Game 53

266 32 0
                                    

Unedited

Argery's POV

Ilang oras pa ang hinintay namin ni mama bago kami makapasok sa lungsod ng Hesria, nahirapan kaming makapasok dahil wala naman daw sa listahan ng mga inaasahang bisita ang pangalan namin, muntik pa kaming hulihin dahil pinaghinalaan kaming mga espiya mula sa mga kalaban.

Tago kasi talaga ang lungsod ng Hesria, mga piling tao lang na nasa labas ang nakakaalam sa kinaroroonan nito, mabuti na lang dahil maagap kaming sinundo ni Astreah, ang kaso nga lang ay umalis din siya 'agad.

Hindi na ako magtataka kung bakit ganun ang ugali niya, masyado talagang bitchesa ang babaeng 'yun. Well siguro hindi niya lang matanggap na mas maganda ako sa kanya!

Nang tignan ko si mama ay bakas ngayon sa mukha niya ang gulat at pagkamangha na nginitian ko lang.

Marahil ay nagulat siya ng malaman na totoo ang sinasabi ko kanina na pupunta kami dito, dito sa lungsod ng Hesria. Ang lungsod na alam ng lahat na matagal ng nasira o nawasak, ngunit kwento-kwento lang iyon na nagmula sa gobyerno ng Umacrus, hindi nila alam o walang sinuman maliban sa amin na may koneksyon dito ang nakakaalam na buhay na buhay ang lungsod ng Hesria.

Halos lahat nga ng mga taong naninirahan dito ay hindi lang mga Hesrians, may mga tao rin na nagmula sa nasirang lungsod ng Dasesores at ang mga lahing pinagmulan namin mula sa lungsod ng Loxano. Ang parehong lungsod na sinira at winasak ng Umacrus noon dahil sagabal daw sa mga adhikain nila.

Wala naman ako o kaming magagawa doon dahil pag mamay-ari ng Umacrus ang lupain na kinatatatayuan ng dalawang lungsod noon pero mali na basta na lang nila ito sinira ng hindi man lang kami sinasabihan, bukod pa dun ay pinatay rin nila ang ilang mga taong nanlaban, kasama na doon ang mga kamag-anak namin.

"Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na buhay pa ang naunang lungsod dito sa ating bansa. Ngunit Venus..anak, anong ginagawa natin dito?" tumingin ako kay mama at nginitian siya.

Bago ako magsalita ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya, marahil ay kinulang sa tulog si mama at kakaiyak na din dahil sa balitang kasama si Vegeia sa mga namatay sa huling lebel pero hindi naman talaga.

Ngumiti ako kay mama at ngayon pa lang ay naiimagine ko na kung anong magiging reaksyon niya kapag sinabi ko na sa kanya ang pangay namin dito sa Hesria.

"Nandito tayo para bisitahin si Vegeia. Ma, alam kong miss na miss mo na siya at alam ko rin siya lang ang makakapagpatigil sa kakaiyak mo" mukhang nagulat si mama sa sinabi ko, nasabi kasi sa akin ni papa na simula ng ibalita na patay na si Vegeia ay magdamag na raw si mama na umiyak at nalilipasan pa ng gutom.

"D-dito ba inilibing ang kapatid mo, Venus? Eh akala ko ba ay magkaaway ang Umacrus at Hes---" pinutol ko na ang sasabihin ni mama dahil nagkakamali siya ng pagkakaintindi sa akin, "Opo ma, magkaaway ang lungsod ng Umacrus at Hesria, alam na lahat ng mga tao 'yan. Kaya tayo narito ma ay dahil kay Vegeia mismo at hindi sa puntod niya, ang ibig kong sabihin ay buhay pa si Vegeia" hindi ko na pinansin ang reaksyon ni mama ng sabihan ng driver ng sinasakyan namin na nandito na raw kami sa Meir Headquarters.

Hindi ko naiwasang malula sa laki ng gusali ng tanggapan ng mga Meir, siguro marami sila dito kaya malaki ito.

Pero buti na lang talaga ay hindi kami naligaw, sana si Callypso na lang kasi ang sumundo sa amin, speaking of Callypso! Pagkapasok namin sa gusali ay binati kami ng dalawang lalakiing guard doon at mula sa waiting area ay nakita ko si Callypso, nakaupo siya sa sofa na nakatalikod sa amin.

Makakabawi na ako ngayon sa pagtawag niya sa akin ng 'Venus, pamilya ko lang kasi ang pwedeng tumawag sa akin nun, okay!?

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa sofa at ng makalapit ay 'agad kong dinakot ang kaliwang tenga niya at pinilipit iyon. Napasigaw siya dahil sa gulat at sakit ng ginawa ko sa tenga niya.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now