Game 17

378 41 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Mababakas ang saya at pagkapanabik sa mga taong nakakasalubong namin dito sa bayan ng Umacrus. Nagkalat sa paligid ang mga makukulay at maiilaw na bandiritas na nakasabit sa kable ng kuryente.

Ang ilang tindahang nadaanan din namin ay may makukulay na trapal o telang nakasabit sa pintuan at bintana.

Ang mga babae ay naka kalat sa paligid na tanging bra at undie lang ang suot at ang mga lalaking naka underwear. Wala silang pakielam kung pinag titinginan sila ng mga taong nakapaligid sa kanila. Kagaya sila nang mga taong sumalubong sa amin o baka nga isa pa sila doon.

Iilan din sa mga taong nasa bayan ay nakikipag-palitan na nang laway sa kung sino-sinong taong makakasalubong nila na pumapayag din naman. Nakakadiri na ewan.

Hindi man lang nila respetuhin ang sarili nila, baliw nga talaga sila! Ito siguro 'yung usap-usapan sa labas na marami ang natatakot na pumasok o pumuslit sa Umacrus, marami ang hindi nakakalabas ng buhay dahil sa ganitong pamumuhay at gawain ng mga tao. Para silang lulong sa ipinagbabawal na halamang gamot.

Iniwas ko na ang tingin sa kanila. Wala kaming training ngayon dahil pinag-hahanda kami ng kawani ng gobyerno para bukas. Bukas na kasi ang Zanaxamyr, bukas na ang laban. Ang laban na kung saan ay hindi malalaman ng manlalaro kung mabubuhay o mamamatay siya.

Kung anong oras at sa paanong paraan siya mamamatay o papatayin ng kapwa manlalaro niya. At isa na ako doon, hindi ko maiwasang matakot at kabahan, pero isa lang ang ipinapangako at sinisiguro ko, hindi ako mabibilang sa mga nakahandusay sa sahig na wala ng buhay.

"M-medyo nakakailang 'no? Hahahaha!" naiilang na sambit ni Jesusa habang nandidiring nakatingin sa dalawang babaeng nagpapalitan ng laway na nakadaanan namin.

"Tsk..Eoron! Daryo! Irwin!! Umayos nga kayong tatlo!!" ngiti lang naisukli nung tatlo kay Mareen na halata mo na din ang inis.

Sina nanay Matilda, nanay Ralei at tatay Leo lang ang hindi naming kasamang mamili at mamasyal ngayon. Mas pinili nilang tatlo na magpahinga, iipunin daw kasi nila ang lakas nila para bukas.

Napatingin naman ako kay Bodhi ng mas sumiksik siya sa gilid ko. Nginitian ko siya bago ko siya hinarap sa sarili ko at inilagay ang dalawang kamay ko sa magsigilid ng mga mata niya.

Maging siya ay naiilang at hindi natutuwa sa nakikita niya sa paligid, kahit sino naman siguro eh, wala rin kasing mga ganitong askyon sa Jeneiland kaya talagang hindi kami sanay at makakaramdam ng pandidiri sa kanila. Pero kung taga dito lang siguro kami sa Umacrus ay hindi na kami maiilang ng ganito.

"Hi miss beautiful hahahaha!"

"Miss paisa naman oh! Hindi ka mag sisisi dito, malaki 'to at hihilingin mong umisa pa pag katapos hahahaha!"

"Ang gaganda 'no pare! Ang sarap lahat ikama haha!"

"Oo, lalo na 'yung nakaitim na t-shirt sa grupo nung mga 'yun hahahaha!"

"Gagooo! Hindi naman babae 'yun eh. Binabae 'yan hahahaha!"

Tinignan ko ang mga kasamahan ko kung may naka-itim ba sa amin pero tanging ako lang ang nakasuot nang itim na t-shirt. Hindi na ako nagtaka dahil sa grupo namin siya nakaturo ng lihim na mapatingin ako sa nagsalitang 'yun.

Hindi lang naman kasi sila ang ganung makatingin sa amin. Ang ilang nakakadaanan din namin ay ganyan ang reaksyon at nakakatakot ang mga tinging ipinupukol sa amin kanina pa.

Pananabik ang makikita sa mga mata ng ilang kalalakihang nakatingin sa grupo namin. Napapakagat labi naman ang ilang mga kababaihang napapatingin kila Eoron, Daryo at Irwin na puro ngiti lang ang isinusukli.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora