Game 7

556 42 2
                                    

Edited

Vegeia's POV

Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang may kung anong ingay akong naririnig sa labas. Nang tignan ko ang orasan na nasa maliit na lamesa sa gilid ng kama ko ay nakita kong ala syete palang ng umaga.

Naghilamos at nagmugmog muna ako bago ako lumabas ng kwarto ko at bumungad sa akin sila mama at papa na nakadungaw sa balkonahe sa labas ng bahay. May tinatanaw na kung ano.

"Anong meron?" tanong ko sa kanila nang makalapit ako, hindi ko na din sila nagawang batiin dahil gusto ko kaagad na malaman ang nangyayari.

"Naghahanda na ang mga tagasilbi at guwardiya ng Umacrus..ngayong buwan ang ika-tatlongpu't pitong taong anibersayo ng kapayapaan at pamamahala ng gobyerno sa Wamikoe. Bukas idadaos sa bayan ang Myrd Day" napatingin ako sa mga naglalakihang truck ng Umacrus na patungo ngayon sa bayan.

Gaya nga ng inaasahan ko, bukas na ika-siyam ng Agosto ang Myrd day, iyon ang tawag sa araw na magkakaroon ng pilian o bunutan ng magiging manlalaro ng Zanaxamyr mula sa bawat lungsod.

Lahat ay kasali, mula bata hanggang sa matanda, may sakit man at paralisado. Kung mabubunot ang isang taong hindi matanggap ang sinapit niya ay isang paraan lang meron para hindi makapagpatuloy sa paglalaro sa Zanaxamyr.

Ang mamatay, ang makita nilang wala ng buhay ang taong 'yun. Ngunit magiging makasarili ang taong gagawa ng bagay na 'yun, dahil muling pipili ng papalit na manlalaro sa kanya. Hindi kasi magiging patas kung hindi labing tatlo na manlalaro ang isang lungsod.

Limang lungsod lang ang kabilang sa larong ito, ang Macritono, Eatha, Arotbil, Potelmak at ang Jeneiland. Mula sa limang lungsod na ito manggagaling ang labing tatlong manlalaro na sasabak sa Zanaxamyr.

Hindi kabilang sa magkakaroon ng manlalaro ang Umacrus o maging ang Meir.

"Tumungo tayo ngayon sa bayan Vegeia at nang makabili tayo ng mga susuotin natin bukas" tumango lang ako kay mama at sinabing maghahanda lang ako.

Naunang nagpaalam si papa dahil may trabaho siya ngayon sa bukid. At ilang sandali lang din ay tapos na kaming maghanda ni mama, sinarado muna namin ang pinto ng bahay bago kami pumunta sa bayan.

Ibang-iba ang araw ngayon, napapaligiran na ang bawat daraanan ng mga armadong guwardiya ng Umacrus. Sa isang banda din ay may inaayos na hindi kalakihang entablado sa harap ng Jeneiland hall.

Malayong-malayo sa nakagisnang bayan ng Jeneiland. Si mama na ang pinapili ko ng mga susuotin naming tatlo habang ako ay nagtitingin tingin sa paligid. Napatigil lang ako sa paglilibot-libot ng makita sila Daryo at Ennisa sa tindahan ng sapatos.

Kapwa silang dalawang nakatingin sa 'kin at hindi ko na hinintay na makalapit sila sa akin dahil ako na ang lumapit.

"Namimili rin kayo?" 'agad na tanong ko sa kanila na ikinatango nila, "Kinakabahan ako sa mangyayari, feeling ko mabubunot ako hahaha" kahit na tumawa si Ennisa ay ramdam ko ang takot sa kanya.

"Hindi naman siguro, libo-libo ang mamamayan ng Jeneiland at hindi nga tayo nakakasiguro na bunutan muli ang mangyayari" sagot ko dito na sinang-ayunan namin ni Daryo.

Napatingin ako sa hawak ni Daryo'ng sandals na pangbabae, "Ang swerte ng girlfriend mo, binibilhan siya ng boyfriend niya ng sandals" gulat naman itong napatingin sa hawak niya at pabatong binalik sa lagayan ng mga sandals.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora