Game 19

371 43 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Nakaposas na nang magising sila Galio na parehong magkakatalikod na nakaupo sa sahig. Nagtawag kasi ang isang tindahan na malapit sa amin ang ginawang pang gugulo nila Galio dito sa bayan.

Galit at inis ang makikitang reaksyon sa mukha nila habang nakatingin sa akin at dito sa lalaking katabi ko. Kanina ko pa sinasabi sa lalaking ito na umalis na para hindi madamay pero nanatili siyang nasa tabi ko.

Nang muli akong mapatingin kila Galio ay hindi ko na naman maiwasang makonsensya, putok ang labi ni Galio samantalang 'yung Udyl naman ay namamaga ang noo, may hiwa din sa kilay niya at tumuyo ang dugo. Dun naman sa dalawang lalaki pa ay parehong namimilipit sa sakit ng batok dahil sa malakas na pag hampas ko.

Hindi naman kasi aabot ang lahat sa ganito kung pinaalis na lang nila ako ng matiwasay.

Patong patong na din pala ang kasong kinahaharap nila at dahil sa galing makipaglaban at takbuhan ay nakakatakas sila sa mga pulis at sa mga guwardiyang humahabol sa kanila parati.

Nagpasalamat pa ang ilang pulis sa amin dahil sa ginawang ito kila Galio, hindi ko na piniling magsampa ng kaso dahil sa ginawa nila sa 'kin dahil patong patong na nga ang kasong kahaharapin nila sa gobyerno. Dadagdagan ko pa ba? Hahaha.

"Vegeiaaaaaa!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun at nakita si Cazelane na tumatakbo palapit sa 'kin.

Kasama niya si Bodhi at ang mga kasamahan namin na bakas ang pag aalala sa mukha at pagkamangha rin ng tignan sila Galio kasama ang ilang mga pulis.

Nauna sila Cazelane at Daryo na makalapit sa akin na kinamusta ang kalagayan ko. Napayakap naman si Bodhi sa 'kin ng makalapit siya.

"Kamusta? Okay ka lang ba? Sorry kung iniwan ka namin ni Bodhi, natagalan din kaming hanapin sila Daryo kaya hindi ka namin nabalikan kaagad. Sorry Vegeia" anang Cazelane na malungkot na nakatingin sa 'kin.

"Ako ang kusang nagpalayo sa inyo Cazelane haha. Tsaka okay lang, ligtas naman na ako at walang nangyaring masama sa 'kin. Dadalhin na rin sa police station sila Galio!" tumango tango ito sa sinabi ko at napapunas pa ng pawis sa noo dahil sa ginawang pagtakbo.

"S-sorry Vegeia..hindi namin napansin na nawala kayo sa paningin namin. Hinanap namin kayo pero masyadong maraming tao kaya nahirapan kami, saka na lamang namin nalaman ang nangyari sa inyo ng humahangos na lumapit sa amin si Cazelane at Bodhi at sinabi ang nangyari sa inyo. Sorry talaga Vegeia, nangako pa naman ako kila tita Vega at tito Samuel na poprotektahan at aalagan kita dito pero hindi ko nagawa" mahabang madamdaming sinabi naman ni Daryo at saglit pa akong yinakap na tinapik ko lang ang balikat.

"Okay lang" pilit na ngiti ang naibigay ko dito, maging sa mga kasamahan namin.

Napagdesisyunan na din naming umalis na at bumalik na sa suite namin dahil baka hinahanap na kami nila nanay Matilda. Tirik na din ang araw at mukhang lumampas na kami sa limang oras na paalam namin sa mga naiwan sa suite.

"Takaw disgrasya kasi!" bored kong tinignan si Mareen na nakatingin sa grupo nila Galio na pinapasok sa police mobile.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at humarap ako dun sa lalaking nakatingin pala sa 'kin bago ako sumunod kila Daryo.

"Salamat sa tulong mo kahit hindi ko naman talaga kailangan ng tulong. Kaya ko naman kasi ang sarili ko, pero salamat pa rin..?" bahagya pa akong huminto ng maalalang hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Favroe..Favroe is my name, it's my pleasure to help you even you don't need it hahaha" tumango ako dito at muling nagpasalamat bago ko siya tinalikuran at lumapit kila Bodhi at Cazelane na naghihintay sa 'kin.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon