Game 36

288 37 3
                                    

Edited

Third Person's POV

Napuno ng sigawan at palakpakan na may kasamang tuwa sa mukha ng mga taga Jeneiland habang pinapanood ang laban nila Vegeia at Mareen na matagal ng hinihintay ng lahat.

Takot, awa at kaba naman ang pumapalibot sa ibang Jeneis, kabilang ang mag-asawang Samuel at Vega na parehas na mga magulang ni Vegeia.

Ang dalawa ay nararamdaman ang sakit at pagod na dinadala ng kanilang anak habang nakikipaglaban kay Mareen na masayang nakikita si Vegeia na duguan dahil sa mga hiwa ng chakram nito.

Ang ama naman ni Mareen na alkalde ng lungsod, ay nakakaramdaman din ng galak gaya ng anak, napapapalakpak pa ito paminsan-minsan sa tuwing masusugatan ng sandata ng anak ang kalaban.

Sigurado si Mayor Marios na ang anak nitong si Mareen ang mananalo sa labang iyon, kaya sa sobrang tuwa niya kanina ay nagpahanda pa siya ng piging na dinaluhan ng mga konseho.

"Nagkaharap din silang dalawa! Naniniwala akong si Mareen ang mananalo, right girls?" anang Ibella, pinakamalapit na kaibigan ni Mareen. Anak din ng ikalawang konseho ng Jeneiland.

"Yeaaaah!" sabay sabay na sabi pa ng apat na babae habang tutok ang atensyon sa laban nila Vegeia.

"Hindi ko inaasahan na ganun pala kalakas si Mareen, ang galing niya! Gooo girl! Kill that weak and loser Vegeia!" sambit pa ng isang kaibigan ni Mareen.

Habang nagkakatuwaang nag-uusap ang mga kaibigan ni Mareen ay pinapatay na pala sila sa isip ni Ennisa na kanina pa masama ang tingin sa kanila.

Napansin iyon ni Ibella kanina pa pero hindi na rin niya binigyang pansin dahil ayaw nila ng gulo. At lalo pa't anak ng gobernador si Ennisa kaya mahirap kalabanin.

She could not help but pity with his close friend in what happened to him now, she could do nothing too but watch and pray that Vegeia would be able to escape from Mareen's hands.

Sa kabilang banda naman ay balot nang pinaghalong kaba at galit si Arran, namumuo na din ang pawis sa noo at batok nito dala ng kaba. Makailang beses niya na ring sinigawan si Argery na ipadala na 'agad ang mga magliligtas palabas kay Vegeia sa Zanaxamyr.

Pero nanatiling nakatayo at nanonood si Argery. Gusto niyang humingi ng tawad sa dalawa dahil hindi pwedeng madaliin ang lahat dahil maaaring makarating sa superiors ang kanilang ginagawa.

Nag-aalala si Argery kay Vegeia pero mas nag-aalala siya sa maaaring mangyari kay Arran sa oras na malaman ng superiors ang ginagawa nilang lihim na aksyon.

Nangingialam sila sa Zanaxamyr na mahigpit na ipinagbabawal kahit na mataas pa ang katungkulan ng taony iyon sa lungsod.

"Fight Vegeia..please, fight! You are strong, you can handle that. Don't give up, please Vegeia" ang mga salitang lumabas sa bibig ni Arran habang naiiyak na nakatingin sa telebisyon.

Nanatili namang tahimik sina Demon at Groman habang nanonood. Demon smirk and was confident that Vegeia would be the winner of the game, while Groman was restless in his position but remained silent.

Gustong tumulong din ni Groman ngunit hindi nga pwedeng makialam ang kahit na sino sa laro. Kahit pa sabihin na superiors sila ay mali pa ring makialam sila at tumulong sa manlalaro ng Zanaxamyr.

Sa laban naman sa pagitan nila Mareen at Vegeia ay kapwa na sila naghahabol ng kanilang hininga. Nakaluhod si Vegeia 'di kalayuan sa pwesto ni Mareen, bahagya din siyang nakayuko at hinahayaang tumulo ang pawis at dugo niya sa sahig.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