Ang Manika ng aking kapatid

311 10 2
                                    


PART 1

Magandang araw mga readers! Sobrang thank you sa inyo, sa walang sawa nyong pagbabasa ng aking mga kwento. Sama-sama po nating suportahan ang "Spookify" sapagkat malaking tulong ito sakin /satin dahil sa Spookify at sa inyong mga readers nalalagpasan ko ang sakit ng pagka-depress. It's me again -SPAIDE

Nagpasya kami ni Tacker na huwag na muna sumama sa grupo at naintindihan naman nila ito. Noong mga panahong humiwalay ako or hindi na sumama kila Kuya Bert ay madalas na akong nakakakita ng kung anu-ano. Madalas sa panaginip at madalas ay nagigising ako ng alas dose ng gabi. Hirap na din akog makatulog. Isang umaga kinausap ako ng aking tatay kung ano daw ba ang nangyayari sakin sagot ko "Wala naman po, ok lang po ako" pero di sya naniwala kaya agad siyang tumawag sa aking ina upang ako'y  pauwiin sa probinsya ng (*******)
at yun na nga ang nangyari, umuwi ako dito sa P*****.

Nang makauwi ako ay naging maayos naman ang lahat, medyo nalilibang ako sa mga naging kaibigan ko dito, kasama ko lang sa bahay ay ang aking lola dahil ang mother ko ay may asawa na rin kaya hindi namin ito kasama sa tirahan. Ang bahay ay medyo may kalakihan may abandonadong bahay na katabi lang namin at malayo din kami sa kapitbahay. Sa likod ay may mga puno rin ng mangga, ang bahay ay may 3 kwarto at ang cr ay nasa master's bedroom, ako ay nasa gitnang kwarto at si lola ko ay nasa left side ang kanyang kwarto since sanay na ko sa mga nangyari sakin kaya hindi nako masyadong takot sa kung anuman. Madalas pa nga ay pinagagalitan ako dahil pag naiinitan ako sa gabi ay sa likod bahay ako natutulog. Ilalabas ko ang upuan na kawayan at ipupwesto ko ito sa ilalim ng mangga at doon nga ako matutulog (dun ako natutulog kasi naglalaro pa ko ng gameboy) di alam ng lola ko.

FF.
December 2012, magpapasko ay nakatanggap kami ng tawag sa aking mga tiya sa ibang bansa, may darating daw na tao at may mga pinadala sila dito na mga pasalubong sa amin. Ilang araw pa ang lumipas ay may dumating nga na tao sa amin at may dalang kahon na naglalaman ng pasalubong, tinawagan ko ang aking nanay para ipaalam ito. Agad namang pumunta ang aking ina at kasama nya ang aking step little sister 4 years old. Binuksan namin ang kahon at may mga pasalubong ito na kung anu-ano. Kape, gatas at mga de lata, mga damit at may isang kahon na para sa aking little sis, kinuha namin at ito'y binuksan ng aking ina. Ito ay isang manika, isang baby na manika na de baterya, ito'y gumagapang at nagsasalita. May kasama din itong bote (feeding bottle) kapag ini-on mo ay gagapang ito at kapag gutom kunwari ay iiyak ito at kailangan mong ilagay sa bibig nito ang feeding bottle para tumigil sa pag-iyak nagsasalita din ito kapag busog na kunwari. Masaya ang aking little sis dahil sa manika at dahil dito kaya napagpasyahan ng aking ina na dito na muna sya para aking mabantayan (nagwo-work kasi ang aking ina) medyo weird ang manikang ito para sakin o sadyang bata pa lang ako ay ayaw ko sa mga ganitong laruan lalo na at kumukurap-kurap ang mga mata nito.

FF.
Masaya ang aking kapatid kapag ito'y kanyang nilalaro madalas ay sakin nya ipapa-pn ang manika at kanya na itong lalaruin. Isang gabi ay pina-on sakin ng akin kapatid ang manika ngunit ayaw na nitong gumapang or ayaw magsalita siguro ay ubos na ang karga ng baterya sabi ko sa aking kapatid, "Bukas mo nalang laruin ha? Gabi na rin saka wala ng baterya. Bibili ako ng baterya bukas" sambit ko dito pumayag naman ito. Kasama kong matulog ang aking kapatid sa kwarto dahil ako ang bantay nto katabi nya rin ang manika nya kapag sya ay matutulog.
Nakatulog na nga ang aking kapatid kaya ini-off ko na ang ilaw at kinuha ko ang gameboy at naglaro muna dahil ako'y hindi makatulog, habang  ako'y naglalaro, bigla akong nagulat. halos mailaglag ko ang gameboy at ako'y napamura dahil ang manika ay bigla na lang umiyak. Agad kog binuksan ang ilaw ng kwarto at kinuha ang manika. Tinignan ko ito kung naka-on at tama naka-on ito,
ini-off ko ang manika at inilagay ko muna sa may paanan namin at muli ay nagpatuloy ako sa paglalaro. Habang ako'y naglalaro naaninag ko ang manika since manika, alam naman natin na ang mga mata ng ibang manika ay gumagalaw ang talukab (yun bang kapag ginalaw mo yung talukab ng mata nya ay nag-a-up and down ganun). Balik sa kwento. Napansin ko ang manika na nakatitig sa akin sobrang weird dahil parang may buhay ang mga mata nito, halos hindi ko matitigan ang manika, nang bigla akong mapaisip at nasabi ko sa sarili ko "Ubos na ang baterya ng manika, paanong umiyak ito kanina!?" gulat na aking pagtataka sa sarili.

Scary Stories 4Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang