Sumpa ng Pharaoh

305 13 0
                                    


Matagal-tagal na rin ng mawala ang lolo ko pero sariwang-sariwa pa rin ang mga karanasang sakin nya lang naikwento at balak kong i-share sa inyo. nawa'y hindi magalit ang kaluluwa nya kung sakali man.

Introvert ang lolo ko at hindi sya basta lumalabas at nakikipag-usap sa ibang tao pero dahil apo nya ako isang prebilihiyo ko ay ang makapasok sa bahay nya at kulitin syang magkwento ng mga karanasan nya. May pagkaweirdo sya at ilag sa tao na isang bagay na namana ko rin. Marami syang koleksyon ng luma at iba't ibang libro at halos nakita ko na lahat ng yun maliban sa isang tinago nya.

Ang librong galing pa sa Ehipto.

Matalino si lolo Nagtapos syang Suma Cum Laude sa Mapua at dahil dun nagkaroon ng tiyansa na makapag-test. Ang isang klase nang test na tanging top notcher lang ang pwedeng mag-take mula sa iba't ibang unibersidad at pinalad naman siya, kasama ang dalawa pa. Nakapag-abroad sya ng maaga at naging citizen din sa ibang bansa.

Ang isa sa di nya malilimutang trabaho ay nang maging assistant sya ng mga arkeologong banyaga ng mapunta sila sa Ehipto ang lugar ng disyerto at pyramid. Balak nilang pasukin ang pyramid at kumuha ng mga fossil gamit ang high tech na pamamaraan pero hindi magiging madali ito dahil napakahirap pasukin sa bungad palang kaya kailangan nila ng matinding makinarya para dito.

Hiwalay ang mga malalaking tent ng mga arkeologo, doktor, nurse, sundalo, cook, helper kagaya nila at marami pa. Kumpleto rin sila sa malalaking truck na may clinic at supplies. Isang malaking ekpidisyon kumbaga.

Kasama nya sa maliit na tent ang isa ring indianong helper kagaya nya. Natutulog sila sa double deck. Sya sa taas at sa baba naman yung kasama nya.

Dumating ang araw papasukin na nila ang pyramid pagkatapos ng maraming pagsubok na tanggalin ang nakaharang dito. Marami silang unang pumasok. Nakakagulat daw ang loob nito. Nakapinta ang mga sinaunang kultura sa Ehipto at iba't ibang paraan nila ng pamumuhay. naka-ukit din ang mga hayop at Diyos-Diyosan nila na talaga namang nakakamangha dahil sa detalyado nilang pagkakagawa. Pero di nila inaasahan ang salubong sa kanila dito. Dahil may mga insektong kagaya ng scorpion at maliliit na mga bugs ang pumasok sa damit ng iba nilang kasama. Mabuti at nakasuot sila ng safety clothes kaya sila ang nagpatuloy kasama ang iba pang sundalo na walang protective clothes. Nakakita sila ng ataul ng mga mummy at ng isang animo'y kahon. Binuksan nila ito gamit ang electric saw at nakita ang ilang libro na gawa sa makapal na papel at bakal na cover na pinahawak muna sa kanila ng mga arkeologo. Nagpatuloy sila hanggang marating ang isang malaking pinto. Di nila ito mabuksan. Di naman sila pwedeng gumamit ng pampasabog dahil baka gumuho ang lugar kaya sinubukan ng mga sundalo na ipasok ang bakal sa gitna ng pinto pero.

Biglang sumingaw ang isang klase ng gas na agad pumasok sa katawan ng ibang sundalo. Nagsigawan daw ang mga to at pilit naghahabol ng hininga habang papalapit sa kanila pero dahil sa takot ay umalis na sila at agad na lumabas.

Paglabas nila nakita nila ang mga kasamahang nakagat ng insekto na nagkabukol-bukol at nag-aagaw buhay na habang ang iba ay nagsusuka. Pilit silang inaasikaso ng mga doktor habang humihingi naman sila nang backup sa mga naiwan sa loob. Pero kahindik-hindik ang nangyari sa mga naiwan dahil bangkay na sila ng ma-recover at animo'y wala ng laman ang kanilang katawan.

Base sa pagsusuri isang klase ng nakakalasong gas ang lumabas mula sa pinto na sadyang inilagay na trap sa sinumang magtatangka. Ang mga insekto naman ay di pamilyar at tanging sa Ehipto palang nakita. Ang iba namang kasama naming lokal ay sinasabing may sumpa daw ang Pharoah at ayaw nyang magambala ang kanyang libingan.

Ibinigay na nila ang nakuhang libro para mapag-aralan. Ang isang librong natagpuan ayon sa pagsasalin ng isa sa mga translator nila dun ay tungkol sa pagpaparusa ng mga kriminal at mga taong ayaw sumunod sa may katungkulan. Nakakasuklam ang paraan ng kanilang parusa. Meron silang bakal na kahugis ng baka at dun ipapasok ang taong nagkasala saka nila sisilaban hanggang magsisigaw at unting-unting malusaw ang mga laman-laman habang sila'y tumatawa dahil sa tunog na animo'y baka. Isa pang di makatao ay ang pagtatali sa magkabilang kamay at paa habang may matalas na bakal sa gitna na kinauupuan ng kriminal. unti-unting hihilahin sila hanggang mahati ang katawan. ang iba nama'y pinakain sa mga insektong alaga hanggang maubos at sa mga di pinalad ay binabad sa asido.

Pagkatapos nilang makinig ay pumunta na sila sa kani-kanilang tent. Matutulog na sya nang mapansin ng lolo ko na may maliit na librong tinitingnan sa baba ng double deck ang kasama nyang indiano. Alam nyang isa yun sa nakuha nila at bawal ang ginagawa nya pero di na nya ito pinansin dahil sa pagod at trahedyang nasaksihan nya wala na syang oras para punahin pa ito.

Kinaumagahan.

Nagising syang masama ang pakiramdam. Bumaba sya sa double deck nagulat sya sa kasama nya na nakaupo lang at parang walang pahinga. Tinanong nya ito sa ingles kung gusto ba nitong kumain pero tulala lang ito na parang malalim ang iniisip kaya pinabayaan na lang nya inisip nyang baka na-trauma.

Nagpa-check up sya sa kasamang doktor at di maganda ang resulta kaya di muna sya pinayagang magtrabaho. Nag-stay lang sya sa tent at kinakausap nya ang bumbay habang nagpapahinga.

"Do you feel sick too?" tanong ng lolo ko. "I just dont want to go outside" sabi naman ng kasama nya habang nakahiga sa deck.

Dalawang araw lang nagpahinga ang lolo at ang bumbay lang ang kasama nya. Nagsimula na rin syang maasiwa sa mabahong amoy sa tent nila na inireklamo nya kaya nilinis nila ito. pero laking gulat nila ng makita ang naagnas na bangkay ng bumbay sa ilalim ng deck. Hindi sya makapaniwala sa nangyari dahil nakausap pa nya ito nung gabi bago sya matulog pero sa tantiya nila ay dalawang araw na itong patay dahil nasa decomposition stage na ito.

Dahil sa nangyari nag-back out sya. dinahilan nya rin na lumalala ang sakit nya. Nagawa nya pang makita ang librong binabasa ng bumbay bago ito mamatay at isama ito sa mga koleksyon pero ni minsan ay di daw nya binuksan.

Nabalitaan na lang nya na marami ang nagkasakit at namatay sa ekpedisyon. Kahit nung nabubuhay pa sya ay hindi nya maintindihan kung totoo ba talaga ang sumpa ang Pharoah.

Dahil sa curiousity ay matagal ko nang hinahanap ang libro pero ni bakas ay wala akong makita.

BLOOD

Scary Stories 4Where stories live. Discover now