Game 28

335 35 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

Tanging pag-iwas lang ang ginagawa ko habang pinapaulanan ako ng sapak at sipa ng isang lalaki na tiyak kong sa Macritono nanggaling. Hinihintay ko lang na mapagod ang lalaki at kusang sumuko, ayokong manakit, ayokong makapatay kaya mas gugustuhin ko na lang na ang kalaban ang sumuko sa akin.

Pero nakakapang hinayang lahat ng tinuro ni papa sa akin dahil hindi ko ginagamit ngayon. Naiisip ko ngayon siguro ay napapailing ito habang pinapanood ako sa telebisyon na nakikipaglaban.

Hindi ko din maiwasang maisip ang mga sinagot ko kay Ruce Alpers sa Darken Hall, paulit-ulit iyong naglalaro sa isip ko at tila walang kapaguran.

"Those were my two fvcking goals before the game starts! Another Vegeia version they will see at the start of this fvcking battle!"

Pilit kong hinahanap at tinatanong sa sarili ko kung 'asan na 'yung another Vegeia version. Kanina pa nagsimula ang laro at hindi ko pa nakikita ang Vegeia'ng 'yun. O marahil kaya hindi ko nakikita dahil nagtatago siya at iyon ang mas gusto ko munang mangyari.

Ayokong mamatay, pero mas ayokong makapatay, siguro kaya ko nasabi ang mga 'yun sa Darken Hall eh dahil dala ng kaba at excite sa laban, hindi ko na naisip ang mga lumalabas sa bibig ko nun basta ang alam ko nun ay punong puno ako ng kumpiyansa sa sarili ko.

Pero 'yung kumpiyansa sa sarili ko na iyon ay para sa pagkapanalo ko at manatiling buhay, hindi para sa pagpatay o pananakit sa ibang manlalaro.

Natatakot akong mamatay pero mas natatakot din akong makapatay. H-hindi ko kaya o hahayaang madungisan ang mga kamay ko, hindi ko kaya!

Si-siguro nga kaya ko pero natatakot lang ako.

"Puro ilag at pagsangga na lang ba ang gagawin mo? Tsk! Ang hina-hina mo naman! Hindi ka na lang sana binuhay ng mga magulang mo! Hahaha!" napatigil ako sa kinatatayuan ko na ilang metro ang layo sa kanya.

"Hindi ka na lang sana binuhay ng mga magulang mo! Hahaha!"

"Hindi ka na lang sana binuhay ng mga magulang mo! Hahaha!"

"Hindi ka na lang sana binuhay ng mga magulang mo! Hahaha!"

"Hindi ka na lang sana binuhay ng mga magulang mo! Hahaha!"

Apat na beses. Apat na beses na pumasok sa kokote ko ang mga huling katagang sinambit niya. Apat na beses ding panandaliang tumigil ang pagtibok ng puso ko.

Apat na segundo ang lumipas bago ko napagtanto ang nais iparating niya! Apat na minuto bago ko naramdam ang kung anong pakiramdam sa kalooban ko.

Aaminin kong ngayon ko lang naramdaman ang bagay na 'to at hindi ko hiniling na maramdaman ito. Natatakot akong masaktan ang lalaking nasa harap ko nayon.

Ngunit parang may sariling isip ang katawan ko at agarang binunot ang kutsilyo sa likurang bulsa ng pantalong suot ko at mabilisang tumakbo sa lalaking nagsambit ng salitang hindi nagustuhan ng kalooban o nang utak ko!

Dinaplisan ko nang kutsilyong hawak ko ang magkabilaan niyang palapulsuhan at pinuntirya ang isang ugat niya dun.

Nang madaplisan ang mga ugat na pinuntirya ko ay pumalahaw siya ng sigaw at hindi magawang igalaw ang dalawang kamay. Sinunod ko naman ang dalawang ugat niya sa likuran ng paa niya na ikinatumba niya.

Mas lumakas ang sigaw niya at halos tumulo na ang mga luha at sipon niya. Malayong-malayo na siya sa kaninang nakangising mukha niya na tila nagyayabang pa.

Naglakad ako palayo sa kanya at sinukbit ang backpack ko, ngunit bago pa ako tuluyang makalayo ay bahagya akong tumagilid at binato ang kutsilyo papunta sa kanya.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now