Game 38

301 36 0
                                    

A/N: Sa mga nakakaalam o unang bumasa/nakabasa ng Zanaxamyr: Government's Game Series (Prologue), ganun pa rin po yung nangyari pero mas nauna po yung aksidente at hindi ang pagdukot kay Vegeia. Kaya ko po binago ang prologue ngayon, sana ay naintindihan niyo at hindi kayo malito sa kwento. Enjoy reading!

- - -

Edited

Vegeia's POV

Virus

Ang sarap sa pandinig nang huni ng mga ibon, ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko na gumigising sa buong diwa ko at kasabay ng pagdilat ko ay muli ko na naman naramdam ang bigat ng posteng tumumba sa paahan ko.

Hindi ko magawang maigalaw ang paa ko dahil nakabaon iyon sa nakakrus na dalawang poste.

Natapos na ang sakunang humagupit sa buong paliparan, hindi ko nagawang makahanap ng diyamanteng kristal paalis sa ikatlong lebel. Nakakatiyak rin ako ngayon na nandito pa rin ako sa ikatlong level at ang magandang balita ay buhay pa rin ako, buhay pa rin ako matapos ng sakuna.

Muli kong sinubukan itulak ang poste paatras para mahila ang paa ko ngunit masyado iyong mabigat, hindi sapat ang lakas ko, lalo pa't nanghihina pa rin ako.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin ngayong hindi ako nakaabot sa fourth level.

Wala naman kasing nabanggit si Mr. FHanston sa bagay na ito, hindi niya naipaliwanag ang mangyayari sa manlalaro kapag hindi nakaabot sa susunod na lebel at nanatiling buhay matapos ang nag daang sakuna.

Nagpauli-ulit ako sa paghila sa paa ko ngunit napapasigaw lang ako at kapag pinilit ko pa ay maaaring maputulan ako ng paa!

"T-tulong...tulong..." sino 'yun?

"M-may tao ba dyan? Helloooo!" sigaw ko at nagbabakasakaling sagutin ng kung sino man na 'yun.

"Oh m-my god...huhuhu..t-thank god! Hindi lang ako nag-iisa" rinig kong sambit niya. Masyadong malamyos at matinis ang boses niya kaya naisip kong babae siya.

Natutuwa din ako dahil kahit papano ay hindi lang ako ang nag-iisang naiwan dito sa ikatlong lebel.

"P-pwede mo ba akong tulungan? Pleaseeee!" muli akong nagbakasakaling matulungan niya akong makaalis sa pagkakadagan ng dalawang posteng ito.

Alam kong malabo dahil babae siya pero hindi ako mawawalan ng pag asa. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon! Kailangan ko pang ipagpatuloy ang laro.

"Ano bang nangyari sayo?"

"Hindi ako makaalis dahil nadaganan ng dalawang poste ang paa ko..pleaseee tulungan mo akong makaalis dito" ilang segundo bago ko matapos magsalita ay wala na akong narinig na tugon pa mula sa babaeng iyon.

"Miss..a-andyan ka pa ba? N-nagmamakaawa ako sayo! Tulungan mo ako! M-missss!" sigaw ko pang muli ngunit wala na akong nakuha o narinig pang sagot.

Iniwan na kaya ako nung babae? Huwag naman sana, tulungan muna niya akong maialis dito. 'Wag na muna niya akong iwan na mag isa dito!

"A-ang ganda..ang ganda-ganda dito" nabuhayan ako ng pag-asa ng muling marinig ang boses ng babaeng iyon ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Anong sinasabi niyang maganda?

"Miss? Missss!? Miss patulong ako!! Tulungan mo akong makaalis dito, nagmamakaawa ako sayo!" pinilit kong bumangon kahit kaunti para masilip siya pero may nakaharang na malaking bato sa harap ko at tanging buhok lang nung babae ang nakikita ko.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon