Mang-aaswang

611 21 0
                                    


Hello, I just want to share this story, ma-post or not. This story is not mine, sa asawa ko ito. Tawagin nalang natin siyang BJ, for me Hindi siya creepy, natatawa pa nga ako at gusto kong kalbuhin ang aswang na yon.

Taga dito kami sa Mindanao, ang asawa ko ay isang sundalo. Somewhere in Mindanao siya na-assigned. Kwento niya sa akin ang experience niya na nagbigay sa kanya ng matinding kilabot. Last year, around September may Operation sila. So ayun akyat sa bundok. Full Operation, Marami daw sila nun ilang mga squad ang nandon sama-sama, nakarating daw sila sa mga liblib na barangay.

Sa isang barangay daw kung saan sila nakarating naisipan daw nila doon na magpalipas ng gabi. Maaga pa sila doon, so ayun orient sa mga tao, bili ng pagkain na din at nagpahinga, Meron daw silang nakilala dun na babae daw mga nasa 30's, dalaga pa. Binibiro pa daw ng mga kasamahan nila na baka isa sa kanila daw ang forever nung babae. Pero ngingiti-ngiti lang daw tapos malagkit daw ang tingin sa kanya (asawa ko). Nung pagsapit ng gabi, tulog na sila. Ang duty nasa ibaba nila, kasi nasa high ground daw sila nakapwesto, tapos yung ibang kasamahan nila nasa baba. ayun na nga nung kailaliman na daw ng gabi. Di daw makatulog ang asawa ko. Tapos naririnig daw niya parang may lumapag na ibon, mahina daw ang tunog. Tapos kita niya talaga may papalapit sa kanyang hugis tao, babae, mahaba daw ang kuko, nanlilisik daw ang mga mata, basta sabi pa niya di daw niya ma-describe, di daw siya makagalaw. Lumapit daw talaga tapos para daw hinahalukay ang tiyan niya na para daw kinukuha kanyang mga lamang loob. Nung paakyat na daw ang aswang sa katawan niya, nahawakan daw nung aswang yung singsing niya. Ang singsing niya may carved na cross at blessed yun sa simbahan. Para daw napaso ang aswang at galit na galit na umalis. Non palang daw siya nakagalaw. Diretso siyang kuha nung baril niya, pero wala na daw. Tapos tinignan daw niya ang tiyan niya baka daw wala na siyang mga lamang loob. Lumakad-lakad pa nga siya, tapos tumalon-talon pa para masiguro. Pero nandun pa naman daw ang tiyan niya.

Kinabukasan kinuwento niya sa mga kasamahan niya, iilan lang ang naniwala sa kanya, yung isang napagkwentuhan niya, may nakatagpo na matanda na taga doon daw sabi nung matanda.

Non-verbatim:

Ale: Mga Sir, hindi nyo ba naramdaman na inaswang kayo kagabi, ang tapang-tapang nga nung aswang.
Sir: Hala ka Ma'am! Yung kasamahan namin ang inaswang daw. Totoo pala yun.

So ayun nga kwento-kwento na, yung duty pala alam daw niya may aswang pero akala niya hindi sa kanila kasi daw malakas pagkakarinig niya (yun kasi paniniwala, na kung malapit, mahina. kung malayo malakas ang tunog) akala nang aswang daw na may buntis, tinanong din yung asawa ko nung matanda.

Ale: Sir, ano ba naramdaman mo. May kakaiba ka bang naramdaman?
BJ: Wala naman 'te, pero ganun nga akala ko kinuha na ang atay ko at mga lamang loob ko.
Ale: Hindi ka ba niya nalawayan Sir?
BJ: Hindi naman 'te.
Tapos may kinuha daw na lana yung matanda.
Ale: Ito paniguro lang Sir, naniniwala ka ba sa Diyos?
BJ: Oo naman 'te.
Ale: Ito sayo na yan (sabay bigay sa kanya nung lana) inumin mo yan Sir, tapos mag-pray ka lang na hindi ka pinatakdan.

So ayun na nga ininom niya, pati na rin ng mga kasamahan niya na nanghingi na rin.

Non-verbatim:

BJ: Sa tingi ninyo 'te, ano ba ang gusto nun at nang-aswang? di naman kami buntis.
Ale: Ay ganun talaga yun sir. Minsan lang yun, kung Hindi pagpapalaway ang gusto nun, naglalandi lang ang aswang na iyon.

Kaya Nung sumunod na gabi daw hindi na daw sila natulog. Lahat sila duty na.

Doon ko na-realized na akala ko buntis at mga bago lang panganak ang inaaswang. Minsan pag may gusto sila inaaswang din nila (not literal na inaaswang na third party) para din silang tao na lumalandi.

Yung Babae daw na binibiro daw nila di na daw nagpakita sa kanila, Nung nakasalubong daw nila nung araw na yun umiwas daw, yun daw ang duda nila na aswang. Marami pa akong kwento. Salamat sa pagbabasa.

SaintCael ZSP

Scary Stories 4Where stories live. Discover now