Unexpected Customer

271 8 0
                                    


Mayaman sa kwentong kababalaghan tayong mga pilipino. Maraming istorya ang bumabalot sa iba't ibang uri ng mga nilalang na tunay namang magpapataas ng iyong balahibo. Kinalakihan ko na ang ganitong mga kwento kaya naman may namumuong takot sa akin kapag ako ay nag-iisa sa isang madilim na lugar (introduction lang po ito, ang pangit naman po kasi kung diretso tayo sa kwento, walang suspense factor).

Marahil parte na ng kultura nating mga Pilipino ang paniniwala sa mga nilalang na nababalot ng kababalaghan. Kayo, naniniwala ba kayo sa engkanto? Engkantao ang nakasanayan itawag sa aming sa mga nilalang na ito. Mga nagkakatawang tao sa oras na gustuhin nila, kaya hindi mapapansin ng kahit na sinuman ang kanilang totoong anyo.

Tatlong buwan pa lang mahigit ang isang shopping store sa aming probinsya, unang pagkakataon ito na magkaroon ng ganitong establisyemento sa aming lugar. Bagamat hindi kalakihan ay narito ang lahat ng mga produkto na kailangan ng mga tao sa pang araw-araw. Mula sa grocery items, garments, kitchenwares at kung anu-ano pa ay naririto. Kaya naman nang mag-opening sila ay ganoon na lang ang pagtangkilik ng mga tao sa kanila, kumalat sa Facebook ang mga photos kuha ng araw na iyon. Hindi magkamayaw ang mga tao at hindi mahulugang karayom ang lugar na iyon. Labas-masok ang mga mamimili kahit pa nagsisiksikan ay tuloy pa din ang pagdagsa ng mga tao. Sa madaling salita kumita ng higit pa sa inaasahang kita ang nasabing shopping store ng araw ng kanilang opening. Bali-balita na sobra daw ang kanilang pagkagulat at pagkamangha. Ikaw ba naman hindi mamamangha sa liit ng isla namin ay may ganoong kalaking pera ang mga taga dito? Basta more than 10 milyon daw sa isang araw lang ang kinita.

After two months eto na! This is the real thing. May isa daw silang customer na namili ng napakarami. Yung tipong pang matagalang consumption. Basta malaki ang nabayad nya, if I'm not mistaken humigit kumulang 60k. Isang tao lang yun ah? Syempre in return yung store tinulungan yung customer nila na i-deliver yung mga pinamili. Yun na nga, naisakay na sa delivery van yung mga pinamili ng tao at nakasakay sa sariling sasakyan daw yung customer nila at may dalawa pa daw kasama sa sasakyan. Isang batang babae at lalaki na nasa late 30's. Sinusundan daw nila yung sasakyan ng customer nang bigla daw huminto sa napakalawak na bakanteng lugar yung sasakyan ng customer. Syempre yung driver ng delivery van huminto din at ibinababa na yung mga pinamili dahil nandito na daw sila sa kanila. Nagtataka man daw sila eh inilipat na lang nila yung nga pinamili ng tao sa sasakyan nila at yung iba inilapag muna sa semento dahil di magkasya sa dami. Nagtataka man eh nagpasalamat na sila bago umalis pero laking gulat daw nila nang bigla na lang mawala ang mga tao na kani-kanina lang eh kaharap pa nila. Pati ang mga pinamili ng tao at sasakyan eh naglahong parang bula.

Dali-dali silang bumalik sa store upang ikwento ang lahat. Nang makabalik ang mga tauhan ng nasabing tindahan agad silang nag-report. Hindi makapaniwala ang mga trabahante ng nasabing tindahan. Kaya naman binalikan nila ang CCTV footages. Ganoon na lamang ang pagkagulat nila nang walang makitang tao nang mga oras na namili yung tao kanina na nagbayad ng malaking halaga. Tumindig ang mga balahibo nila nang balik-balikan ang CCTV footage na wala talagang bakas ng tao nang mga oras na nangyari yung pamimili ng taong iyon. At nang i-check din nila yung pera na ibinayad nila eh nandon pa din naman. Hindi nagbago ang itsura at hindi rin nawala. Ang sabi-sabi ng matatanda sa aming lugar ay sila daw. Yung mga tinatawag na "engkantao''. Mga engkanto na nag-aanyong tao sa oras na naisin nila. Mababait naman daw ang mga ito pero sa oras na tumanggap ka ng anumang bagay mula sa kanila ay mapupunta ka sa kanilang daigdig at hindi na muli pang makakabalik sa lugar nating mga tao. Kung ikaw ay hindi taga rito, baka mas madalas mo silang makakasalamuha. Hindi mo alam na isa sa mga kausap mo o napagtanungan mo ay isa na pala sa kanila. Sila ang mga tinatawag nating mga "Engkantao".

Manila Girl

Scary Stories 4Where stories live. Discover now