Prologue

2K 71 0
                                    

Third Person's POV

Simple ang pamumuhay, patakaran at pamamalakad sa isang sikreto at mayamang bansa na tinawag na Wamikoe. Lahat ay nagkakasiyahan at gabi gabi ay nagkakaroon ng piging kahit wala naman dapat ipagdiwang.

Mula sa isang mahirap na lungsod ng Loxano ay masayang namumuhay ang pamilya Reatha, sa isang hindi kalakihang bahay sila nakatira at iisipin mong isang pamilya lamang ang nakatira doon ngunit hindi.

Ang apat na magkakapatid na lalaki na Reatha kasama ang kanilang asawa't mga anak ay nanirahan sa isang bahay. Masikip man at salat sa buhay ay nagagawa pa rin nilang ngumiti at tumawa. Hindi mahalaga sa kanila ang yaman dahil hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pera.

Sapat na rin para sa kanila ang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Kulang man din sila sa edukasyon ay hindi naman sila mangmang at ignorante sa kahit anong bagay.

Ang tanging hanapbuhay ng mga lalaki sa kanila ay pagtotroso, pangingisda at pagtatanim. Samantalang ang kanilang mga asawa ay naghahabi ng mga tela, mga punda ng unan at kumot, maganda ang pagkakagawa kaya tinatangkilik ng lahat.

At dahil ginugunita ngayon ang kaarawan ng pinuno ng lungsod ng Loxano ay nagkaroon ng isang malaking piging sa bayan. Ang lahat ng mga tao ay nagbibigayan, nagkakantahan, nagsasayawan at nagmamahalan.

"Saan ka pupunta Vegeia?" malakas na sigaw ng ginang sa bunso nitong anak ng makita niyang palabas ito ng kanilang bahay.

Si Vegeia ang bunsong anak ng panganay na lalaki sa mga Reatha, malambing ang batang si Vegeia kaya halos lahat ay kinagigiliwan siya.

"Maglalaro lang po sa labas!" nakangiti nitong sambit sa ina, hindi na nito hinintay na magsalita ang ina at lumabas na.

Napailing-iling na lang ang ginang sa tinuran ng anak at inutusan ang panganay na anak na babae na sundan ang kapatid sa labas. Sa isip-isip pa ng ginang ay dapat hindi basta basta lumabas ang kanyang anak dahil maraming tao sa labas at baka kung mapano ito.

Nang makalabas naman ang nakatatandang kapatid ni Vegeia ay hinanap na niya 'agad ito at ilang segundo pa lang ang lumilipas ay nakita na niya itong nanonood sa sayawan ng mga kalalakihan at kababaihan 'di kalayuan sa kanilang tahanan.

Akmang lalapit na ang dalaga sa kapatid ng mapatigil siya dahil sa malakas na dagundong na pumalibot sa buong lungsod ng Loxano. Maging ang ilang mga tao sa lungsod na nagkakasiyahan at nagsasayawan ay napatigil dahil sa narinig na malakas na tunog.

Muling tumahimik ang paligid na ipinagkibit balikat ng mga tao at babalik na sana sa pagsasayaw ng muling marinig ang dagundong na tunog na iyon na mas malakas pa kesa kanina.

Hanggang sa nagkaroon ng malaking butas sa sahig at gumalaw ang mga lupa. Lumakas din ang ihip ng hangin na ikinasayaw ng mga halaman at puno. Ang kaninang masayang lungsod ng Loxano ay napalitan ng sigawan at hiyawan habang tumatakbo pabalik sa kanilang mga tahanan.

Ang ilang mga tahanan na gawa sa puno ng niyog at kawayan ay nilamon ng lupa, ang ilang mga nagtatakbuhang tao din ay nahuhulog sa malaking butas na nabuo sa sahig.

Panandaliang nawala ang dagundong na tunog at pagkabitak bitak ng lupa na ikinakilos ng dalaga palapit sa bunsong kapatid na naiiyak na nakatingin sa kanya.

Ngunit sa paglipas ng ilang segundo ay may lumabas sa malaking butas na nabuo sa sahig, isang grupo ng mga hindi normal na tao.

Nagsimula silang maglibot at kunin ang mga batang nadadaanan kaya napatakbo ang dalaga sa kapatid ngunit huli na ang lahat, nakuha na ito ng isang babae kaya napilitang lumaban ng dalaga ngunit napasalampak lang din ito sa sahig dahil sa malakas na tama ng kung anong bagay sa ulo niya.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now