Ayon sa naging kwento ni Ms. Salamante ay tahimik daw na nag eensayo sila ng mga kaibigan niya sa burol tapos dumating ka daw at pinaalis sila dahil sinabi mong pag aari mo ang burol na iyon. Sinubukan nilang umalis ng matiwasay ayon pa sa kwento niya ngunit hindi mo daw sila hinayaan at sinampal at sinabunutan mo raw siya."

"Hanggang sa nagkainitan na raw kayo at bago pa dumating ang mga pulisya ay tinulak mo raw siya at sinaksak ng sarili niyang palaso. Ayon din ang naging kwento ng mga kaibigan niya ngunit may ilang hindi nagtugma" hindi ako makapaniwalang tumingin sa pulis na siyang humingi din ng panig ko.

Hindi ko alam na pwede na palang sumulat si Mareen ng kwento dahil sa galing niyang gumawa ng kwento, nakakainggit naman. Gusto ko ding maging magaling na manunulat..kagaya niyang changina niya!

Talaga nga namang binaliktad niya ang kwento at ang mga magagaling na kaibigan niya ay suportadong suportado sa reyna nilang pinaglihi sa sama ng loob!

"Gaya naman ng mga sinabi mo ang sinabi ng mga nakasaksi na mga nageensayo sa kapatagan. Kaya napag alamanan na naming ikaw ang biktima sa nangyaring ito" dugtong ng pulis na ikinangiti ko ng malaki.

O diba! Malaya na ako, hindi ko na kailangang manatili sa selda kung saan may apat na lalaking mukhang mga chonggo!

"Maraming salamat sir! Maraming salamat, iuuwi ko na itong anak ko ng mapaliguan na, ang bantot bantot na!" kapwa kami natawa ng pulis sa sinabi ni mama.

Bago kami tuluyang lumabas ay nagpaalam ako sa kanila at nagpasalamat. Mataas na ang araw ng makalabas kami, mukhang napatagal ang pananatili ko sa estasyon ng pulis dahil mababa pa lang ang araw ng dalhin ako dito.

"Kapag talaga nakausap ko ulit si Budang, 'yung nanay ni Mareen ay isusumbong ko 'yan! Hindi ko kailanman naisip na may saltik pala sa utak ang anak niya, grabe hahaha" ang sakit makapagsalita ni mama pero tama naman siya.

Mukhang may saltik nga sa utak 'yung Mareen na 'yun. Mayor 'yung tatay niya tapos 'yung nakatatandang kapatid niya naman ay nag tatrabaho sa lungsod ng Eatha kaya bakit hindi nila dalhin sa psychiatrist si Mareen at kung makumpirma nga ay ipagamot nila kaagad.

Mayaman naman sila kaya bakit parang ayaw nilang magwaldas ng pera? 'Wag mong sabihin..iniimbak lang nila 'yung pera para lang i-display? Ganun?

Para saan pa kung nagtrabaho sila at kumita kung hindi din naman pala nila gagamitin. Baka naman siguro hindi sakit 'yung kay Mareen, baka may pinagmanahan siya sa pamilya niya hahaha.

"Ayy oo nga pala 'nak..lagot ka sa tatay mo pag-uwi mo, ihanda mo na 'yang pisngi ng pang upo mo dahil lalatay dyan ang sinturon niyang mala dospordos!" nanlaki ang mata kong tinignan si mama at mababakas ang sinseridad sa mga mata.

"Totoo ma? Sure ka dyan ng very very?" inaasahan kong iiling ito, tatawa at sasabihing 'joke joke joke' pero hindi! Tumango si mama at mas binilisan pa ang paglalakad pauwi.

Hanggang sa naiwan ako dito sa tapat ng botika ni Aling Ralei. Grabe naman si papa kung ganun, alam naman niya siguro na biktima lang ako kaya bakit niya ako papaluin? Malaki na rin ako at hindi na dapat pinapalo ang gaya ko.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now