Papa

227 7 0
                                    

Year 1998 ng madestino ang father ko sa Davao Oriental dahil sa work nya bilang Engineer. May Boss sya si Sir Wil (not his real name). Si Sir Wil that time gustong mag-manage sa mga rural places para unti-unti nyang ma-develop kaya kinotak si Papa para sya ang mag-manage, build at ginawa syang kanang kamay ni Sir Wil. May building din si Sir Wil sa Davao City, si Papa din ang nag-build kaya din kami napunta ng Davao kasi doon nag-work ang Papa ko nung time na nagkakagulo na sa Rizal.

Hindi mapagkakaila na gwapo talaga ang Papa ko kaya marami din ang nagkakagusto sa kanya ang mga babae noon sa probinsya pero sinasabi naman nya na may asawa na sya kaya kahit papaano eh umiiwas din sila na landiin ang Papa ko pero meron talagang malahigad sa kati. May kasamahan si Papa na Labor Worker (Jun) na umaaya sa kanila na fiesta sa lugar nila sa Cabadiangan yata yun I dunno the correct spelling.
Nag-aalangan pa si Papa noon dahil kasi uso sa mga bundok yung NPA kaya natatakot din sya, sinabi naman ng kasamahan nya "Nasa kalsada po kami Sir tsaka may disco rin kasi nun mayang gabi sa Plaza". Yung ibang kasamahan sina (Makoy at Dodong) mas na-excite sa sayawan kesa yata sa pagkain. Sumama nalang din si Papa dahil makulit din yung taong nag-aaya. Mainit na pagtanggap nakuha nila mula sa pamilya ni Jun tsaka masasarap na probinsyang pagkain. Sinabihan pa nga si Papa ng mama ni Jun na magdala ng bawang at kalamansi sa bulsa kasi maraming aswang sa paligid nila kasi Manila boy si Papa, may itsura at dayo. Laking Cebu si papa kaya alam nya yung mga ganyang pamahiin at naniniwala din sya sa aswang kaya kumuha sya ng 8 calamansi at 13 yata na bawang. Dahil probinsya kaya inaya na naman sila ni Jun na makikain sa mga kapitbahay, marami na silang bahay na napuntahan at napagtagayan ng tuba. Nag-stay sila ng inuman sa may isang tindahan kamag-anak ni Jun at dun sila nag-inuman ng tuba hanggang magsimula ang baylehan o sayawan. May babaeng lumapit sa kanila, maganda at tisayin name nya Bayeng, kaibigan sya ni Jun. Nakipag-usap ito sa kanila at para bang nakakahipnotismo yung mata nya tapos tinignan sya ng babae may inaalok na pagkain nahi-hypnotize talaga sya na tikman yun biglang hinampas ng mama ni Jun yung lamesa kumbaga ginulat sila tapos si Bayeng daw nagmamadaling umalis dinala pati yung pagkain. Sinabi ng mama ng tauhan nya...

Mama ni Tauhan : Kumain ka ba?.
Papa : Hindi po Hindi rin ako nakatikim.
Mama ni Tauhan : Tama lang ang ginawa mo. May gayuma yun. Mga aswang kasi dito nag-aagawan sila ng mga dayo gusto nila ang mga taga Manila para doon sila manirahan. Doon kasi maraming tao makakapagtago sila, di sila mabilis matunton, dito pwede silang patayin.
Papa : May dala po akong bawang ba't hindi natakot?.
Mama ni Tauhan : Aysus mga aswang ngayon kumakain na rin nyan, pag tao sila kaya na nila yan pero pag nag-orasyon na sila para maging aswang di nila kaya yan. Maraming buwang dito huwag pasobra ng inom baka di ka makauwi nyan sa bahay.

Umalis na ang matanda. Mga ilang oras nag-start na sila mag-disco sa Plaza kahit mga lasing na, sayaw lang sila ng sayaw. Hanggang si Jun inaya naman ng isang kumpare, sumama din sila at nag-inom na naman pero si Papa nagbawas na ng shot baka kasi masuka sa daan. Nag-decide si Makoy na babalik na sa bahay na nila Jun para magpahinga, bago sila umalis tinanong kung kabisado ba ang daan sabi naman ni Makoy "Oo kabisado naman naaalala ko yung daan palabas". Sumama si Papa, naiwan si Dodong hayok yata sa alak. Habang naglalakad sinusundan lang ni Papa si Makoy kasi nauna si Makoy maglakad at sya may alam ng daan. May nakasalubong silang mag-ina pinagtanungan yung mag-ina ni Makoy kung saan ang daan palabas papuntang Plaza may tinurong daan yung mag-ina na sya namang sinunod nila. Naasar si Papa kasi di naman pala kabisado ni Makoy. Ilang minuto na silang naglalakad pero wala pa rin sila sa Plaza nagsabi si Papa na "Naliligaw na tayo" sagot naman ni Makoy "Hindi yan Boss".
Sa kalagitnaan ng malawak na talahib may nakita silang bahay pumunta sila doon para sana magtanong nang nag-"ayo" na sila in tagalog "tao po" lumabas yung nanay na pinagtanungan nila kanina sa kakahuyan. Nagsabi ang nanay naligaw yata kayo hindi nyo nasunod yung sinabi kong daan. Nawala yata amats nila Papa at Makoy sa paglalakad kaya napagod. Sinabi nang nanay sa kanila na tumuloy muna sila sa bahay nya at kumain dahil fiesta naman at isasabay nalang sila sa pagbalik nya sa Plaza dahil may kukunin sya. Hindi kumain si Papa pero yung kasama nya kumain ng suman at inihaw na baboy tapos kinilaw lumabas si Papa para magyosi like father like daughter haha, nang mapansin nya yung Nanay may kausap na 2 lalaki, narinig nya yung pag-uusap nila.

