Tagaytay Road

360 7 0
                                    


Hi, ako yung nag-send ng Tagaytay Hotel story last January. naalala ko lang hindi ko pala na-i-send itong isa. sana ma-post din.

May iba na kasi akong nabasa dito sa Tagaytay, share ko lang din yung sa akin. kung may nakakabasa nito na taga Tagaytay baka alam din nila yung mga lugar na ito.

Year 2015 nung nagtatrabaho pa yung kapatid ko sa Yellow Cab Tagaytay, minsan sabay kaming umuuwi sa bahay kapag parehas kaming night shift. Minsan bigla-bigla na lang akong nakakakita ng kung anu-ano, isang beses non dun kami dumaan sa may Mayor's Drive yung madadaanan yung high school kasi umiiwas kami sa checkpoint haha wala kasi akong helmet, so yun na nga, dun kami dumaan paglabas namin ng kanto na yun akala ko sa may Mendez na kami dadaan hindi pala, sa may Las Brisas pala kami dadaan dun sa may basketball court, may nakita akong nakatayong bata sa may court mag-isa lang siya, hindi gumagalaw. pagdaan ng motor, tinitigan ko talaga hindi siya gumagalaw tapos natakot na ako, pagharap ko sa kalsada may dumaan bigla na babae, jusko! napamura talaga ako, nagulat ang kapatid ko gumewang ang motor
"ano yun, ano yun?" tanong niya
"wala may aso kako" yun na lang sinabi ko kasi mas takot pa yun sakin, baka iharurot pa yung motor sa takot. nakwento ko na lang sa kanya pag-uwi namin.

Yung sunod naman sa RADAR, yung papuntang Antonio's Garden, sabi kasi ng kapatid ko mas malapit kung dun kami dadaan kaysa sa Palocpoc. sabi pa niya "ate walang bahayan dun, huwag kang magsasalita kapag may nakita o pumikit ka na lang"
para mawala takot ko, nag-headset na lang ako, pagpasok namin sa kantong yun talagang wala ka ng makikitang ilaw, wala talagang bahayan, tinitingnan ko yung mga dinadaanan sabi ko sa kanya bumusina siya. sobrang bilis ng takbo ng motor, pag-uwi namin sa bahay manhid yung mukha ko sa paspas ng hangin.

Kinabukasan, nagkaroon ako ng allergy sa leeg at batok, maliliit na makati. uminom na ako ng gamot ko, sabi kasi baka bungang araw or what, eh taglamig naman nung time na yun. bumili na din ako ng powder panggamot pero wala pa rin, hindi talaga nagbabago. sabi ko sa nanay ko, samahan ako sa albularyo baka may nakabati sa akin, so yun nga pagkatawas sa akin, may nakita yung albularyo, nagtanong siya sakin kung may pinuntahan daw akong lugar na bago ako tapos naalala ko nga yung pagdaan namin ng Radar. sabi ng albularyo, may nakabati daw sa akin, kumuha lang daw ng dahon na galing doon sa lugar na yon bago iluliop sa akin.

Sunod na araw pagbalik namin sa albularyo ng hapon, dala yung mga tuyong dahon, pagkatapos akong mausukan ng tuyong dahon, nawala talaga yung kati nya at kinabukasan nawala na talaga yung mga pula at parang bungang araw.

Sunod naman papunta kami ng tatay at tito ko sa LTO Tagaytay, kahit ayokong dumaan sa Radar, dun pa rin talaga kami dumaan. nasa Esperanza palang kami sinasabi ko na, na huwag na dumaan dun kasi nga may nangbati sakin dati eh sabi ng tatay ko umaga naman. so sige dun kami dumaan, palabas na kami ng kanto, yung malapit na sa mga bahay, paahon yun. hindi kami nakaahon, dalawang beses akala ni tatay nabitin lang. tapos lahat kami bumaba, nag-try ulit umahon talagang ayaw, tas sabi ko sa tatay ko "sabi naman sa inyo huwag na tayo dito dumaan" saka lang nagsabi yung tatay ko na "pasensya na po, makikiraan po", sakto pagsabi ng tatay ko nun, nakaahon na kami.

Marami pang iba na naranasan ko sa pagmo-motor namin. merong iba bigla na lang lilitaw pag tumingin ako sa side mirror. pero pinaka-hindi ko malilimutan nung nasa bus ako pauwi, 11pm nung sumakay ako mula Olivarez papuntang Alfonso. nasa ordinary bus ako nakasakay, sa pangalawang upuan na dalawahan sa may gitnang pinto. nasa may Crossing Mendez, may sumakay na nagtitinda ng balot may kasamang batang lalaki, dun siya umupo sa unahan ko. sa may mismong pagpasok ng gitnang pinto ng bus, yung bata nasa may bintana tapos yung lalaki kalong niya yung basket ng balot. hindi ko naman pinansin kasi wala, parang wala namang kakaiba. tapos pagdating ng Mangas bumaba na yung nagtitinda ng balot, pagtingin ko sa bintana yung nagtitinda lang ang nakababa, pagtingin ko dun sa inupuan nung bata wala na dun yung bata tapos pagtingin ko ulit sa bintana nandun yung bata nakatayo sa may pinto ng bus duguan. anak ng...! takbo talaga ako sa unahan sa may malapit sa driver, tinanong pa nga ako ng driver kung bababa ako. sabi ko "hindi po, kuya tingnan mo mga dinadaanan mo" hanggang sa nakarating kami ng bayan, sabi ko na lang sa driver at sa konduktor, tingnan-tingnan ang mga pasahero, baka hindi tao ang nakasakay."

Yun na lang muna, kinakabahan tuloy ako.

- Raijen

Scary Stories 4Where stories live. Discover now