Game 11

458 48 1
                                    

Edited

Vega's POV

Bilog na bilog ang buwan sa kalangitan, senyales nang isang masaganang ani at kapayapaan sa buong lungsod ng Jeneiland, pero taliwas ang nararamdaman ko ngayon.

Walang kapayapaan sa sistema ko at nilulukob lang ako ng pangamba at takot para sa anak ko. Bakit pa kasi si Vegeia. Ang dami-dami namang tao dyan, bakit ang anak ko pa!?

Alam kong malakas si Vegeia, may tiwala ako sa kanya pero wala akong tiwala sa mga kasamahan niya, lalong lalo na sa anak ni Budang na si Mareen. Wala din akong tiwala sa ibang manlalaro ng ibang lungsod.

Natatakot din ako na baka..na baka hindi niya makayanan ang labang tatahakin niya. Natatakot akong hindi ko na siya muling makita at mahawakan pa.

"Mahal?" lumingon ako kay Samuel na nakatayo sa likod ko habang may hawak na tasa ng tsaa, ngunit 'agad ko ding ibinalik ang tingin ko sa kalangitan.

"Huwag mo ng isipin ang anak natin, makakaligtas siya, makakaya niya ang labang iyon" bahagya akong umiling dito at kahit anong sabihin niya o pagpapakalma niya ay hindi mawawala sa sistema ko ang mag-aalala para kay Vegeia.

Minsang nang napahamak ang anak namin, dalawang beses na may aksidenteng nangyari sa kanya na hindi niya ikinawala sa amin ngunit ang bagay na ito ang kinakatakot ko. Baka sa pangyayaring ito ay tuluyan na siyang kunin sa amin nang diyos.

Bukod pa sa masasabak ang anak namin sa isang laban ay may isa pang dahilan ang takot na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi lang naman iyon ang iniisip ko, mahal" kumunot ang noo nito at tinanong ako kung ano pang dahilan, "Si Arkendro, natatakot akong mag krus ang landas nila" dugtong ko dito at tsaka ko siya hinarap.

Hindi naman lingid sa kaalamanan namin na si Arran Nakendro o mas kilala naman na Arkendro na siya na ngayon ang Presidente ng Umacrus at ng buong Wamikoe. Siya na ang nakaupo sa posisyon ng kanyang yumaong ama, apat na taon na ang nakakalipas.

Hindi rin malabong hindi magkrus ang landas nila, kapwa silang dalawa na nasa Umacrus at ang anak ko ay isang manlalaro ng Zanaxamyr. Natatakot akong mapahawak na naman ang anak ko dahil sa lalaking iyon!

Kung magkikita sina Vegeia at Serent ay mas ikakatuwa ko pa ang bagay na 'yun. Alam kong hindi naman maaalala ni Vegeia si Arkendro pero natatakot pa rin ako. At mas lalo pang lumalaki iyong takot at kaba ko nang malaman namin na nasa Umacrus na rin ang pamilya Thelsorias.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yun, baka mapahawak na naman ang anak na---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang yakapin ako ni Samuel

Unti-unti akong napakalma ng natural na amoy nito kaya inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Napapagaan na naman ng init ng katawan niya ang nararamdaman ko.

"Kung mangyayari man ang bagay na 'yun, kailangan nating tanggapin. Hindi matatakbuhan ni Vegeia ang nakatadhana sa kanya" tanging pagtango na lang ang naisagot ko dito.

Maaari ngang nakatadhanang mangyari ito, kung magkakaharap man ngayon si Vegeia at Arkendro, hinihiling ko lang na sana ay muling hindi mapahamak ang anak ko, sana alagaan siya ni Serent kung magkita man sila.

Vegeia's POV

Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin habang pinupunasan ang basa kong buhok. Hindi ako madalaw-dalaw ng antok kaya naisipan 'kong maligo at hindi ko din naman pinag sisihan dahil napakaganda ng paliguan rito.

Ngunit kanina pa ako nakatunganga dito sa loob ng kwarto ko sa second floor. Wala akong magawa, ayoko naman kasing lumabas ng mag-isa. Dapat talaga sumama na lang ako kay Daryo, edi sana pala kahit papano ay nagkaroon kami ng bonding dalawa. Tsk.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now