Game 25

351 37 0
                                    

Edited

Cazelane's POV

Paika-ika akong tumakbo habang naghahanap ng matataguan palayo at para mag-tago sa magpinsang Eoron at Rodion. They keep chasing me and I don't know why! I'm fvcking tired and I have a bleeding wound on my shoulder and left leg because of those damn darts of Eoron!

Wala akong ideya kung bakit ako ang inaatake ng dalawang mokong na 'yun!

Napahinto ako sa pagtakbo sa isang horror mansion. Hindi na ako nag dalawang isip pa at kaagad na akong pumasok sa isang tinayong mansion dito sa malaking perya.

Hindi ko na magawang ipaliwanag kung ano ang kabuoan ng loob ng mansion dahil namimilipit na ako sa sakit ng mga nakabaong darts sa balikat at binti ko.

Masyadong mabilis ang laro. Hindi man lang kami nagawang ihanda o sabihan man lang na ngayon na ang umpisa ng laro!! Nakakabanas!

Habang nakasalampak sa sahig ay dahan dahan kong tinanggal ang darts sa binti at balikat ko, masakit pero kakayanin ko!

*tok*tok*tok*tok*

Pagkatapos kong matali ang pinunit na manggas ng suot ko sa balikat at binti ko ay 'agad na akong napatago sa ilalim ng mahabang mesa na may puting mantel na umabot sa sahig dito sa hapag kainan.

Kasabay ng pagbabalik ng kaba sa sistema ko ay nawala ang magkakasunod na katok sa pinto at ngayon ay tunog ng dahan-dahang pagbukas ng pinto ang narinig ko.

Kung hindi ang magpinsan na 'yun ang pumasok sana mabuting tao 'yun. O kaya sana si Vegeia na lang! Natatakot na ako peste naman oh!

Wala sa plano ko ang mamatay sa ganitong laro! Cannot be. Naghihintay 'yung may sakit kong ina at tatlong nakababata kong kapatid sa labas. Ako na lang ang aasahan nila, kaya laban! Laban lan---.

"A-arghhhhhhh!" malakas na sigaw ko nang may humablot sa buhok ko at hinila ako palabas ng ilalim ng lamesa!

At doon ko nakita ang taong humila sa akin palabas ng ilalim ng lamesa, "Ha ha ha ha ha ha ha!" nabalot ng dalawang tawa ng lalaki ang buong dining hall namas lalong nagpakabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot.

"Hindi ka makakatakas sa amin, Cazelane! Hahaha!!" malawak na ngiti ang ibinigay nito sa akin bago ako marahas na patayuin mula sa pagkakasalampak sa sahig.

"I'm b-begging you E-eoron...pl-please let me..let me free" pinagdaop ko pa ang dalawang palad ko at nagmamakaawa siyang tinignan na nginitian si Rodion.

Nang umiling si Rodion ay mas lalong lumawak naman ang ngiti ni Eoron, akmang magsasalita na ako ng binalibag ako pahagis sa pader ni Eoron.

Siya na ngayon ang may mas malakas na tawa sa kanilang dalawa ni Rodion na may hawak na footmans mace at may beretta vertec na baril na nakaipit sa pantalon niya.

"A-a-ahhhh..acckkkk!" pakiramdam ko ay matatagal 'yung buhok ko sa pinaka-anit nito sa sobrang rahas ng pagkakasabunot ni Eoron muli dito.

"L-let me go..p-please...please let me g-go Eo-eoron" tumawa silang dalawa at parang hindi narinig ang sinabi ko.

Hinang-hina na ako at gusto ko nang magpahinga. Kanina pa man din nagkukumawala ang mga luha ko simula kanina. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang makaranas ng bagay na ito ngayon.

"Kuya Caze! Kuya Cazeee! Mangako ka!! Ipangako mo sa amin sa mismong sisidlan ng abo ni ama na babalikan mo kami, na mananalo at makakalabas ka mula sa labang iyon. Ipangako mo kuya!"

"Iingatan mo ang sarili mo dun kuya Caze! Maghihintay kami sa pagbabalik mo"

"Uya Kez...m-malal nha..m-m-mal..ketha.."

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now