Nanay : May 2 dayo sa loob.
Lalake 1 : Naligaw ba? Ubos na ba yung 3 NPA nung nakaraang linggo?
Nanay : Oo, ubos diba binigyan ko kayo? Yung natira ginamit ko panghanda tapos kinulang pa kaya nagdagdag ako.

Nung marinig nya yung sinabi ng matanda nandiri sya kay Makoy kasi kumakain ito doon sa loob. Pumasok sya di na nya tinapos yung pakikinig gusto nya ng makaalis na sila doon. Napatingin si Papa sa picture na nakasabit, 3 bata pala yung anak ni nanay pero 1 lang ang nakikita nya sa bahay. Yung batang babae nakatingin kay Papa na parang iiyak nagsabi yung bata na hindi nya nanay yung nasa labas kundi lola nya, yung mama nya pinatay ng lola nya pati kapatid nya tapos tinuro nya yung mga ulam sa lamesa. Hindi alam ni Papa gagawin nya tapos si Makoy parang takam na takam na sa kinakain nya kaya di nya alam kung ano ang uunahin kung itatakas nya yung bata o tatakas lang silang dalawa ni Makoy. Hanggang pumasok yung 2 lalaki at yung nanay, sinabi ng nanay na mga kapatid nya yung 2 lalaki. Sa takot ni Papa kung anu-ano nalang ang pumasok sa isip nya para makaalis gumawa sya ng eksena, sinapak nya si Makoy tapos nagkunwari sya na nalaman nyang kalaguyo ng mama ko si Makoy nagulat si Makoy pero di nya hinayaang magsalita si Makoy kaya hinatak nya sa labas at nagrambulan sila doon buti epektib kasi nung nagpagulong-gulong sila sa damuhan hinila na ni Papa yung kasamahan nya at tumakbo ng mabilis hanggang mapunta sila sa isang kalsada binaktas nila yun hanggang makakita ng bahay at may nag-iinuman sa labas humingi sila ng tulong habang tumatakbo papunta doon sa nag-iinuman nang makarating sila nagulat yung mga lalaking nag-inuman kung anong nangyari kasi punit-punit ang damit nila gawa ng pagtakbo nasabit sa mga sanga yung damit kaya napunit. Sinabi nila lahat ng nangyari, naniwala naman sila at nagsilabas ng itak. Nang palabas na sila ng bahay papuntang kalsada nakita nila Papa yung 2 lalaki at batang babae papunta sa kanila ng makarating nakipag-usap sa mga lalaking pinakiusapan nilang tulungan sila kitang-kita ni Papa yung isang lalaki naglalaway at pati yung batang babae akala mo asong ulol nakangiti pa yung bata. Awa naman ng Diyos hindi pumayag yung mga lalaki na kunin sila Papa maya-maya may mga rumondang sundalo napadaan lang sila at nakita nila yung mga kumosyon sa kalsada nakipag-usap yung mga sundalo sa 2 lalaki at biglang tinutukan nila yung 2 lalaki ng baril na mahahaba narinig ni Papa sinabi ng isang sundalo "Mga NPA nalang huwag na mga dayo" sumagot yung isang lalaking ulol "Mag-iwan ka na ng isa yung maputi iwan mo, kailangan namin ng bagong henerasyon". Natakot naman sila sa mga baril kaya umalis pero need maging alisto baka biglang mang-ambush. Matapos nun hinatid sila Papa ng mga sundalo sa bahay ng tauhan nya, 4am na nun ng tumingin sya sa relo nya hindi na natulog si Papa nun inantay mag-umaga para makauwi na.

Habang nag-almusal si Papa kinausap sya ng mama ni Makoy about sa nangyari sa kanila sabi nya "Kung hindi aswang kakain sayo, mga taong cannibal naman buti nakatakas ka walang nakakatakas sa kanila. Alam mo yung babae, matanda na yun kumare pa yun ng mama ko, lola ni Makoy." Base sa describe ni Papa, bata pa yung babae parang edad 40 palang. Hanggang nakauwi narin si Papa sa siyudad ng Davao at tinanggihan na yung alok ni Sir Wil sa Lupon, Davao Oriental.

P.S Tinagalog ko na po, actually lahat yan bisaya eh kung i-type ko pa bisaya tapos i-translate ko pa ng tagalog mukha akong tulok nun maaasar lang kayo. Pasensya na po kung di nyo ma-gets kasi nasa bus po ako now at nawiwindang na rin ako.

Ate Rica 💕

Scary Stories 4Where stories live. Discover now