Ikatlong Mata

283 9 0
                                    


Hi! There spookify-ers! I'm an avid fan of this page! Nagbabasa ako dito pag wala masyadong ginagawa sa work at bago matulog. So, itong ikukwento ko sa inyo ay nangyari lamang noong isang linggo (May 31, 2018) sa work ko. By the way sa Japan po ako nagwo-work.

So ito na nga. Actually, nung nasa Pilipinas pa ako meron na talaga akong mga kakaibang nararamdaman na parang may kakaiba sa lugar na pinupuntahan ko maski sa bahay namin ang dami kong nararamdaman pero sinasarili ko nalang kasi alam kong hindi naman sila maniniwala sa sasabihin ko. So ito na nga talaga, Dumating ako dito sa Japan last April 2018 ang saya lang kasi nakabalik ulit ako after 4 years. Pagkain, inumin, yung weather, etc. pero nag-iba lahat yun nung dumating kami sa bahay ng tita ko. Pagpasok ko palang alam kong may kakaiba. Parang may naghihintay din sa akin sa bahay at gusto akong salubingin. Pero dinedma ko lang kasi 1st day ko yun.

After 1 month pumapasok na ako nun sa work 8am-5pm shift ko pero nag-o-OT ako ng 3 hrs so bale 8am-8pm na sila tita sa Ramen shop nila pumapasok 11am-9pm sila so meaning ako ang nauuna umuwi sa bahay.

Isang araw may pasok ako (May 31, 2018), pagpasok ko palang ng work parang ang bigat ng araw na yun sa akin pero dedma kasi kailangan kong mag-work para sa future! Haha! So ayun na nga hanggang naggabi na around 7:30pm tapos na akong maglinis ng station ko. Pumunta ako ng CR kasi sobrang dumi ng kamay ko (puro langis kasi sa work ko) so ayun, nagpunta na ako ng CR. Dalawang tao ang nakita ko habang naglalakad papuntang CR isang lalaking naka-red at isang lalaking palabas na ng building. Yung lalaking naka-red nauna syang pumasok sa CR at ako ang kasunod nya. Yung naka-red na lalaki diretso sa cubicle (2 lang cubicle sa CR ng boys at urinal na lahat) Ni-lock nya yung pintuan ng cubicle. Ako naghuhugas ng kamay (sa harap ko may mahabang salamin na kita yung buong CR) tinatanggal ko yung mga langis na dumikit sa kamay ko. Until na realized ko na bukas yung pinto ng cubicle nagtaka ako kasi ang alam ko may pumasok dun at nag-lock ng pinto dinig na dinig ko yung pag-lock nya ng pinto ng cubicle at wala akong narinig na nag-flush ng toilet at lumabas ng cubicle na yun. Kinakabahan na ako ng mga time na yun kasi first time ko maka-experience ng ganun at malapitan. So eto ako tapang-tapangan pumunta ako sa cubicle na pinasukan nung lalaking naka-red super gulat ko kasi walang bakas ng ihi or dumi yung bowl (mukhang normal lang talaga). Dali-dali na akong lumabas ng CR! Nagpunta ako ng station ko at nagpalit ako ng damit sabay uwi.

Pagdating ko sa bahay wala pa sila tita nagpahinga muna ako tas nag-shower. Nung nasa banyo na ako narinig ko may nagbubukas ng pinto so akala ko dumating na sila tita. Pero laking gulat ko nung paglabas ko ng CR wala pa sila. At ang nakakagulat pa nagpatay-sindi yung ilaw malapit sa pintuan (censor yun. bubukas lang ang ilaw pag may taong dumaan) natakot ako ng sobra kasi kitang-kita ko yung ilaw na nagpapatay-sindi at yung pinto bumubukas ng bahagya. Nagkulong na ako sa CR at tumawag kay tita pero di sya naniniwala. Kaya ang ginawa ko binuksan ko ang tv at tinodo ko ang volume kasi may nagsabi sakin ayaw nila ng maingay.

Hanggang 1am ganun yung scene sa bahay kaya nung dumating na sila tita ng 1:30am ganung oras lang din ako nakapasok sa kwarto ko at nakatulog dahil may kasama na ako! Malakas hinala ko na yung kaluluwa nung nanay ng jowa ni tita yung nasa bahay namin. Minsan nakikita ko rin sya sa salamin ng bahay pag mag-isa lang ako. kaya simula noon tumatambay muna ako sa 7/11 at aantayin sila tita at sabay-sabay na kaming papasok sa bahay.

Sorry po kung masyadong mahaba. First time ko kasi at until now nanginginig ako pag naalala ko yun.

MLEA
CALOOCAN/JAPAN

Scary Stories 4Where stories live. Discover now