Game 31

329 54 0
                                    

Edited

Sincerely's POV
(Player from Eatha)

Walang pag-aalinlangan kong pinutok ang baril sa mismong sintido ng lalaking sakal ko na nagmula sa lungsod ng Macritono na 'agad na ikinabagsak niya sa lupa. Dilat ang gulat na mga mata at hindi na humihinga.

Pinagbigyan ko siya kanina na umalis at tumakas na lang pero masyado siyang palaban, natapakan siguro ang pride at ego niya ng sinabi kong hindi niya ako kakayanin, na mamamatay lang siya kapag kinalaban ako.

At ito nga ang naging resulta ng pagmamatapang niya. Namatay siya ng hindi man lang nakakaabot sa ikatatlong lebel ng laro.

Bukod sa pagmamatapang niya ay binasag niya ang nakita kong dyamanteng kristal! Nasa ikatlong lebel na sana ako ngayon bwesit! Kaya kasalanan niya ng dalawang beses kung bakit siya namatay!

Bahagya ko munang pinunasan ang kalahati ng mukha kong natalsikan ng dugo bago ako tumayo at nagpatuloy sa paghahanap ng dyamanteng kristal.

Mapapatagal pa yata ang pananatili ko dito sa Zanaxamyr. Hindi na ako makapaghintay na makaalis dito at prenteng manood sa mga manlalaro na nakikipag-patayan.

Sa tingin ko ay alam niyo na ang ibig kong sabihin. Itatakas ako sa larong ito at papalitan ng pekeng ako. Isang paraan iyon para manatili akong buhay at manalo sa laban. Ngunit kung mamatay ang huwad na ako sa laro ay wala ding silbi ang pandarayang gagawin namin, pero alam kong hindi basta-basta lang ang kukunin ni Taar na pampalit sa akin.

Si Taar ang head leader ng Eathasians players at pinakamalapit din sa akin, ideya niya ang bagay na ito kaya may tiwala ako sa kanya. Mas mayroon akong tiwala sa kanya kesa sa pamilyang umampon sa akin!

Wala akong kaalam-alam kung sino o taga saang lungsod ang kinuha ni Taar na pamalit sa akin at makikipaglaban sa laro, ngunit isa lang ang nasisiguro ko, mas malakas siya sa akin.

Hindi rin ako napilitang pumayag sa bagay na ito dahil para naman iyon sa akin. Alam kong malakas ako, alam kong kaya kong lumaban pero tao pa rin ako at makakaramdam ng pagod, makakaramdam ng sakit at maaari ding mamatay.

At iyon ang hindi ko plano sa buhay ko sa Zanaxamyr---ang mamatay.

Pero mas maganda kung isang Meir ang magpapanggap na ako sa laban, mas may tyansa akong manalo dahil doon, malakas ang mga Meir lalo na kung master or legendary ang rank nito. Kaya nilang lumaban ng ilang oras ng hindi nakakaramdam ng pagod o pumatay sa loob ng isang segundo.

Hindi ko hiniling kelanman ang maging Meir pero mukhang mas kailangan ko iyon sa ngayon. Iyon kasi ang magpapanalo sa akin sa Zanaxamyr.

Kung mamamatay man ang pekeng ako sa laro ay aalis ako ng bansa at maninirahan mag-isa. Ayos lang din naman iyon sa akin dahil wala na akong uuwian, wala naman akong pamilyang naghihintay sa labas! Bukod sa walang kwentang pamilyang umampon sa akin na inapi lang din ako.

At tsaka, hindi lang naman ito ang kauna-unahang beses na mangyayari ang pandarayang ito sa laro.

Si Mr. Hanston Silvester na nanalo at kaisa-isang nabuhay sa laro na nanggaling sa Macritono ay ginawa din ang bagay na ito. Mga halos limang tao pa nga ang ginamit niya sa laro, sa bawat level ng laro ay pinapalitan ng pekeng siya. Sa tansya ko din ay sa kahuli-hulihang level lang siya lumaban.

Ang totoong siya.

Hindi ako nakakasiguro kung mga Meir ang nagpanggap sa kanya sa laban pero sigurado akong nanalo siya dahil nandaya siya.

Naagaw ng atensyon ko ang isang boses ng babaeng sumisigaw sa pangalan ko, "Sinceeee! Sinceeee!" napalingon ako doon at nakita si Amata'ng tumatakbo palapit sa akin.

GG S1: Zanaxamyr | BxB (Completed)Where stories live. Discover now