Building

230 8 0
                                    


Good day! sainyo pasensya na at ngayon lang ulit ako nakapag-send ng story busy kasi sa work ko. -SPAIDE

Bago lang po ito at halos hanggang ngayon ay nangyayari pa. Ilang buwan na ang lumipas at napagpasyahan ko na magtrabaho ulit bilang isang Security Guard. Dahil dati naman na akong guard ay nag-apply ulit ako sa aking inspector. Tinawagan ko sya at agad naman kaming nagkita nag-usap kami tungkol sa aking pagpo-posting-an or pagdu-duty-han.

Isinama nya ko sa isang building dito sa province namin medyo malaki ang building at may kalumaan na ito, dalawa lang daw kami na magiging guard dito isang pang-umaga at isang panggabi. Bago lang ang posting namin na ito dahil halos last August lang nila nakuha ang building. Tinanong nya ko kung anong gusto kong duty kung morning shift ba or night, mas pinili ko ang night shift dahil hirap ako gumising ng maaga at mahirap din ang biyahe sa umaga. nag-usap kami about sa duty at sa kung anu-ano pa. Maluwang ang building at medyo may kalumaan. Sa umaga may mga tao naman, sa gabi daw mag-isa na lang ako. May tindahan sa labas ng gate pero hanggang 11pm lang bukas.
may kusina ito pwede kang magluto or magpainit ng tubig.

FF. Ok naman ang building at para sakin ok na yun kesa sa tambay ako sa bahay, Binigyan nya ako ng 2 days para makapaghanda sa duty. At heto na nga September 2 ng 7pm ang first night ng duty ko, medyo kakaiba para sakin dahil nung pinuntahan namin ng inspector ko ang building ay umaga. sa gabi naman may mga ilaw naman na nakapalibot sa building kaso di masyadong maliwanag, tahimik din ang lugar kapag gabi na at medyo malungkot ang itsura ng lugar. chill-chill naman para sakin dahil wala namang boss. Roving-roving lang sa building. Binabantayan ko lang naman dito ay mga nagbabalak magnakaw ng mga gamit sa loob.
Marami kasi mga gamit sa loob, dati kasing Convention Hall ang building.

FF. Medyo ok naman ang duty ko wala namang mga kawatan. pero may mga kakatwang pangyayari na alam kong hindi pangkaraniwan,
sa ilang gabi na pag-duty ko sa building ay doon na ako nakaranas ng mga kakaibang pangyayari. September 9 ng gabi mag-aalas dos nun ng madaling araw nagtimpla ako ng kape sa kusina, nang biglang mapatingin ako sa pinto ng cr bukas ang ilaw nito samantalang hindi pa naman ako gumamit ng cr nung gabi na yun. Inisip ko na lang na baka naiwan ng pang-umaga or baka bukas lang talaga ito at nuon ko lang napansin. pinuntahan ko ang cr at in-off ko na lang ang ilaw, nang biglang tumayo ang mga balahibo ko pagkatalikod ko sa pintuan ng cr, dali-dali na lang akong lumabas ng kusina at di na lumingon pa. Nung naglalakad na ako papunta sa guard post ay isang sitsit ang aking narinig mula sa aking likuran, ayoko na sanang lumingon pero di ko naiwasan kaya lumingon ako. Napatulala ako kasabay ng pagtayo ng balahibo ko ng makita ko ang isang bata, na nakatayo malapit sa pintuan ng kusina. kasabay ng pagtakbo ng bata sa loob ng kusina. ilang segundo din akong nakatulala noon at nang medyo nahimasmasan ako ay dali-dali akong pumunta ng post.
pinagwalang bahala ko na lang ang nakita ko at nag-Mobile Legend na lang. Lumipas ang oras at di ko namalayan mag-uumaga na, bukas na ang tindahan sa labas ng gate.
lumabas ako para bumili ng yosi at doon ko na nakakwentuhan ang tindera sa lugar.

