Multo sa Barko

270 6 1
                                    


Gusto ko lang i-share ang experience ko, medyo matagal rin akong nag-work sa cruise ship pero yung huling sinampahan ko, hindi na ako bumalik.12 midnight after duty sa bar. bartendress kasi ako. maaga kaming nag-close mga 12am that time kasi maalon sobra. nasa pacific ocean kami non. nung bababa ako papunta sa reception paraa mag-surrender ng cheques at keys may nakasalubong akong guest na lalaki naka-formal attire gala kasi that night ni-greet ko pa ang lintik hindi sumagot eh ok lang naisip ko seasick sya o nahihilo dahil sa alon o baka lasing na galing nga kasi sa bar paglampas sakin nilingon ko halos napipi talaga ako kitang-kita kong lumusot sa wall. takbo ako ng mabilis papunta sa cabin sabay talukbong haha ung keys at cheques na hinihintay sa reception di ko na sinurender tawag ng tawag sa phone ung midnight auditor inihang ko phone. ayoko lumabas ng kwarto sobrang natakot ako baka makita ko ulit ung lalaki. kinabukasan pinapirma ako ng warning ng bar manager bawal kasi yun. hehe..
Yung sunod naman after a month naglilinis ako ng bar wala ng guest punas-punas ganon mga 1:30am narinig ko yung upuan tumunog na parang may humila o umupo di ko pinansin kc natakot ako maglingap-lingap tahimik na kasi. yung sahig kasi is yung parang kahoy hindi carpet kasi pang disco yung outlet. sige lang, naglinis pa rin naman ako kahit nanginginig yung kamay ko sa takot punyeta may sumitsit pagtingin ko sa stage na kalapit ko lang may black lady as in all black nakaharap sakin mahaba ang buhok pero yung buhok nakatabing sa mukha nya na medyo nakatungo hindi naman cya nkalutang sa hangin iniwanan ko yung bar nagsisigaw at nagtatakbo ako kesehodang nakabukas o mawala yung mga imported na alak nla don o mashort ako basta't iniwan ko tinawagan ko lang yung utility pinasara ko lang sa kanya nakiusap ako sa barma namin hindi na ako ulit magduty don kahit sa ibang outlet pag-duty ako lagi na akong nagpapahintay sa utility ayoko na ulit ma-experience yung gnon para kong mahihimatay sa takot. marami pang nakakatakot na experience sa cruise ship kasi marami matatanda namamatay, inaabutan ng atake don ganon. salamat po sa lahat ng nagbabasa.

kp of bulacan

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon