Game 43

294 32 0
                                    

Edited

Lcott's POV

Matapos kong mapatay ang dalawang halimaw na nakaharang sa daraanan ko ay mabilis na akong naglakad papunta sa pinag-iwanan ko kay Cazelane, sana hindi siya umalis doon dahil mas lalo akong mahihirapang hanapin siya.

Delikado na din sa buong barko dahil padami na ng padami ang mga halimaw sa paligid.

"P-paano kayo nakakasiguro na ako nga si Reatha?" hindi ko na nagawang ituloy ang pagbaba ko sa cabin ng barko dahil sa narinig kong boses ni Cazelane na tila may kinakausap.

Sumilip ako sa loob at doon ko nga nakita si Cazelane, kaharap ang..silver knights? Paano sila nakapasok dito at anong ginagawa nila dito?

"Huwag kang mag alala, hindi kami masamang tao, ipinautos lang sa amin ito kaya sumama ka na sa amin."

"Tama si Reesi, ginagawa namin ito para sa kapakanan mo Reatha, maaari kang manalo sa bagay na ito, ngunit kapag namatay ang kawangis mo na lalaban dito sa Zanaxamyr ay kailangan mong umalis ng bansa upang walang maghinala."

Nandito sila para iligtas si Reatha, nandito sila para ilabas siya sa Zanaxamyr para manatiling buhay kahit na mamatay ang ipapalit na pekeng siya dito sa loob.

Sa pagkakatanda ko ay kamatayan ang magiging parusa sa kung sino man ang mandadaya o mangingielam sa Zanaxamyr. Sino kaya ang nagpautos sa silver knights.

"Hinihintay na tayo nila Argery at President Arran, kaya tara na Reatha!" rinig ko pang sabi ng isang babae.

Si Argery Gersemi at President Arran ang nag utos sa kanila? Pero bakit, anong koneksyon nila kay Reatha at kailangan pa nilang gawin ito? Bakit kailangan nilang mangielam sa Zanaxamyr? Ganun ba talaga sila katakot na mamamatay si Reatha sa laban.

Kahit hindi ko naman lubos na kilala si Cazelane ay alam kong malakas siya, sadyang natatakot lang talaga siyang makapanakit ng ibang tao kaya hindi siya lumalaban. Hindi niya kailangang sumama sa silver knights.

Nang muli akong sumilip sa loob ay nakita ko ang pagpasok nilang lahat sa isang portal ngunit bago iyon ay may inihagis si Imogen Saau sa sahig na nagsanhi ng isang malaking usok at lumabas ang isang tao na kawangis ni Cazelane.

"Cazelane Osmond ang buo kong pangalan, nakatira sa Jeneiland. Ang kadalasang hanapbuhay ko ay paglalaba ng mga damit ng kapitbahay namin, minsan naman ay naglalako ako ng dyaryo. Masaya sa Jeneiland at pinapangako kong dadalhin kita sa lungsod na kinagisnan ko"

Muling nagbalik tanaw sa isip ko ang mahabang salaysay na iyon ni Cazelane sa akin habang naglalakad kami palabas sa court ng second level.

Ngayon ko lang napagtanto na Osmond ang apelyido niya at hindi Reatha..sino si Reatha? Pero ang mas gumugulo sa akin ngayon ay nagawa ni Cazelane na magtraydor, nagawa niyang mag sinungaling.

Kahit alam naman niya sa sarili niyang hindi siya si Reatha ay sumama pa rin siya, hindi niya sinabi ang totoo sa silver knights. Marahil ay hindi ko pa nga talaga lubos na kilala si Cazelane, hindi ko inaasahan na may ganito pala siyang katauhan.

Magagawa niyang magsinungaling at manloko ng ibang tao para lang makalabas sa Zanaxamyr at manatiling buhay. Nagawa niya ring agawin ang isang bagay na nararapat para kay Reatha.

Kailangan kong malaman kung sino ang Reatha na ito, kailangan niyang malaman ang ginawang pagtataksil ni Cazelane sa kanya. Nagkamali ako ng pagkakakilanlan kay Cazelane, kung alam ko lang na gagawin niya ito ay dapat pinatay ko na siya nung una pa lang!

Hindi ko na hinintay na makalabas ang pekeng Cazelane at maabutan ako dito. Umakyat na ako muli habang hawak ang trident ko na kanina pa naliligo sa dugo ng mga halimaw.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now