My Experiences in Valenzuela City

219 5 0
                                    


Hi Guys and Spookify. This is Xian your friendly Bicolano.

I just want to share my creepy experiences. Yes, experiences kasi madami sya, nangyati ito sa Valenzuela City nung bata pa lang ako. Kung naaalala nyo sa Una kong story dito ay bumalik kami sa Valenzuela nung grade 1 na ako and ito yung mga nangyari sakin doon.
And siguro yung iba baka alam din ang mga kwentong ito. Kaya iisa-isahin ko po yung mga kwento kaya sana po ay magustuhan nyo.

l. Abandoned Office and The Black Lady

Bata palang ako nun ay usap-usapan na ang Lugar na iyan dahil sa mga nakakatakot na pangyayari na naranasan ng mga taong dumadaan doon para makauwi sa bahay nila.
Yung lugar kasi namin is compound sya so kung saan ka dumaan papasok ay doon ka din lalabas.
Nung una di ko pa ma-gets kasi bata pa nga ako at kalilipat ko palang ulit sa Valenzuela nun and after a year na-gets ko na. And dahil friendly nga ako madami agad akong kaibigan. So ito na nga nagkayayaan kami na i-try na umikot doon sa lugar na yun and papalapit palang kami sa lugar na yon ay iba na yung feeling ko. Yun bang ang dami kong naririnig na kung anu-anong ingay na di ko ma-recognize kung ano ba ito, ang napansin ko lang ay ang malaking gusali na puro basag ang salamin at super dilim, then napatingin ako sa isang sulok ng building and putek nakita ko yung Black Lady na sinasabi nila at may sinasabi na di ko maintindihan, kaya inalis ko ang paningin ko sa kanya pero kahit saan ako tumingin ay nandon sya. Di ito alam ng mga kasama ko na may nakikita ako maya-maya pa tumalikod na ako at akmang tatakbo na sana ng biglang nasa harap ko na yung Black Lady at duguan ang mukha. Wala na akong naalala non pero paggising ko nasa bahay na ako.

ll. Ang Kapreng si Gabor

Habang lumalaki ako ay usap-usapan din sa lugar namin ang napakalaking puno ng Santol malapit din sa abandonadong opisina. And take note, malalaki at matatamis ang bunga nito. Ganon pa man, sa kabila ng magagandang katangian ng puno ng Santol na yun ay may nakatago pala itong kababalaghan. Isang gabi habang nagba-bike kami ng kaibigan kong si Marko (not his real name) ay inaya nya akong mag-ikot dun nga sa daan na katabi ng Santol at opisina. Bale paikot lang talaga ang lugar namin. Nung una ayaw kong pumayag pero dahil mapilit sya ay pumayag na rin ako. Nung una maayos naman ang lahat, nang biglang Bumigat ang pedalan ng bike ko pero di ko pinansin yun and yung Black Lady? Di ko nakita doon, pero nung umikot na kami sa malaking puno ng Santol ay may napakalaki at napakaitim na paa kaming nakita as in mala-higante talaga sabi sakin ni Marko ba't ka huminto?.
"May paa!!"
"May Paa!!"
Wala naman daw. Sabi ko "puta may paa nga!!!". At sinubukan kong tumingala napakatangkad talaga at nanlilisik ang mata kaya binuhat ko ang bike at iniharap sa kabilang side sabay harurot kahit ang bigat pedalin 'fight' lang. Pag-uwi ko pawis na pawis ako at kinuwento ko yun at oo nga daw Gabor daw ang name nun at mabait naman daw yun.

lll. Matandang Nakaitim at ang Lumulutang na Putol na Paa

Dahil nga Makulit kami eh nagpasya kaming pumunta ulit doon sa opisina, at this time alam na nilang nakakakita ako ng mga ibang nilalang. Madami kami, di ko na tanda ang exact na bilang pero siguro lampas sampu kami nun. Habang papalapit kami sa opisina ay marami na talaga akong nakikita kaya panay ang dasal ko at talagang kabado na ko that time sabi ko "ano na naman kayang itim na nilalang ang makikita ko dito? siyet".
So ayun umupo kami non sa labas ng opisina maliwanag naman dahil sa buwan, so habang nag-uusap sila tahimik lang ako at madami talaga akong nakikita at sabi ng kasama ko dati daw kasing sementeryo yung tinayuan ng opisina. Di ko na masyadong matandaan yung sinabi ko pero ang naalala ko eh yung nasabi ko na may matanda. So sabay-sabay silang tumingin kasi naglalakad yung matanda papalapit samin. Nung una malayo pa sya at putek, pagkurap ko nasa harap na namin. Pero ang sabi ng mga kasama ko kanina pa daw yun doon at sabi ko sa sarili ko "kanina? eh ang layo pa nya kanina ah." Natahimik kaming lahat tapos nagsalita yung matanda yung voice nya nakakatakot sabi nya "umalis na kayo dito". Maya-maya pa naglakad na yung matanda palayo tapos tumalikod na ako at yung ibang nasa harap ko kita pa yata nila yung matanda. Ilang segundo lang pagtingin ko sa Likod wala na agad yung matanda, at this time sabi ko sa kanila "nakita nyo ba yun?" Oo daw (takot na Boses). Nagkatinginan kami at sabay-sabay na kaming nagtakbuhan. Si Jane (not her real name) ang nauna at nagulat kami ng mapaupo sya bigla sabi nya "may lumulutang na paa!!!". At oo nakita Ko din yun itinayo ko sya at sabay-sabay na kamng  tumakbo sabi ko "ayoko na dito sa lugar na 'to!!!".

So hanggang dito na lang muna guys. Next time ikukwento ko naman sa inyo yung experience ko nung high school ako.

Scary Stories 4Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang