Maybe Connected?

305 4 0
                                    


Hello spookifiers. This story is not about Mel. Isa lang sa mga random creepy experiences ko pero don't worry hindi ako pinanganak na puro kababalaghan ang buhay, puro kalampag ng papag lang joke. kaya di nyo rin ako makikita madalas mag-post. Story po ito ng isang mother na nakausap ko sa PCSO Q.C. Since mother ko po ay may cancer madalas din ako sa PCSO para humingi ng medicine for chemo at alam nyo naman pag government matagal talaga at pag matagal hindi mo na rin maiwasan makipagkwentuhan sa mga katabi mo kahit hindi mo pa kilala, madaldal din kasi ako eh. Etong story na ito ay puro pag-uusap lang namin.

So here it is, June 2019 fresh na fresh pa. Magkatabi kami nun ni Ate Leni. Noong una walang imikan nag-ML lang ako kasi di pa natatawag name ko at alam ko feel ko na talaga 3pm pa matatawag yung name ng mama ko haha bihasa na eh. Naubos na data ko nun, so no choice muni-muni muna ako antay lang ng name ni mama baka sakaling matawag ng maaga but hindi. saklap.
Kinausap ako ng katabi ko name nya Ate Leni tanungan kami kung anong hinihingi namin dito sa PCSO.

Sya : Ano hinihingi mo be? Ako kasi Hospital bill mamaya pa daw hapon tatawagin name ko.
Ako : Medicine request po Nay. Opo matagal talaga, wala tayo magagawa marami din pong tao.
Sya : Ano ba sakit mo? Yung anak ko ang nasa hospital, Diyos ko po nag-suicide kasi pangatlo na nyang beses ito sa isang buwan.
Ako : Hala grabe. Mama ko po ang may sakit Breast Cancer. Eh Nay baka depressed kaya nagkakaganyan.
Sya : Ba't naman ma-depressed? Ilang taon palang anak kong lalaki 15 y/o kumpleto naman kaming pamilya masaya naman kami mula ng lumipat kaming Antipolo nagkaganyan na sya.

Pagalit na yung tono nya nyan sa isip-isip ko "Aba'y malay ko baka broken yan kaya nagkaganyan kinakausap mo ko tapos magagalit ka" pero sa sarili ko na yan baka mahampas ako eh haha.

Ako : Ahh ganun po ba napa-bless nyo po ba yung bahay nyo?
Manalangin po kayo sa Panginoon hindi kayo nyan tatalikuran.
Sya : Napa-bless na yung bahay pero after nun hindi na maayos pamilya namin parang ang bigat. Yung anak ko palaging may naririnig na kuskos ng kuko daw sa pader nya. Galing kaming Pasig nakatira kami noon sa condo dahil gusto kong magkabahay na may matataniman nakuha namin sa may Antipolo subdivision single detached newly built lang din.
Ako : May kaya po pala kayo Nay eh naka-condo kayo.
Sya : Hindi namin sarili yun nag-rent lang kami dahil nandun ang business ng asawa ko pero lahat napeste, nalugi. Hindi ako hihingi dito sa PCSO kung may kabuhayan pa kami.

This time tahimik muna kami mga ilang minutes kasi medyo tensyon na si mommy. At nagtatawag din ng pangalan sa desk. After nung pagtatawag nag-usap kami ulit kasi hindi pa kami natatawag haha assuming eh.

Ako : Nagpapa-Psychiatrist na po ba anak nyo Nay? Kasi suicidal thoughts na po pala sya eh ano po ba ginawa nya ngayon Nay? Huwag kayong magalit sakin ah curious lang po ako.
Sya : Uu may Psychiatrist sya dito sa East Ave. pero pag exam okay naman daw sya sabi ng doctor baka daw may nagpapa-triggered lang tinanong kung nag-aaway ba kaming mag-asawa hindi naman. Pina-hypnosis ko anak ko para malaman ano dahilan ng paggaganyan nya nag-drawing lang sya 3 babaeng itim.
Ako : Hala nakakatakot naman yan baka naman may mumu sa bahay nyo Nay.
Sya : Ewan ko ba. Hindi naman sya ganyan dati. Mabait, masiyahin at napaka-sweet ng anak ko. Tapos ngayon bigla syang maglalaslas, magbibigti, lulunurin ang sarili nya at eto lang tumalon sya ng bahay. 3-storey bahay namin at pag ginagawa nya yun wala syang reaction bukas lang mata nya walang reaction pag nasa ospital lang o kung on the way na kami sa ospital dun lang sya mag-iinda ng sakit tapos magtatanong anong nangyari.
Ako : Ahh. Naku kawawang bata tsaka Nay nakakatakot, pa-albularyo kaya kayo Nay para sa anak nyo po.
Sana pala Nay di na lang kayo umalis ng condo kung magiging ganyan pala yung buhay nyo lalo na yung anak nyo paglipat nyo dun sa Antipolo.
Sya : Dapat lilipat lang kami ng unit before pero may issue-issue dun sa unit electric issue daw kaya di na kami tumuloy. Bago nga kami mag-arrange ng mga gamit namin para hahakutin kinabukasan yung Manager pina-backout yung mga gamit sa isang unit kahanay ng unit namin kasi may bagong renter na, marami-rami din naiwan na mga gamit yung dating renter ultimo pinto tinanggal at pinapatapon. Ehh nakita kong may magandang maliit na shelf at lamisita sinabi ko sa Manager na kunin ko na lang kung itatapon nyo sabi naman nya ok.
Ako : Ah eh Nay di pa ba kayo nagugutom kain tayo mamaya pa magtatawag yan.

Lumapang muna kami this time kasi 12nn na po. Then natawag na name namin ng 2pm so uwian na kami ni Ate Leni, nagpaalam ako sa kanya ganun din sya sakin. Kinuwento ko kinagabihan sa ka-tropa ko kasi nakatambay kami, kinilabutan ako sa sagot nya. Nakakatangina talaga pwede kasing connected eh.
Yung barkada ko Real Estate sya nag-work at alam na nya may mga particular condo sa Pasig na haunted daw di ko alam yung kwento na yun pero sabi nya sikat sa twitter yun. Ganito pag-uusap namin.

Ako : Ayun na nga kwento ko yung nangyari kanina. Mahaba kasi eh ganyan na lang tsaka alam nyo na rin.
Carla : Ahh baka RF o Oasis yan. Yung haunted condo daw sa Pasig. Sikat sa twitter yung kwento nyan eh.
Ako : Weh? Hindi ko alam yan. Search mo nga wala akong data eh at wala rin akong twitt twitt.
Carla : Wala ka kasing twitter kaya wala kang alam sa mga ganyan bumaba rin kasi ng bundok.
Ako : Peste. Bilisan mo na. Babasahin ko.

So ayun na nga nabasa ko na at nagkaron ng conclusion tuloy sa isip ko baka hindi sa bahay na nabili yun dahil sa gamit na nabili nila galing sa unit na inalisan ng may-ari kaya sila nagkaganun sa buhay. Basahin nyo nalang yung haunted condo na nakaano sa twitter basta yun na yon. Sa may mga twitter di ko alam kung makikita sa FB eh. kung sino meron mang source dyan paki-share nalang din para sa iba na hindi pa alam about dun. Salamat.

Yan lang po pasensya na po kung hindi thrilling pero huwag na po ninyo ipagdasal baka mamatay na sa takot. Creepy lang sya. Di ko alam kung connected ba talaga o baka din hindi pero feeling ko connected eh.

Ate Rica 💕

Scary Stories 4Where stories live. Discover now