Game 55

280 32 0
                                    

Edited

Vegeia's POV

N-nagkamali ako! Hindi anak ni mama sa labas o sa ibang lalaki si Ms. Argery, wala sa sariling napatayo ako sa pagkakaupo sa kama at napahilot sa sintido ko. Naikwento na nila sa akin ang lahat pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi...kapatid ko raw si Ms. Argery, totoong kapatid na nanggaling sa kanila ni papa.

At hindi raw Argery Gersemi ang totoong pangalan niya, ginamit niya lang daw 'yun para makapasok sa Umacrus at sa pamilya Mourthine, upang...upang pag-aralan daw lahat ng mga taong sumira sa buhay ko...noon.

Hindi ko alam kung nagjojoke ba sila o pinaglalaruan lang nila ako pero...p-pero ramdam ko 'yung sinsiridad sa mga binitawan nilang salita at kilala ko si mama, kahit palabiro at may pagka isip bata siya minsan ay alam ko kung kailan siya magbibiro o magseseryoso.

"Alam kong mahirap paniwalaan Vegeia, pero totoo lahat ng mga sinabi ko, nang mawala ang alaala mo dahil sa malalang kumplikasyon sa utak mo ay umalis ako upang ipaghiganti ka sa mga taong sumira sa buhay mo at sa pumatay sa angkan natin" muli akong napaupo at napapikit, pilit kong inaalala ang lahat ng mga sinasabi niya pero wala talaga, wala akong makita o maalala nung mga bagay na sinasabi niya---nila ni mama.

"B-bakit..bakit hindi kita maalala, lahat ng mga sinasabi mo ay hindi ko naaalala, hindi ko na alam kung anong dapat kung paniwalaan" akmang lalapit sa akin si mama ngunit natigilan siya ng umiling ako.

"Naaksidente ka noong siyam na gulang ka palang, maniwala ka man o sa hindi ay sa edad mong iyon ay nagkaroon ka ng kasintahan, si Arran, 'yung presidente ng Umacrus ngayon, nangyari 'yung aksidente nung papunta kayo ng Macritono dahil dadalo kayo sa isang pagdiriwang doon ngunit na-ambush kayo, swerte na lang dahil galos lang ang mga nakuha niyo kahit nahulog ang sinasakyan niyo sa bangin. Pangalawa ay walang dugong Jeneis na nananalaytay sa dugo mo o dugo natin, dahil sa Loxano tayo nanggaling, sa lungsod ng Loxano tayo nagmula" mahabang salaysay ni Ms. Argery o mas tamang sabihin kong Serent Venus.

Gusto kong matawa pero hindi ko magawa, sa edad ko noong siyam na taon ay nagkaroon pala ako ng kasintahan at ang president pa ng Umacrus ngayon. Ibig bang sabihin nito ay 'yung nakita kong dalawang lalaki sa isip ko nung sumakit ang ulo ko bago kami pumunta sa Tenth Tower ay ako at si President Arran? Kaya rin ba dahil parang pamilyar sa akin si President Arran?

At ito pa, hindi ako o kami mga Jeneis, na walang dugong Jeneis ang nananalaytay sa dugo namin, na nagmula kami sa lungsod ng Loxano, sa lungsod na ngayon ko lamang narinig at nalaman.

"Makalipas lang ang isang taon ay nangyari ang hindi natin inaasahang paglusob ng mga taga Hesrians, at ikinalulungkot ko at hanggang ngayon ay nagsisisi ako kung bakit hindi kita nailigtas sa mga kamay nila noon kahit pa sabihing wala naman silang ginawang masama sa iyo, nang madukot ka ay saka dumating ang mga taga Umacrus, winasak nila ang lungsod natin, pinatay nila ang buong angkan ng Reatha, sa pangunguna ng pamilya Mourthine at Thelsorias, na silang mga malalakas at matataas na pamilya sa bansang ito" dugtong pa nito.

Hindi ko magawang makapagsalita o hindi ko alam kung anong ire-react ko sa mga sinasabi ni Serent Venus, dinadigest pa ng isip ko lahat, mahirap lahat paniwalaan.

"Si Ratzenace" napaangat ako ng ulo dahil sa sinabi ni mama, nagkatinginan sila ni Serent Venus at parang nag-uusap pa gamit ang mga tingin, nang wala silang balak na magsalita ay pumagitna na ako.

"Sino at anong meron kay Ratzenace?" hindi ko alam pero nang banggitin ko ang pangalan na 'yun ay pumintig ang puso ko, may kung ano akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag.

"Bago ko ipagtapat sayo kung sino si Ratzenace ay gusto kong sabihin sayo anak na mahal na mahal kita, na kahit anong gawin mo o ninyo ni Venus ay nandito lang ako, kami ng papa niyo sa tabi niyo parati, susuportahan namin kayo kahit anong mangyari" parang kinabahan ako ng sabihin iyon ni mama, ano ba talagang meron sa R-ratzenace na 'yun..sino siya?

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now