Madre

448 18 0
                                    


First time kong ibabahagi ang karanasan kong 'to. So eto na nga.

April 27, 2017 pumunta kami ng Family ko sa Pangasinan para magbakasyon ay mag-swimming pala ang pakay namin. Yung Tito ko nag-aya sa isang sikat na paliguan (ayoko ng banggitin yung lugar respeto nalang) *Fast forward* nung makarating kami sa lugar namangha ako. May kung ano doon sa lugar na 'yon na para bang ayaw ko ng umalis nalibang ako. gusto kong gumala at humiwalay sa kanila ngunit ng tangkain kong umalis mag-isa napa-isip ako sabi ko dapat may kasama ako, para kapag may naranasan akong kakaiba may makakakita di lang ako. Diba? Haha yung lugar na 'yon may lumang Grotto Opo mukhang napabayaan na talaga (bundok sya na may mga hagdan). Ang Creepy po nung banda sa Grotto parang ang bigat lang ng feeling. Sa sobrang curious ko nagpasama ako sa kapatid ko. Since ayaw ko naman talaga pumunta ng mag-isa don kasi nga duwag talaga ako. Umakyat kami ng walang takot kasi nga gusto kong makita yung tuktok non sabi kasi nila my rebulto ni Jesus Christ kaya gusto kong makita. Nasa kalagitnaan palang kami nakarinig na ako ng boses. Ganito yung eksaktong sinabi "Bumaba kayo" (boses ng matandang babae) nangatog po talaga tuhod ko. Ayokong ipakita sa kapatid kong natatakot ako. Kasi kapag nagwala ako don malamang tatakbo sya, nagpatuloy pa rin kami at hindi ko talaga inasahan ang sumunod na mga pangyayari. Malapit na kami sa Tuktok ng bigla kong nakita ang babaeng tila ba'y nag-aabang sa amin (nakaharang po sya sa dadaanan namin) hindi ako makagalaw ang tanging nasambit ko lang sa kapatid ko ay "Nakikita mo ba?" Sumagot siya "Huh?" Napalakas boses ko para makagawa ng ingay pero walang tutulong sa amin dahil malapit na kami sa tuktok ng Grotto. Napaatras ako dahil naglalakad na 'yung matanda papunta sakin. Hinatak ng kapatid ko yung kamay ko at sinabing "Oo ate may babae." Umiiyak kaming dalawa na kumaripas kami ng takbo kada lilingon ako nakikita ko pa rin sya sumusunod. Yung mga paa ko dumudugo na dahil sa mga batong nadadaanan namin hindi ko na ininda yung sakit. Ang mahalaga sakin ay mailigtas ko ang kapatid ko. gusto ko ng bumaba ng mas mabilis humahagulgol na ako, nagdarasal na rin ako. Tumatakbo kami pero mukhang pabalik-balik lang kami sa iisang lugar. Nagdarasal ako ng paulit-ulit. Hanggang sa namalayan kong nakikita na namin ang daan pababa. Sa mga hindi maniniwala Okay lang, nirerespeto ko kayo. Pero yung karanasan ko na 'yon ay habangbuhay ng nakatatak sa puso't isipan ko. Tandang-tanda ko pa ang itsura nung matandang babae. Matangkad at walang mata napakarumi ng kasuotan (nakapang-madre sya) maduming-madumi talaga. Nakakatakot para syang sinaunang madre. Salamat sa Diyos at nakababa na kami hindi ako makapaniwalang nalampasan namin ang pangyayaring 'yon. yung gilid ng bundok bangin na talaga hindi kami mabubuhay kung sakaling malalaglag kami at may mga patulis na bato pa. Pagkababa namin nakita ko si papa hinahanap pala kami mahigit limang oras kaming nawala pero feeling ko isang oras lang nangyari yon. Niyakap ko si papa at yung kapatid ko. Iyak ako ng iyak nanginginig ako sa takot. Sabi ng mga taga doon walang umaakyat doon dahil maraming elementong paglalaruan ka lalo na kapag natipuhan at bago ka lang.

Papa: "napakagala n'yo kasi!"
Ako: (nakangiti habang lumuluha)

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan after non. Grabeng experience yon. Umalis na rin kami agad hindi ko na pinayagang mag -stay pa kami doon.

-Khaye

Scary Stories 4Kde žijí příběhy. Začni objevovat