Convo namin:
Ako: Ate pwede magtanong? matagal kana nagtitinda diyan?.
Ate: Oo matagal na mag-2 years na ko dito sa amo ko.
Ako: E di marami kang nakilalang guard na nag-duty dito?.
Ate: Oo marami na rin may mga naging kaibigan na din akong guard diyan dati. Dito kasi sila bumibili ng mainit na tubig at kape sa gabi at sa madaling araw.
Ako: Huh? Bumibili? Libre kape namin dito saka pwede magpainit ng tubig dun sa kusina bakit bumibili pa sila?.
Ate: Ay hindi mo pa ba alam ang istorya diyan? Libre nga yata ang kape diyan sabi nila kaso sa mga nakakwentuhan at naging kaibigan ko na guard ayaw na nila pumunta ng kusina dito na nga din sila minsan nakiki-cr. Wala pang guard na tumagal diyan. Halos pinakamatagal na yata ang limang araw. Yung iba nga halos 2 or 3 days pa lang eh di na nagdu-duty. Yung last naman ewan ko ba't hindi na nag-duty sabi nila abandoning post daw, umalis ng hatinggabi kaya pinalitan ng ibang agency. ikaw pang ilang araw mo na diyan?.
Ako: pang-8 nights ko na dito 'te,
ganun pala istorya dito kaya iba't ibang agency na ang pumalit dito.
Ate: Oo marami ng agency ang mga humawak diyan kaso wala namang tumatagal na guard. Ang sabi-sabi ng iba marami daw nagpapakita diyan kaya natatakot mga guard na  nag-duty diyan. Ikaw? Kumusta duty mo diyan? Wala ka bang nararamdaman o nakikita diyan?.
Ako: Wala naman 'te ok naman baka nakikisama sila sakin dahil alam nilang matatakutin ako, pabiro kong sagot sa kanya.

Dahil maliwanag na nagpaalam na ako kay ateng tindera at magte-turnover na ako sa papalit sakin.

FF. Ilang gabi pa ang lumipas naging ok naman ang duty ko, hanggang sa September 17 mag-ala una na nun, naisipan kong mag-roving at magtimpla na din ng kape sa kusina. pagkatapos kong magtimpla ay naglakad na ako pabalik sa post ko.
Hindi pa man ako nakakalayo sa labas ng kusina ay natanaw ko na may tao malapit sa post ko. Nung medyo malapit na ako sa post ay napansin ko na isang tao nga ang nakatayo malapit sa gate at mga sampung hakbang naman yung gate sa post ko. Binaba ko ang kape ko sa lamesa at tinanggal ko din ang lock ng holster ng baril ko. Habang papalapit sa tao di rin kasi ganun kaliwanag mga ilaw ng lugar. Napansin ko agad matanda na yung tao isang matandang babae may mga dala-dala siyang mga plastik animo'y isa syang  pulubi. Mga tatlong hakbang na lang ako sa kanya ng siya ay aking tanungin ko.

"Nay, ano pong ginagawa nyo dito bawal po ang pumasok basta-basta dito. Saka gabi na po bakit po nandito kayo nang ganitong oras?".

Tanging maliit na hagikgik at ngisi lang ang sagot nya sakin habang iniikot nya ng daliri ang buhok nya, medyo kabado ako nun.

"Nay, uwi na po kayo bawal po talaga kayo pumasok dito. Halos napaatras ako sa paghagikgik nya at pagngisi habang bumubulong. Kasabay nito ang pag-upo nya sa may tabi ng gate. Paatras akong naglakad pabalik ng post habang tinitignan ko sya. Naupo ako sa post ko pero di pa rin umaalis ang matanda at patuloy pa din syang nakatingin sakin. Tinignan ko ang cp ko para makita ang oras mag-aalas dos na. Chinat ko ang inspector ko para sabihin na may isang matandang babae na nakapasok sa lugar, nang matapos ako sa pag-chat sa inspector ko ay agad ko ring tinignan ang gate kung nasaan ang matandang babae. At doon na ako nagulantang, wala na ang matanda. Opo, wala na ang matanda sa kinauupuan nya ngunit ang pinagtataka ko paano syang umalis doon ng hindi ko naman narinig na binuksan nya ang gate.
Kinabukasan kinuwento ko sa inspector ko ang nangyari huwag ko na lang daw pansinin ang nakita ko kagabi baka antok lang daw ako nun or baka daw nakapasok lang at di ko lang talaga namalayan na lumabas, dala na rin ng puyat at antok di na ko nakipagtalo pa nagpaalam na ko na uuwi na.

FF. Ilang gabi pa ang lumipas sa duty ko iba na ang pakiramdam ko sa building minsan may naririnig na lang akong mahinang mga tumatawa minsan naman bigla-bigla na lang, lumalamig ang hangin at madalas ko na ring makita ang bata na palaging tumatakbo sa kusina, alam kong marami sila sa lugar na yun kaya naisipan kong pag umuwi ako kinabukasan ay  kukuhanin ko ang kwintas ko na pinasuot ko kay Janna noon.

Dinala ko sa duty ang kwintas ko.
ilang gabi pa at muli akong ginulat ng matandang babae, mga bandang alas tres nun busy ako mag-Mobile Legend nang biglang kumalampag ang gate at nang aking tignan nanduon na naman ang matanda sa labas ng gate at nakatingin ito sakin.
hindi ko ito pinansin dahil nasa labas naman sya ng gate at patuloy akong naglaro. nang maaninag ko na may papalapit sakin laking gulat ko nang makita ko ulit ang matanda.
mga limang hakbang nalang ito sa kinauupuan ko. Tumayo ako para sabihan ang matanda na lumabas pero tanging ngisi lang sagot nito habang iniikot ng daliri ang buhok nya. naglakas na ako ng loob na lapitan sya hinawakan ko sya at inaya ko syang lumabas kahit na medyo takot na ako nun.

Hindi naman sya nagalit nung hinawakan ko sya at inakay palabas pero laking gulat ko ng makarating kami sa gate SARADO ANG GATE. Dun na ako nagtaka kung paano sya nakapasok. Nang mailabas ko sya ng gate sinara ko agad ang gate pero yung matanda tuloy pa rin sa ginagawa nya nag-iikot ng buhok gamit ang daliri pero nung oras na yun tinitigan nya ko pero sa pagkakataon na yun seryoso yung pagtitig nya sakin at tinitignan nya yung kwintas na suot-suot ko. kahit nasa labas sya ng gate sinabihan ko sya na "Nay, umuwi na kayo." Pero nung oras na yun hindi sya humagikgik o ngumisi seryoso ang mukha nya pero ang sama ng tingin nya sakin. Ilang segundo pa ay pinabayaan ko na sya sa labas ng gate at bumalik na ako sa guardpost ko pero yung matanda patuloy pa rin ang pagtitig nya sakin. nabaling lang ang tingin ko sa cellphone ko ng makita ko ang cellphone ko na nakalagay ay (DEFEAT) nainis ako nun kaya kinuha ko cp ko, bago ako maglaro ay tinignan ko ang gate laking gulat ko segundo lang lumipas wala na ang matanda.

Hindi pa diyan natatapos ang kwento ko, absent lang kasi ako kagabi kaya naisulat ko itong istorya ko. pahinga po muna ako at may pasok kasi ako mamayang gabi till now dun pa rin ako nagdu-duty.

Ayaw ko na sanang mag-duty dahil sa mga nangyayari pero kailangan magpapasko kasi gusto kong dalawin ang aking anak kaya kahit nakakatakot go pa rin para sa aking anak.

Hanggang dito na lang muna.

-SPAIDE

Scary Stories 4Where stories live. Discover now